Epilogue

1.1K 29 0
                                    

Epilogue

~Third Person's POV~

"F-ford?"

"Sissssssss! Hindi mo naman sinabi na fafabels mo na pala si Zero Blue Gonzales. Naunahan mo pa akoooooo"

Agad pumunta si Xia kay Ford. Ang mga nanunuod naman akala mo ay nanunuod sa isang theater play.

Mahigpit na niyakap ni Xia si Ford. Si Ford ang kauna-unahang naging kaibigan niya. Si Ford ay tunay na lalaki na naging---binabae!

"Kapag hindi mo binitawan ang girlfriend ko lilipad ka pabalik kung saan ka nagmula" banta ni Blue.

"Eto naman si fafa Blue! Jelly agad? Hindi kami talo 'no---eww!"

Isa iyon sa nagustuhan ni Xia na ugali ni Ford. Katulad niya rin kasi si Ford. Isang Queen Bitch.

"Nakakasira ka sa moment eh!" Sigaw ng isa sa mga kaibigan ni Blue.

"Oh sorry na fafa jekoyyyy! Ikaw na lang guguluhin ko" nagmamadaling bumaba si Ford sa stage at hinabol si Jekoy--ang kaibigan ni Blue.

"So...can we continue?"

" Nakakainis ka Gonzales! Ginayuma mo ako sa mga tingin mo, pinakain mo saakin ang mga sweet words mo. Ayan! Ugh! Isang XENON ISABELLE ALDAMA Nagkagusto sa'yo? Napakaswerte mo!"

"Yes. I'm lucky to have you love"

"Bakit ako? Bitch ako! Hobby ko ang magmaldita, hindi nabubuo ang araw ko kapag hindi ako nakapang-lait, mahilig akong magsabi ng BITCH PLEASE! Pero bakit ako? You see. Hindi sila boto!"

"Because...I love you! At wala silang magagawa. Kasalan ko ba na mahulog ako sa isang maldita *tsup* sa isang mapanglait *tsup* at sa babaeng mahilig magsabi ng Bitch please *tsup* na kagaya mo? I don't care kung ayaw ka nila. Bakit ako ba sila?"

"Oo na! I love you too na"

"Yan! Yung kanina ko pa hinihintay."

Then, they kissed like no one saw them.

Queen Bitch (2015)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon