Exes' Closure...Lovers' Confrontation

3.2K 170 9
                                    


Late dumating si Glaiza sa Christmas Party ng Pice Negros Chapter sa Sugarland Hotel sa Bacolod. Natagalan sya dahil halos ayaw syang pakawalan ni Rhian sa phone call nilang dalawa at alam nya ang rason kung bakit. Kung hindi pa sya nagpromise na hindi sya lalapit kay Jenny ay hindi pa ito matatahimik. Minsan talaga nawawala na sa lugar ang pagiging selosa nito pero mas pinipili na lang nyang  intindihin ang nararamdamang iyon ng nobya. She can't blame Rhian though, Jenelyn was her first; her first love, first girlfriend and her first kiss. Pero hanggang dun na lang talaga ang papel ni Jenelyn sa buhay nya, ang maging parte ng nakaraan. Rhian is her present and will be her future now and she'll do whatever it takes just to keep their relationship strong.

Agad syang sinalubong ng mga kaibigang sina Jason at Pia na nagbabakasyon mula sa trabaho nito sa Japan. Si Jenelyn nama'y kasama ang iba nitong mga kaibigan. The four of them were classmates and college friends sa isang sikat na university ng Bacolod. Ang pinagkaiba lang ay naging magkarelasyon sina Glaiza at Jenny.

"Cha, kanina ka pa hinihintay ni Jenny mo." Bungad ni Jason na may kasamang panunukso sa kaibigan so Glaiza just gave him a warning look.

"Jay, stop it. Alam mo namang may girlfriend si Cha at may asawa na si Jenny." Sita naman ni Pia sa kaibigan nila.

"Nagbibiro lang ako, ang pikon talo." Depensa naman ng lalake sa panunukso nito.

"Tumigil ka na." Glaiza warned him pero natawa na lang ito. Hindi na lang sya pinansin ng dalawa at nagsimula ng pumasok sa hotel na pinagdadausan ng Christmas party nila.

Inside, they met with some of the senior civil engineers at halos lahat ng usapan ay tungkol sa nalalapit na malaking project kung saan magiging engineer sina Glaiza, Jason at Jenny ang Negros to Iloilo project. Matagal ng gustong simulan iyon ng dalawang probinsya pero walang sapat na budget para dito. Pero sa wakas, it is about to begin and everyone is excited about it lalo na ang tatlong inhenyero dahil magiging bahagi sila sa pagbuo ng isa sa pinakamahabang tulay ng bansa. Ang dating pangarap nila nung nag-aaral pa lang ay abot kamay na nila.

Halos lahat ng naroong engineers ay binati at nakausap ni Glaiza maliban kay Jenny na kasalukuyan rin namang abala sa pakikipag-usap sa ibang kasama lalo na at matagal tagal din syang nagtrabaho sa Dubai kasama ang asawa. Pansin rin nyang medyo mailap si Glaiza sa kanya at naiintindihan nya iyon. Alam nyang malaki ang kasalanan nya dito lalo na ang pang-iiwan dito noon without telling Glaiza the reason why. But she's glad to see na masaya na ang huli sa nobya nitong artista at kitang kita nya kung ganu kamahal ng dalawa ang isa't isa.

Glaiza excused herself for awhile dahil medyo sumakit ang ulo nya and decided na magpahangi saglit sa garden na katabi ng pinagdadausan ng Christmas party nila. Hindi kasi sya masyadong sanay sa mga ganitong bagay but she has to do this para makilala ang ibang makakasama nila sa project. Isa pa, ayaw nyang isipin ng mga kaibigan na iniiwasan nya si Jenelyn. Kahit pa kasi sabihing hindi naging maganda ang paghihiwalay nilang dalawa'y naging magkaibigan  rin sila at ngayon nga'y magkakasama pa sa dream project nila.

"Penny for your thoughts?" Narinig nyang may nagsalita and when she looked at it, isang nakangiting Jenelyn ang sumalubong sa kanya. Aminin man nya o hindi pero lalo itong gumanda. Ang dating kikay ng barkada noon ay ibang iba na ngayon. "Musta ka na Galura?" Jenny giggled after that question at mahina ring natawa si Glaiza, iyon kasi ang tawag ng una sa kanya dati.

"Ok naman ako Castro, ikaw?" Natatawa pa ring sagot at balik tanong ni Glaiza sa kausap.

"I'm super fine, at lalo akong sumaya seeing you happy with your girlfriend. Maganda sya Cha ha, swerte mo." May halong pagbibirong saad naman ni Jenny.

SerendipityTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon