One Shot Story

49 4 3
                                    

Ako yung tipo ng babae na naniniwala sa kasabihang, "Walang forever."

Hindi ako naniniwala sa true love. Hindi ako marunong magmahal. Hindi ako marunong sumugal. At higit sa lahat, hindi ako maniniwala pag sasabihin mong mahal mo ako.

Love.. Isa yan sa iniiwasan kong maramdaman.

Kasi lahat ng umiibig, nag e'end up na talunan. Umiiyak, nasasaktan. Lahat ng nagmamahal, nags'suffer. Kaya nga ayaw kong maranasan diba?

Yung mga magulang ko. I have seen them suffered nang dahil sa pag ibig. And I can say na sobrang selfish nila. Kasi, nonsense lang ang lahat. Nabuo ako, tapos maghihiwalay lang sila. That is bullsh*t.

Araw araw kong naririnig yung sigawan nila. Naririnig ko kung paano nila sabihan ang isa't isa na hindi naman talaga nila minahal ang bawat isa.

It came to the point na, laging nakulong sa kwarto si mommy. Tas late uuwi si daddy. Kung uuwi man si daddy, mag aaway lang sila.

Naawa ako sa sarili ko nun. Dahil sa mga nangyari, naging self-destructive ako.

Isinumpa ko na hindi ako iiyak. Hindi ako magiging katulad nilang nagdudusa nang dahil sa pag ibig. Hindi ako magiging katulad nila.

Buong buo yung walls na tinayo ko para maprotektahan yung paniniwala kong yun. Sobrang tibay na tila walang makakagiba nun. But then you came. Pinatunayan mong mali ako. Tinanggal mo yung barrier na nakapalibot sa puso ko. Tinuruan mo akong magmahal.

Noong una, nanggagalaiti ako. Kasi para kang asong buntot ng buntot sa akin. Sobrang allergic ko sayo. As in.

Pano ba naman kasi, napakayabang mo. Very confident ka na mapapainlove mo ako. You even told our block mates na patay na patay ako sayo.

Ini'stalk mo ako sa lahat ng social account ko. At paulit ulit kitang bino'block.

Pero ang kulit mo e. Kahit na paulit ulit kitang i'block, gumagawa ka ng bagong account.

Araw araw, lagi mo akong inaabangan sa may tapat ng pintuan para magreet ako ng "Goodmorning, beautiful."

Hinayaan lang kita. Kasi alam ko naman na magsasawa karin diyan sa mga ginagawa mong effort na wala namang nakaka appreciate.

Hinayaan lang kita. Akala ko mapapagod ka. Hindi pala. Mali pala ang akala ko. E pano tapos na ang dalawang buong sem. Mag thi'third year college na tayo at hindi ka parin sumusuko.

Gustong gusto kitang patigilin kasi masasaktan ka lang. Aasa ka lang. Gusto kong sabihin na iba nalang. Wag nalang ako. Kasi how can I love you when I couldn't even love myself?

Natitiis ko pa naman lahat ng kakornihan mo pero naubos din ang pasensya ko.

Isang araw kasi, noong foundation day ng University natin, may marriage booth. Pinahila mo pa ako dun sa booth organizer para lang mapakasalan ako dun sa marriage booth.

Halos kaladkarin ako nung mga organizers kasi ayoko talaga. Nadatnan kita doon sa mismong booth. Naka formal attire ka. Yung parang ikakasal talaga.

Imbis na kiligin ako tulad ng mga nararamdaman ng normal na babae, panggagalaiti ang naramdaman ko sayo.

Full force kong tinanggal yung mga braso ko sa pagkakahawak nila. Mukha naman silang nasindak kaya hindi na nila ako hinawakan ulit.

Tiningnan kita ng nanlilisik na mata. Mga matang nagsasabing, "Tantanan mo na ako."

Pagkatapos nun, tumalikod ako sayo. Ayoko na kasi ng maraming kaechosan.

Babalik na sana ako sa classroom kaso ikaw naman yung nanghila sa braso ko.

Words Left UnsaidDonde viven las historias. Descúbrelo ahora