Confessions and Olive Dew's

3.4K 157 4
                                    

It's been a week since that night  yet the pain is still here. It hurts so bad dahil isang gabi lang pala ang tatapos sa lahat ng masasayang bagay na nangyari sa amin, isang gabi ng katotohanan. Katotohanang hindi kami pwede at may taong nagmamay-ari na ng puso nya. Katotohanang pinagmukha nya lang akong tanga at parang pinaglaruan nya lang ako. Masakit dahil buong akala ko pareho kami ng nararamdaman pero hindi at ang tanga ko para isipin ang bagay na yun.

Since that night, I kept myself busy with work. Buti na lang at may bago akong project outside of Bacolod at hindi ko kailangang magpunta sa bookstore dahil mukha lang ni Rhian ang nakikita ko doon. And buti na lng dahil Christmas vacation na rin ni Abigail kaya sya ang katulong ni Chynna ngayon. Pero kahit anong busy ko sa trabaho eh hindi ko pa rin maiwasang wag syang isipin. Halos lahat ata ang nakikita ko reminds me of her. Pag tinamaan ka nga naman talaga ng matindi. Hay, lintik na pag-ibig.

Like now, andito ako sa office na ginawa namin ng mga tauhan ko beside the site. At tulad ng dati, iniisip ko na naman sya. Her pretty smile, hearty laugh, childish acts. I just sighed, how can I get rid of you? Maybe Chynna was right, I should talk to Rhian. But how, eh siguradong wala na sa Bacolod yun dahil tapos na shooting nila. Siguro nag-eenjoy na yun ngayon kasama ng Luis nya at tulad ng pangalang ginamit nya sa hotel, siguro nagka-Alzheimer's na sya at kinalimutang my iniwan syan pusong luhaan sa Bacolod. *sigh. And before I become crazy thinking of her, I stood up and decided to join my team working outside.

_____________________________________*********__________________________________________

Glaiza is busy helping her workers. She's having fun and playing jokes with them. Yan ang bagay na gusto ng mga tauhan nya sa kanya. Hindi sya yung tipong utos lang ng utos, hands on sya pagdating sa trabaho nila. Busy sya sa ginagawa nyang pagmamartilyo kaya di nya napansin ang babaeng papalapit sa kanya.

"Cha.." the lady called. And Glaiza, upon hearing the familiar voice was surprised at dahil dun, nagmintis ang pagmamartilyo nya at tumama sa kanyang daliri which made it bled.

"Cha, sorry."

"Cha, dahan dahan lang."

Sabay na sabi nina Rhian at Gwyneth. The latter went ahead at agad tinakpan ng panyo ang sugat ni Glaiza dahil alam nyang takot ito sa dugo.

"Don't you touch my girlfriend again." Rhian snapped at her na kinataas naman ng kilay ni Glaiza kaya napangiti na lang si Gwen.

"Oops..sorry I didn't know. Ikaw Cha ha may di ka kinukwento sa'kin." The architect teased which made Glaiza glared at her. "Biro lang. Sige na, ikaw na muna bahala dito kay engineer. That's her office at may gamot dun" baling naman nya kay Rhian.

The two went inside the engineer's office para magamot nga si Glaiza. Habang nasa loob, tahimik lang ang dalawa. Rhian treating Glaiza's wound habang umiiwas naman ng tingin ang huli. The actress broke the awkward silence. "Cha, you look pale. Ok ka lang ba?"

"Yah" still not looking at Rhian.

"Hindi, yung totoo. Sobrang sakit ba? Gusto mo punta na lang tayong hospital?" the actress asked worriedly.

"Ok nga lang ako." Sagot ng engineer habang lalong yumuyuko. "Takot lang ako sa dugo." She added whispering. Pero di yun nakalampas sa pandinig ni Rhian kaya napatawa ito. "What's funny?" Glaiza snapped. "Kung hindi mo ako ginulat, hindi ako masusugatan."

"Sorry na lab. Di ko naman sadya eh." Rhian apologized habang pigil ang tawa.

"Di ako nagpapatawa." Glaiza now pissed. "At ba't ka ba andito ha? Di ba dapat nakauwi ka na?"

Rhian turned serious. "We need to talk." She started. "Marami tayong dapat pag-us.."

"Wala na tayong dapat pag-usapan." Glaiza broke.

"Marami nga tayong dapat pag-usapan. Kaya pwede ba, makinig ka." Rhian countered.

"Wala nga." Pagmamatigas naman ng isa.

"Meron. At marami." Pamimilit ni Rhian. "Pag di ka pa tumigil, ewan ko na lang" the actress added.

"Rhian, there's nothing to talk.." Glaiza haven't finished what she was about to say cause Rhian's lips already caught hers. The engineer was shocked, she didn't thought that the actress would do that. When she was about to kiss Rhian back, the actress pulled away and just smiled.

"I missed you too. Pero pwede ba makinig ka muna?" the actress started. "I'm sorry kung ngayon lang ako nagkaroon ng time tinapos ko pa kasi yung shooting namin. And yung sa'min ni Luis, Cha let me explain."

"No need to explain. I get it na Rhi, I'm happy for you guys. Bagay kayo." The engineer smiled bitterly. "I think there's nothing to talk about na. Mauna na ako, I've got so many things to do." She headed then to the door.

"I love you." Rhian suddenly blurted out which made the engineer freeze. "Mahal kita G, sobra. I don't know how or why it happened, I just felt it. Yah, at first nalilito ako kasi pareho tayong babae, I thought you can be my bestfriend too. Pero hindi eh, it's different. I feel so complete pag kasama kita, pag wala ka naman lagi kitang hinahanap. Naiinis ako pag di mo ako pinapansin lalo na kapag kasama mo si Gwyneth." tears start flowing now. "Ng iwan mo ako sa labas ng hotel I told myself to give up, na wag na lang. But Glaiza, I can't. I admit maybe I can live without you, maybe I can survive without you, but G I don't want to, ayoko. I love you so much that it hurts just thinking not to be with you."di na napigil ni Rhian ang mga luha and her knees start to weaken kaya napaupo na lang ito. Agad syang nilapitan ni Glaiza and hugged her tight.

"Ssshh, tahan na. Wag ka ng umiyak. Hindi na ako galit." the engineer trying to comfort the actress. "Alam na alam mong ayokon umiiyak ka, dba? kaya tahan na please."

"Ayaw mo akong umiiyak pero inaaway mo ako." parang batang nagmamaktol naman si Rhian. Glaiza seeing her girl's childishness just smiled. "Nakakainis ka naman eh, pinagtatawanan mo lang ako." Rhian pouted.

"Cute mo kasing bata ka, sarap mong halikan" Glaiza teased which made Rhian blush. "Olive Dew." the engineer added.

"Ha?" Rhian asked confused.

"Sabi ko, Olive Dew." Glaiza laughed.

"Sinong Olive Dew yan Galura ha?" paniningkit ng mata ni Rhian. "Kasisimula pa lang natin pero may ibang pangalan ka ng binabanggit."

Glaiza just laughed at dahil napipikon na si Rhian kaya pinagpapalo nya ang una. "Hey, hey, hey, nakakarami ka na magandang binbini. Sabi ko Olive Dew, it means I love you. Ok ba?" she winked. "And wait, tayo na ba? Hindi mo pa nga ako nililigawan eh."dagdag biro nito.

"Sigurado kang I love you yan at hindi pangalan ng babae mo ha?" Rhian with arched eyebrows. "At anong ligaw pinagsasabi mo? Maswerte ka nga kasi ang ganda ganda ng girlfriend mo, saan ka pa? At saang dictionary mo na naman pinulot yang Olive Dew mo, aber?" the actress playing along now.

"Yabang naman ng ale. Pasalamat ka mahal kita." The engineer pinched the actress' nose. "olive Dew galing sa dicCHAnary ko ibig sabihin mahal kita." She added.

"Ok then. Ikaw na, ikaw na talaga." Rhian chuckled. "Ikaw na ang pinakacorny sa lahat ng corny."

"Ok lang, at least mahal mo." Glaiza countered.

"At least mahal mo rin" they both laughed at their silliness.

"Pero teka, panu yung Luis mo?" Glaiza turned serious.

"Anong Luis ko? Hindi ko Luis yun noh, he's not my boyfriend, ka'loveteam yes. He was just playing with you that time, akala kasi nya fan ka namin. Pero hindi kami, hindi talaga. Promise." The actress explained

"Ok, naninigurado lang." Glaiza kissed her girl's forehead.

"I love you Cha." The actress hugged her tighter.

"Olive Dew" Glaiza answered looking at her lovingly.

"Tayo na? Girlfriend na kita?" Rhian with her childish act again.

"May magagawa pa ba ako? Eh bihag mo na puso ko." Glaiza teased.

"Ay, ang kapal ng inhenyerong abogado." Rhian teased back and they both laughed. They're happy and they're together. Finally, they got the courage to say how much they love each other not minding the world outside them.




SerendipityTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon