Sixteen

27 4 2
                                        

Pinark niya ang kanyang sasakyan sa SM. Aabay naming tinanggal ang seatbelts pero mas nauna siya para pagbuksan ako ng pinto.

"Thank you." Pasalamat ko at bumaba. Sinarado niya ang pinto niya at may pinindot para mailagay na yung bubong ng kotse. Tumabi siya sakin at hinawakan ang kamay ko. Pinagsiklop niya ang mga daliri namin. Napatingin ako doon bago bumaling sakanya.

"Tara na?" Tanong niya. Tumango nalang ako at nagsimula na kaming maglakad. Pagkapasok namin sa mall ay nagtungo muna kami sa McDo para kumain. Siya ang nag-order kaya pumili ako ng table. Umupo ako sa pangdalawahan.

"Oh, Gail? Mag-isa kalang?" Napatingin ako sa nagsalita. Sa katabi naming table ay si George, isa sa mga kaklase ko. Nakangisi siya habang kasama ang mga kaibigan niya.

"Nope. May kasama ako." Sagot ko at nag-iwas ng tingin. Nanligaw na sakin dati si George pero.... uhmmm.... binusted ko siya. I don't like him. Mayabang siya at makasarili.

"Asan? Baka naman gusto mong ako ang sumama sa'yo?" Tanong niya. Iritado ko siyang binalingan. Ngumisi siya. "Wala kang kasama, diba?" Dagdag pa niya.

Sasagot na sana ako nang may naglapag ng tray sa table. Inangat ko ang tingin ko kay Xavier. Umupo na siya sa katapat kong upuan at ngumiti.

"Sorry. Medyo mahaba kasi ang pila." Saad niya. Ngumiti ako sakanya.

"Nope. Okay lang." Sagot ko. Bumaling ang atensyon ni Xavier kay George kaya napatingin din ako sakanya. Nakalaglag panga siya, no, silang lahat. Ngumiti ako sakanila at binaling nalang ang atensyon sa pagkain.

"So... what do you want? Movie?" Tanong niya. Gusto ko rin sana pero mauubos ang oras namin sa ganon lang.

"Don nalang tayo sa 4th floor. Games." Saad ko. Tumango lang siya. Pagkatapos naming kumain ay umalis na kami sa McDo.

Nagtungo kami sa 4th floor at naglaro sa Tom's World. Tawa ako ng tawa nang makailang beses akong bumangga habang naglalaro mg Car Racing. Magkalaban kami ni Xavier na halos walang baga.

"Andaya!" Saad ko nang manalo siya sa race. Tumawa lang siya at naghanap na kami ng bagong mapaglilibangan. Natuon ang atensyon ko sa isang parang Hunting Game.

"Dun tayo!" Saad ko at hinila na siya. Naglagay kami ng token at hinanda ko na ang baril ko. Nang magstart ay agad akong bumaril. Natapos ang laro at sobrang saya ko nang maging maayos ang performance ko.

"Kita mo 'yun?!" Natatawa kong saad kay Xavier bago siya binalingan. Nanlalaki ang mga mata niyang nakatingin sakin habang laglag ang panga.

"You.... you almost killed all the zombies." Saad niya na di makapaniwala. Kumunot ang noo ko.

"Bakit? Diba kelangan naman talaga?" Tanong ko. Ngumisi siya at umiling. Hinila ko naman na siya sa ibang mga games don.

Sa huli ay pagod na pagod kaming umupo sa fake grass ng SM. Kitang-kita namin ang orange na langit.

"Gail, nag-enjoy kaba?" Tanong niya. Bumaling ako sakanya.

"Yup!" Sagot ko at tumawa. Mayamaya ay humikab ako. Inaantok na ako dahil sa pagod. Nagulat ako nang iginaya niya ang ulo ko upang humilig sa balikat niya.

Napatingin ako sakanya. Nakangiti siya sakin. Kinuha niya ang kamay ko at pinagsiklop ang mga daliri namin. Napabaling ang atensyon ko don at namula.

May napadaan na grupo siguro ng mga High School students na mas mababa ang year level. Napatingin sila samin. Narinig ko pa na bumulong ang isa sakanila.

"Wala pong poreber." Bulong niya. Binawal naman siya noong binulungan niya pero nagtawanan sila habang umalis. Naramdaman ko ang pag-iling ni Xavier at ang paglagay din ng ulo niya sa ulo ko.

MeantWhere stories live. Discover now