Hmmm? Umaga na? Inat-inat muna ako habang nakahiga.

Oh?! Ahh! Kita ko yung dibdib ko!

Napa-upo ako bigla. Lulutang-lutang ako pero nag-iisip ako ng may ma-alala akong bigla.

Takte!!!!!!

Bigla nag-init ang pisngi ko. Kahit papaano may naalala ako kagabi. Makasabunot nga ng ulo sa mga pinag-gagawa ko.

ARGgh!!! Kakahiya! Baka ano na isipin nun sa akin. Sampal dito. Sampal dun.

Ng mapansin kong wala ito sa tabi ko.

Shit!

Ano na gagawin ko pag makaharap ko na siya? Wala na akong mukhang maihaharap.

Bumangon na ko saka kinuha ang damit ko.

Oh may god! Di ko talaga akalain na mangyayari to.

Ligo muna ko para makapag-isip ng matino.

After ko maligo umupo ako sa sofa. Pero di naman ako mapalagay. Tatayo ako tas palakad-lakad sa sala. Ano na gagawin ko? Ano na gagawin ko?

SH*T ! Ang lakas ng tibok ng puso ko. Ang hirap huminga.

May pinagsisihan ba ko sa mga nangyari?

OU! NAG-SISISI AKO!

Nagsisisi ako na lasing ako ng may mangyari samin! Yan tuloy konti lang naaalala ko! Hahaha. SIRA NA TOKTOK ko!

Relax! Relax! Di naman niya ako siguro ipagtatabuyan.

Ang tagal na wala pa din siya! Iniwan na niya ata ko. Gaga lang? Pang paalis lang ng kaba!

Ng biglang may narinig akong kumakatok sa pinto.

Sino naman kaya to? Imposibleng si Ms. Batugan diba?

Kaya binuksan ko yung pinto.

Oh

Em

Gie!!!!

"PRINCE?" Di ako makapaniwala sa nakikita ko.

Hug niya ako bigla. Kita ko ang saya sa mukha nito. Kaya hug ko din siya. Na miss ko tong bestfriend ko!

"Akala ko pa naman nakalimutan mo na ko! Ganda ng baksyon na plinano mo sakin aa," pag-papakonsensya ko sa kanya.

"Sorry na. Ano ba naman kasi nangyari?"

Anong nangyari? Diba dapat ako itong magtatanong nun sa kanya? What happend bakit di niya ako pinuntahan agad!

"Pasok ka muna," yaya ko sa kanya. Pumasok naman siya at naupo kami sa sofa.

"Di na tayo pwede magtagal bhebs, kailangan na nating umalis," saad ni prince.

"Kailangan ko muna hintayin yung kasama ko prince."

Tiningnan nito ang kanyang relo. "Ok. Pero 15 minutes lang. Kung gusto mo pang makaabot sa orientation mo."

Hala! Oh my god! Nawala sa isip ko.

Bakit ba kasi ang tagal niya! Asan na yun. Ayokong umalis ng di kami nagkaka-usap. Kailangan may kapaliwanagan yung nangyari sa amin kagabi.

"Lets go."

Ay tapos na agad ang 15 minutes! Naman prince ee. Ayoko!

"Prince nakakahiya naman kung aalis ako bigla." Sabi ko dito. Sa totoo lang di na sa nahihiya ako. Gusto ko lang talaga siyang makita bago umalis.

"Alam ba niya na kailangan mo umalis sa araw na to?" tanong ni Prince.

Tumango naman ako. Pero di ko na sabi na umaga ako dapat umalis. Hays.

Love me, Hate me : STRANGER [GxG]Where stories live. Discover now