Chapter 9: Accused

397 17 5
                                    

Chapter 9: Accused

Hindi na napigilan ng ilan sa amin maduwal sa nasaksihan. Halata ang panglulumo sa mata ni Ma’am Ching na hanggang ngayon ay hindi pa rin makatingin ng direkta sa katawan na nakatambad sa aming harapan. Nakakapit siya sa braso ng matipunong katawan ng isang lalaki na sa tingin ko ay nasa late 20’s.

Pinagmasdan ko ang lalaki. Maamo ang mukha nito na bumagay sa suot niyang dilaw na polo na pinartneran ng itim na slacks at isang pares ng makintab na itim na sapatos. Mukhang bago lang siya dito sa school namin dahil ngayon ko pa lang siya nakita.

Tinanggal niya ang pagkakakapit ni Ma’am Ching sa kanya at mabilis na lumapit sa pwesto ko. Napaatras ako nang yumuko siya sa harapan ko. Ilang segundo pa ay tumayo na siya at lumapit sa katawan ng estudyanteng lalaki at tinanggal ang magkabilang tali na nakakonekta sa kamay nito at sa pinto ng CR.

Doon ko lang napansin na ang kinuha niya pala sa lapag ay isang malaking salamin na kanina’y natapakan ko.
Nang naibaba na ang katawan ay agad niya itong pinulsuhan sa leeg.

Tila nahimasmasan naman si Ma’am Ching at ang isa pang gurong babae na kulot ang buhok at kasing tangkad ko lamang kahit na naka-heels na. Sa pagkakatanda ko ang pangalan niya ay Ma’am Ramos, aming guidance counselor na siyang humarang sa ‘kin pagpasok ko kanina.

Agad na kinuha ni Ma’am Ramos ang cellphone niya sa kanyang bulsa. “We need to call an ambulance!” pasigaw na sabi niya habang nagda-dial ngunit mababakas pa rin ang takot sa kanyang boses.

“No. He’s already dead. What we need to do now is to call police,” kalmadong sabi ng lalaki na direktang nakatingin sa mga babaeng guro matapos niyang pulsuhan ang estudyante.

Muli akong napaatras nang nabaling ang tingin niya sa akin. “Do you know him?” tanong niya habang nakaturo sa biktima.

Umiling iling ako sabay sabing, “No, sir.”

Tango lang ang nakuha kong sagot niya at saka muli siyang nagtanong sa iba pang estudyante na nandito habang ako naman ay ipinagpatuloy ang pagmamasid sa paligid.

Maliban sa mga nagkalat na basag na salamin, kapansin pansin ding tanging ang pang apat na cubicle malapit sa bintana lamang ang nakasara. Pasimple ko iyong tinulak upang tingnan kung naka-lock ba o hindi at tama nga ako, naka-lock ito.

Dumapa ako saka sumilip sa maliit na siwang sa ilalim ng pinto nang may kung anong maliit na liwanag akong napansin. Pilit ko iyong inabot gamit ang kanan kong kamay. Nang hindi ko ito nakuha ay mas lalo akong lumapit. Mabuti na lang, sakto ang sukat ng braso ko sa siwang kaya’t nakuha ko ang malamig at kumikinang na bagay na iyon. Tumayo ako kaagad at pinagpagan ang sarili.

Halos kumawala naman ang puso ko ng may nagsalita sa likod ko.

“Anong ginagawa mo rito?” tanong sa ‘kin ni Ma’am Ramos.

“Naiihi na po kasi ako,” wika ko na talagang umaarte pang naiihi para mas makumbinsi siya. “kaya tinignan ko po kung malinis dito.”  Sabay turo sa tapat kong pinto. Tinaasan niya ako ng kilay bago niya sinundan ng tingin ang tinuturo ko. Sinamantala ko naman iyon upang itago sa kanang bulsa ng blazer ko ang bagay na nakuha ko.

“You don’t know the victim, right Miss Martinez?”

“Yes ma’am.”

“Alright, you can leave now.”

“Thank you, Ma’am,” saad ko na may ngiti sa labi. Muntik na! Mabuti na lang kumagat siya sa excuse ko.

Napayuko ako nang nadaanan ko ang katawan ng biktima na nasa tapat ng una hanggang ikalawang cubicle kung saan siya nakasabit kanina. Hindi ko alam kung bakit ko naisipang kuhain ang cellphone ko sa bulsa ng aking palda. At kinuhaan ko pa talaga ng picture ang mukha at tattoo ng lalaki. Hay, nababaliw na nga siguro ako.

The Unnamed BookWhere stories live. Discover now