{MMH} *Ch. 17 - Bonding, 1st Serious Convo and 'See you tomorrow'?

En başından başla
                                    

Ngumiti ako sa kanya, “No. I’m not kidding.” And its possible na wala akong boyfriend dahil malas nga ako pagdating sa ganyan.

Tiningnan nya lang ako na parang naghihintay pa sa mga sasabihin ko.

“Well. You know, I don’t have time for that. Focus kasi ako ngayon sa trabaho ko and I think I will not be able to have a relationship again because I’m getting married.”

Nabigla sya sa narinig nya, “Y-you what?”

“Soon, magpapakasal na ako. Kaya dapat lang naman na hindi na ako pumasok sa anomang relasyon.”

“Wait. I don’t get it. Wala ka sa isang relasyon ngayon but you’re getting married soon. How come? If you don’t even have a boyfriend?”

“Uhm. Let’s just say that I’m one of those victims of arranged marriage. And until now, I still don’t know who my groom is.”

Nakita ko na gulat pa rin sya at sakto naman na dumating na yung mga orders namin. Hindi naman na sya nagreact pa sa sinabi ko at kumain nalang kami.

Ilang sandali pa ay nagyaya na syang umuwi. Pumayag naman ako. Marami na rin akong nalaman tungkol sa kanya. At sa tingin ko mabait naman talaga sya. Hindi ko lang maintindihan kung bakit ayaw na ayaw ni Marc sa kanya at kung bakit pinipilit nya akong lumayo sa kanya.

Pero hindi ko nga pala masasabi kung ayaw nga ni Marc kay Madisson dahil hanggang ngayon hindi ko pa rin alam ang relasyon nilang dalawa. Bakit ganun nalang kadali kay Madisson na halikan si Marc? At bakit hindi naman umaangal si Marc? Natatandaan ko pa noon ang sinabi sakin ni Gab na walang ibang tiningnan na babae si Marc nung mga panahon na nasa New Jersey ako at may amnesia. For I don’t know how many years hindi sya tumingin sa iba. Pero ano ang tungkol kay Madisson? Nagsasabi ba ng totoo sakin si Gab noon?

Nakarating kaming dalawa sa car park. Huminto sya at hinarap ako. Nakangiti ulit sya.

“Thank you again Clens! I had so much fun today! I hope there will be a next time! It’s nice to have you as my friend.” Sabi nya sabay yakap sakin.

Niyakap ko din sya, “You’re welcome.”

Humiwalay na sya, “So pano? I’ll go first. Take care, ok?”

Ngumiti ako at tumango. Bubuksan na sana nya ang sasakyan nya ng pigilan ko sya.

Napatingin sya sakin, “Yes?”

Tiningnan ko sya ng seryoso sa mata. Wala namang masama siguro sa itatanong ko diba? Gusto ko lang naman malaman.

“Uhh. Itatanong ko lang sana…. Ano ba ang relasyon nyo ni Marc?”

Hindi sya agad sumagot. Tiningnan nya din ako ng seryoso. Bigla naman akong nakaramdam ng kaba. Hindi ko maintindihan ang sarili ko. Bakit ako kinakabahan sa pwede nyang isagot?

{COMPLETED} [MFM Book2] Mirror of My Heart {MMH}Hikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin