Ang airport.

Tama ang basa mo. Pauwi na ako ng Pinas ora-mismo.

Ilang linggo na rin akong nagliban sa school at ayoko na ring makadagdag sa stress ni Kai. Hinding-hindi ko makakalimutan ang tulad niya. Ang swerte ko dahil nakakilala ako ng lalaking gaya niya.

Patakas lang pag-uwi na gagawin namin, panigurado kasi na nag-aabang ang mga korean media sa pagbalik ko sa Pinas. Bukas pa uuwi si Mama dahil ang alam ng mga tao dito kasabay ko siyang aalis ng Korea.

Nang makarating kami sa waiting area, isang video-call ang sumalubong sakin.

"Hi Samantha??" Kumaway-kaway pa siya.

"Oh hello!" Sagot ko naman sa kanya na napakawag rin.

"Have a safe flight.  Ha?" At umarte pa siya ng nalulungkot mula sa kabilang linya.. "I will miss you, my friend!" Sumenyas pa siya ng tawagan-mo-ko-ng-madalas gamit ang mga kamay niya.

Nangingilid ang mga luha ko na napatango sa kanya. "Chingu! I will miss you too!  Thank you sa lahat!" Napapunas ako ng luha gamit ang kamay ko.

"Ah!" Sigaw niya na animo'y may biglang naalala.

Mula sa kinatatayuan niya na halata mong isang dressing room, he mouthed 'come here' sa ilan niyang kasama.

Nagulat na lang ako ng biglang ilang nag-gagwapuhang lalaki ang tumapat sa camera at sabay-sabay na tinawag ang pangalan ko. "Saammmmmm!!!" Lahat sila nagkakaway rin. Kanya-kanyang aegyo sa harapan.

"Hi guys!" Sukli ko namang ngiti sa kanila.

Maya-maya pa nagpakilala sila sakin.. "na-dul-set.." sabi ng isa na ang ibig sabihin ay 123.

"We are---ONE-EXO-imnida!" Sabay nagkakakawag na ulit sila. Heh. Ke-gagwapo namang nilalang nere? Ang shwerte ko po. ~_~

Pampa-patay oras, isa-isa nilang in-introduce ang sarili nila, at matapos yun nilibot ni Kai ang camera para makita ko pa ang ibang tao.

Napasinghap na lang ako ng may isang familiar na tao akong nakita mula sa likod niya.

I was stunned nang bigla itong ngumiti at yumakap kay Kai.

"t-th-that's-----" Paputol-putol at nauutal na sabi ko sa kanya.

The Legendary GANGSTER Meets Miss BRAINY Girl (KathNiel)Where stories live. Discover now