Chapter 1

1.6K 34 2
                                    

CHAPTER 1

~Xia's POV~

"BELLA! BELLA"

"Yes po madam?"

"Pinakialaman mo ba yung bago kong biling dress ha?"

"Ay madam akala ko po kasi labahan na pasensiya na po"

"Tanga ka talaga. Alam mo minsan naisipan na kitang bilhan ng IQ. Tabi nga"

Agad naman siyang tumabi. Habang pababa ako ng hagdan nakatingin ang ibang at may ilan na bumati. Well, wala akong pake. Ang kailangan ko kumuha ng gunting at gupitin ang buhok nung Bella na yun. Tanga kasi!

"Madam sorry po talaga"

"Anong gagawin ko sa sorry mo? Susuotin ko? Leche! Umalis ka na sa harap ko"

"Xia... Ang aga-aga sumisigaw ka dyan"

"Mom bakit ba kasi nagha-hired kayo ng tangang maid?"

"Xia!"

"What? Tss." Kesa makipagtalo umakyat na lang ulit ako sa kwarto ko.

No choice ako kung hindi bumili ng bagong dress. I'm 30 minutes late sa party na pupuntahan ko. Well, mas okay na yun. Isang Aldama paghihintayin nila? Bitch please.

I'm Xenon Isabelle Aldama. 17 years old. As you can see. Mayaman ako! Hindi naman bagay kung mag-iinarte ako tapos hindi ako mayaman. Duh! Utak please.

Oh I forgot. Wala ka pala nun! Gusto mo bilhan kita?

Queen Bitch (2015)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon