Nagkatinginan sila Billy at Vhong na tila may ideya na sa biglang pagbabago ng isip ni Karylle. Kunot noong nakatitig sa kawalan si Vice.

"Hindi kaya dahil 'yun sa bigla niyang paglabas sa show ni Tito Boy? I mean, it was her first comeback guesting. Baka may nabasa oh narinig siyang hindi maganda. You know, siya narin naman mismo ang nagsabi na hindi siya kasing tapang mo na kayang deadmahin ang bashers," pagbabaka-sakaling sabi ni Vhong. Napaisip naman agad si Vice.

"But I promised her naman na hindi ko siya iiwan sa ere,"

"Eh bestie, hindi ka na nasanay sa mga babae. Kahit i-assure mo sila na hindi mo sila iiwan sa ere, mas pipiliin nilang itago nalang yung issue nila kesa sa idamay ka," sabad naman ni Billy.

Vice sighed deeply. Hindi siya agad nakasagot sa mga kaibigan and just tried to think kung ano ba ang dapat niyang gawin to assure Karylle na hindi na niya ito iiwan.

"Eh kung ayain ko na kayang magpakasal si Karylle?" bigla niyang sabi na kapwa nagpalaki sa mga mata nila Vhong at Billy. "By that, mas lalaki yung tiwala niya sa 'kin."

"Vice, you're making your situation more complicated. Hindi naman sa hindi ako pabor sa idea na pakasalan mo si Karylle. Marriage is such a big responsibility. You think it would work that you'll just ask her to marry you dahil lang sa gusto mong lumawak yung tiwala niya sa 'yo? If you'll ask her to marry you, make sure na buong-buo yang loob mo." pagpapaliwanag ni Billy.

"Mahal ko naman si Karylle,"

"Alam mong hindi sapat 'yang pagmamahal lang to say that you're ready to get married. Kailangan mong maging handa," Billy added. Napa-facepalm lang naman si Vice. "Hindi biro ang pagpapakasal."

"Pero wala na 'kong ibang maisip na paraan to show Karylle how much I've changed,"

//

"Daddy Bays!"

"Daddy?"

"Heyyoowwwww!!"

"Daddy Bays!"

Sa sobrang pagkatulala ay hindi na namamalayan ni Vice na kanina pa pala siya tinatawag anak. They're currently sat sa Sofa ng bahay nila. It was passed 5 o'clock in the afternoon at hanggang ngayon ay wala parin si Karylle kaya dumoble na ang pag-aalala ni Vice.

"Ba't di mo 'ko nipapansin? Nigagawit ba ikaw sa 'kin?" madramang sabi ng bata na umupo sa lap ng ama para macatch ang attention nito. "Di na 'ko pasaway, pwamis! Pansin mo 'ko pwease!"

Bumalik na lamang sa ulirat si Vice nang makarinig ng pagsinghot. Napatingin ito sa anak na ngayon ay nagluluha ang mata. He suddenly got worried.

"Bakit, anak?" all worried na tanong nito while stroking her cheeks.

"Di mo nipapansin Ana Kyawisse," nakapout na sabi nito. Napabuntong hininga nalang naman si Vice bago halikan ang anak sa ulo nito.

"Sorry ha? May iniisip lang kasi si Daddy," Klang nodded slowly sabay yakap sa leeg ng ama. "What do you want to do?"

"Miming tayo, Daddy Bays!" gleeful na sigaw nito na nag-jump pababa sabay hila sa Daddy niya.

"Sige na, go to your room muna then kunin mo yung towel mo saka robe. Check lang ni Daddy yung pool,"

Mabilis namang umakyat ang anak papunta sa kwarto nito. Vice went out upang maicheck kung nalinis na ba ang pool. Nang makitang okay naman ito ay umupo siya sa gilid at inilublob ang paa sa tubig. Panaka-naka din niyang tinitignan ang phone kung nagtext na ba ang girlfriend.

"Hay nako, Karylle." he grumbled.

"Ouch!" napalingon si Vice sa anak at nakita itong natumba dahil sa dami ng bitbit.

"Ba't naman kasi dalawa yung towel na dinala mo? Tapos dinala mo pa 'tong robe ko eh mas malaki pa 'to sa 'yo," natatawang sabi niya while helping Klang na tumayo.

"Wala ikaw damit after natin mag-miming," sabi nito as he placed the towels and robes sa upuan.

"Mamaya na yan. Tara naaaaaa!"

Napahagikgik nalang si Klang when Vice carried her sabay talon sa pool. Nang magfloat ang dalawa ay napayakap naman ang bata sa leeg ng ama na tila natatakot.

"Daddy Bays ehhhhh, di naman ako mawunong mag-miming!" sabi nito na nakasampa sa likod ni Vice.

"Kapit ka lang sa leeg ni Daddy ha?" mabilis naman na tumango si Klang.

Paikot-ikot lang sa paglangoy si Vice habang si Klang naman ay nanatiling nakayakap sa leeg at nakasampa sa likod niya. Everytime na lumulubog-lumilitaw sila ay napapasinghap si Klang sabay hampas sa ama.

Sa kalagitnaan ang pag-eenjoy ng mag-ama ay siya namang dating ni Karylle. Narinig nito ang ingay mula sa pool so nagkaroon siya ng idea na nandoon sila Vice at Klang. Nakita niya ang dalawa na naghaharutan habang tinuturuan ni Vice na lumangoy ang anak.

"Para ka namang aso lumangoy,"

"Hindi nga ako mawunong po eh! Kuyit kasi,"

"Kaya nga tinuturuan ka para matuto ka,"

"Eh ba't nisasabi mo po pawa akong aso?"

"Totoo naman eh!"

"Hmp!"

Naiiling at natatawa nalang si Karylle habang pinapanuod magtalo ang mag-ama. Literal na hindi lilipas ang isang araw ng hindi sila nagbabangayan. She really loves watching them kahit minsan sumasakit na ang tenga niya sa kaingayan ng dalawa.

"Mommy!" sigaw ni Klang sabay takbo palapit sa mommy niya.

"Hello, baby." nag-bend naman ng bahagya si Karylle upang mahalikan ang anak. "Nag-eenjoy ka ba?"

"Ni-aaway nanaman ako ni Daddy Bays," bulong na pagsusumbong nito. "Sabi niya pawa daw akong aso,"

"Sinusumbong mo nanaman ako no?" naka-smirk na sabi ni Vice habang umuupo sa gilid ng pool.

"Hindi kaya po," mataray na sagot nito. "Mommy, miming tayo!"

"Pagabi na anak eh, hindi na pwede si Mommy magswimming." sabi nito sabay hawi sa buhok ng anak. "Go back na dun sa pool oh. Papanuorin ka ni Mommy, mag-swim."

"Wiwi muna 'ko," Klang muttered sabay hawak sa short niya. "Ekyut me!"

Nakangiting pinagmamasdan ni Karylle ang anak habang papasok ito ng bahay to take a pee. Nang mawala ang anak sa paningin ay siya namang pagdampi ng labi ni Vice sa pisngi ng nobya.

"Saan ka galing, mommy?" pang-uusisa nito. Nagsmile lang naman sa kaniya si Karylle sabay abot ng towel.

"Kay Yael lang, 'ddy. May pinag-usapan lang," sagot nito na nagstart punasan ang mukha ni Vice.

"May gig ulit kayo?"

"Nope,"

"Eh ano po?"

"Wala. Not so important," sabi nito. Kumunot naman ang noo ni Vice as he gets the towel from Karylle.

"Hindi importante pero maghapon kayong nag-usap? Ano 'yon?" Nasense naman ni Karylle ang irita sa boses ni Vice. "Alam kong may hindi ka sinasabi sa 'kin Karylle eh. Para namang hindi ka desididong buksan ulit yung buhay mo sa 'kin,"

Beki Daddy on DutyWhere stories live. Discover now