Chapter Three- Unexpected Farewell

1.5K 66 8
                                    

Chapter Three

Unexpected Farewell


MALAPIT na ang foundation day ng school nila. Nag-organized ang SSG ng isang talent show. Lahat ay inanyayahan na ipakita ang talentong meron sila. Gaganapin ang talent show sa kanilang auditorium. Ang mga manonood ay kailangang magbayad. Ang perang malilikom nila ay gagamitin sa prizes ng mananalo at sa susunod nilang mga school activities.

Nagkaroon ng registration ng mga contestants pero hindi nila akalaing marami ang sasali. Nang tingnan ni Anna ang listahan ay napaarko ang kilay niya.

"Mr. Vice-President, bakit nasa listahan ka?" usisa niya sa kaklase na kasalukuyang tumutulong sa pagde-decorate ng stage para sa talent show bukas.

"Because I joined?"

"Ano ang talent mo, Dominguez?" tanong ng secretary nila na si Mina, third year student.

"Kakain ako ng buhay na daga," sagot nito na seryoso ang mukha. Ang iba ay natawa samantalang nandiri ang iba.

"Talent ba 'yon?" nakangiwi niyang tanong.

"Yup. Bihira ang mga taong nakakagawa no'n. Sa ibang mga bansa nga ay kumakain sila ng earthworms, cockroaches, grasshoppers –" hindi na nito itinuloy ang mga sasabihin nang mapansing namumutla na ang ilan sa kanila. "Basta, talent 'yon."

"Sabi mo eh."


FOUNDATION day. After lunch nagsimula ang contest. Marami ang tao na nanood. Aliw na aliw ang audience sa mga nagpakita ng talent. May mga kumanta, sumayaw, nag-declaimation at nagpatawa pa. Ang mga judges nila ay mga piling teachers. So far, wala pa namang talent na nakakadiri. Namangha nga lang sila nang may estudyanteng nag-dare na mag-fire dance.

"Our next contestant is the most handsome fourth year student in our school!" tuwang-tuwa na announce ng host na si Harriett, isa ring may crush kay Ephraim. Naghiyawan ang mga babae sa audience. Napapailing si Anna. Obvious na marami ang may gusto kay Ephraim. "Please give a round of applause to Ephraim Dominguez!"

Nayanig yata ang buong hall sa hiyawan ng mga babae nang umakyat sa stage si Ephraim. Nasa gilid lang ng hall si Anna at nanonood kanina pa. Hinihintay niya talaga ang talent na ipapakita ni Ephraim. Baka totohanin nito ang pagkain ng daga.

Tumahimik ang buong auditorium nang humarap si Ephraim sa microphone stand.

"Kakanta siya?" naitanong ni Anna. Na-anticipate ni Anna ang gagawin ng vice-president pero hindi niya inasahan na ang boses na maririnig niya ay makakapagpa-speechless sa kanya maging ng buong audience.

"All I am. All I be. Everything in this world and that I'll ever need is in your eyes shining at me. When you smile I can feel all my passion unfolding. Your hand brushes mine and a thousand sensations seduce me 'cause I...

I do cherish you. For the rest of my life. You don't have to think twice. I will love you still. From the depths of my soul. It's beyond my control. I waited so long to say this to you. If you're asking do I love you this much, I do."

Tulala pa rin si Anna habang nakikinig sa acapella version ni Ephraim ng kantang 'I do'. Kahit walang accompaniment ay maganda pa ring pakinggan ang kanta dahil maganda ang boses ng kumakanta. Hindi niya inakalang may tinatagong talent sa pagkanta ang classmate niyang ito.

Biglang kumabog ng malakas ang dibdib ni Anna nang tumutok ang mga mata ni Ephraim sa kanya.

"In my world before you, I lived outside my emotions. Didn't know where I was going 'till that day I found you. How you opened my life to a new paradise. In a world full of change, still with all my heart 'till my dying day!"

Symphonian Curse 4: Behind the Dragon's ShadowWhere stories live. Discover now