Chapter Twenty- Getting-to-know the Groom

1.5K 64 9
                                    

Chapter Twenty

Getting-to-know the Groom


FOR FEW weeks ay nakakatanggap si Anna ng mga anonymous messages. Sinabihan siya ng kapatid niya na sagutin ang mga iyon. Araw-araw na lang yata ay may natatanggap siyang card na may mensahe. Napansin niya na ang mga mensahe ay patungkol sa kasal nila ni Sir Contreras kaya malamang ito ang may pakana ng mga iyon.

What flower do you prefer for your wedding bouquet? How about the flowers to be decorated on the wedding venue?

"The bouquet will be Sampaguita. It's up to Sir Draco Contreras to choose the other flowers," iyon ang sinulat niya sa card.

The next day: What will be the color of your wedding gown?

Nagtaka siya. Kasalukuyan silang nagpapalipas ng oras ni Florence sa garden nang makuha niya ang mensahe na iyon.

"Ano ba dapat ang kulay ng wedding gown? Hindi ba dapat puti?" tanong niya.

"About that," sabi ng reyna saka ngumiti. "Contreras family has a unique tradition. The brides don't wear white wedding gowns on their weddings."

"White symbolizes purity and virginity. Ano na lang ang sasabihin ng mga tao kapag nakita akong nakasuot ng wedding gown na iba ang kulay? Baka mag-isip sila ng masama."

"Hindi naman siguro. According to my sources, most of the colors of the previous brides were either their favorite color or their husband's. Purple, blue, pink, black –"

"Black?" nagulat siya. Nakangiting tumango ang reyna. "Bakit marami kang alam sa kanila?" nagtataka niyang tanong.

"I asked King of Aces during our meeting. Na-curious kasi ako. So, ano na ang kulay ng magiging wedding gown mo?"

Hindi siya nakasagot. Tumingala siya sa langit na para bang naroon ang sagot. Nakita niya ang watawat ng Hussldren na nasa pinakatuktok na tore ng palasyo. It was a green flag bearing the official coat-of-arms of the House of Monarchs, two swords crossed at each other and a serpent-dragon surrounding them.

"Green," iyon ang isinulat niya sa card saka ibinigay sa maid-servant. "The color of nature and earth. A symbol of life."

"Nice choice," sabi ng reyna.

Sa sumunod na araw, ibang mensahe na naman ang dumating. This time, hindi iyon tanong kundi isang utos.

Ask somebody to get your body measurement. The wedding gown designer needs it.

Gustong maasar ni Anna. Kung gusto nitong pagawan siya ng wedding gown, dapat inutusan na lamang nito ang tagagawa na magpunta sa palasyo at kunan siya ng body measurements. Ganito ba sila mag-usap kapag ikinasal sila? Parang hindi niya magugustuhan ang ganitong set-up pero nagtimpi siya. Sinunod niya ang gusto nito.

Kung anu-ano pa ang mensaheng nakuha niya mula rito, asking about her opinion on their wedding. Pati pagkain ay nanghingi ito ng opinyon. After few weeks, may natanggap siyang envelope. Nang makita niya ang laman no'n ay namangha siya. Those were some of the details of the wedding. Naroon din ang mga pictures ng bouquet, flowers, wedding cake, venue at kung anu-ano pa. Parang matagal ng pinaghandaan ang kasal. Naroon din ang design ng wedding gown niya na hindi niya inaasahang napakaganda.

"Mukhang well-prepared ang groom mo," sabi ni Florence sa kanya. Nakitingin ang kuya at sister-in-law niya sa mga detalye ng kasal.

"You're a princess. You deserve a royal wedding," sabi naman ng kapatid niya na halatang humanga rin sa mga nakitang detalye ng kasal. Ayon sa napag-usapan ng kuya niya at nina Queen Diamond at King of Aces, lahat ng gastos sa kasal ay inako ng mga Contreras. Sa wedding gown siya namangha ng husto. Design pa lang iyon pero nagustuhan na niya. Sigurado siyang magiging maganda iyon.

Symphonian Curse 4: Behind the Dragon's ShadowWhere stories live. Discover now