The End Part 3 (Chapter 43): Our Love is Made by Shadows

Start from the beginning
                                    

"Tama ka diyan Jace! Lalaki ako pero nagmahal ako ng kapwa ko lalaki, at minahal rin ako ng lalaking 'yun. Tanggap ko na 'yun pero hindi ko lang talaga matanggap na...."

Napatigil muli si Mick sa pagsasalita.

"Na ano???!!"

"Hindi ko matanggap na.... DUWAG AKO! DUWAG AKO JACE!"

"Hindi 'yan totoo Mick. Kung duwag ka, hindi ka papasok sa ganitong klaseng relasyon na napakamapanganib. Kung duwag ka, hindi mo ko tutulungan sa ganitong mapanganib na misyon. Kilala kita bilang matapang na tao Mick kaya wag mong iunderestimate ang sarili mo!"

Napasabunot si Mick ng kanyang buhok at napatayong bigla. Pinipigilan niya ang namumuong emosyon pero hirap niya itong itago.

"Duwag ako Jace!" sambit niyang may pagduro sa 'kin. "Gusto mong malaman kung bakit? Duwag ako dahil hindi kita kayang ipaglaban! Oo mahal kita pero ikinahihiya kita... ikinahihiya ko ang relasyong ito pero ano? Kahit nakakahiya nandito pa rin ako kase hindi ko mapigilang hindi kita mahalin."

Napatayo na rin akong bigla at humarap sa kanya. "Matapang kang tao! May kahinaan ka pero hindi ibig sabihin duwag ka!"

"Hindi mo ako naiintindihan Jace," pagsumamong muli niya. "Ikaw, may lakas ka ng loob para ipagsigawan akong mahal mo ako. Pero ako ni katiting..... WALA. Kaya nga nasabi mo kay ALEX na may relasyon tayo diba? Pero anong ginawa ko? Mas lalo kitang diniin. Mas lalo kong ikinahiya na may taong nakaalam ng relasyong ito. Hindi kita naintindihan kase sarado ang puso ko sa posibilidad na, balang araw may makakaalam. Si Alex pa lang 'yun. Paano na 'pag ibang tao na? Paano pag nalaman ng nanay ko, mga kapatid ko, kamag-anak ko, mga kaibigan ko, katrabaho ko at ng BUONG MUNDO?? Tingin mo makakaya ko pa? Tingin mo maipaglalaban kita?"

Napakaseryoso ni Mick ngunit dama ko 'yung emosyon niya. Alam ko naman na ganun ang saloobin niya pero hindi ko naman siya hinuhusgahan kung ganun 'yung pagtrato niya sa relasyong ito. Maging ako rin naman e, takot na malaman ng ibang tao kahit pa sinabi ko na kay Alex ang relasyon namin.

"Mick.... pamangkin mo lang naman ang pinagsabihan ko, at isa iyon sa pinakamalaking pagkakamaling nagawa ko sa tanang buhay ko. Sana hindi ko na sinabi dahil parang hindi ko na nirespeto ang relasyon natin. Hindi ibig sabihin nun na kaya na kitang ipagsigawan sa buong mundo! Kung duwag ka, mas duwag ako! Alam mo ba kung bakit??!"

Napakunot ng nuo si Mick sa tinuran ko. "Mick.... Hindi mo ba alam na... ga-buhok na lang, gusto na kitang ibalato sa kapatid ko... DAHIL GUSTO KA NIYA! Hindi ko nga alam e, pero part of me, I'm willing to give up para sa ikatutuwid ng landas mo. Pero part of me is lumalaban pa rin kahit alam kong papasok ako, tayo sa butas ng karayom. And that thought kills me every single day of my life. Diba nga dapat iniisip ko na lumaban? Pero hanggang pag-iisip ko lang 'yun kase sa puso ko, kahit anong mangyari.... BAHALA NA!

"Anong ibig mong sabihing BAHALA NA?!"

"Totoo 'yun! Bahala na! Bahala na kung maging tayo o hindi. Bahala na!"

"Mabuti ka pa, BAHALA NA! E ako? Wala akong guts sa bahala na! Imposible ang gusto kong mangyari sa 'tin. Napaka-imposible."

"Bakit Mick? E di gawin nating posible? Nagawa nga nating posible na magkainlaban tayo e. So, anong masama kung suungin natin 'yang imposibleng iniisip mo?"

Napatawa siyang bigla na hindi ko naman naintindihan agad. "Ayun na nga Jace. Gusto kong mamuhay ng NORMAL..... na walang manghuhusga sa 'tin. Na magkakaanak tayo at bubuo ng isang pamilya."

"Huh?! Mick, napaka-imposible ng gusto mong mangyari! Kahit anong gawin mo, hindi natin saklaw ang pag-iisip ng ibang tao!"

"Kaya nga imposible diba? Sabihin mo sa 'kin ngayon kung papaano maging posible 'yun?"

How to Seduce a Hunk Again [Book 2] COMPLETEDWhere stories live. Discover now