Chapter 1: The Dare (R-18)

123 0 0
                                        

Magsisimula nang magtaping para sa isang teleserye sina Dylan Lucero at Faith Castillejo. Sila ang magkaloveteam sa teleseryeng "Love is in the Air."

Si Dylan ay isang 25 year-old actor at dancer na may katamtamang katawan. May pagkaplayboy ang binata, gwapo at malakas ang appeal lalo na sa mga kababaihan. May pagkachinito si Dylan at may maputing balat dahil may lahing Chinese ang kanyang ina samantalang may lahing Espanol ang kanyang paternal grandfather. Meron syang taas na 6 feet.

Nagsimula sya sa showbiz bilang miembro ng isang sikat na dance group na Dance Troopers. Nalagasan kasi ng isang miembro ang grupo at kinuha sya bilang kapalit. Sixteen years old pa lang sya that time. Sa pagsasayaw nya natutunan mas mabuild up ang kanyang self confidence at mafamiliarize ang pasikot sikot ng showbiz. Kinumbinse sya ng kaibigan nyang actor na si Ivan na mag artista. Nagwork muna sya as extra kahit sumasayaw pa sya para sa grupo. Pero nang nagkaroon sya na magaling na manager ay nagdecision sya na iwan muna ang grupo para makapag focus sa acting. Pumayag naman ang manager ng kanilang dance group na maglie low muna sya sa dancing since nakikita nya ang potential ng kanyang alaga pagdating sa pag arte. 

Nagsimula na rin syang magkaroon ng regular work sa mga movies at telenovelas pero more on supporting roles. Di pa rin nawawala ang pagpeperform nya sa variety shows paminsan minsan kasama ng kanyang dating kagrupo. Paraan nya yun upang lumingon sa kanyang pinanggalingan.

Ngayon ay in demand na ang binata sa mga movies at telenovelas kaya  paminsan minsan na lang syang sumasayaw para sa mga variety shows kasama ng dati nyang kagrupo. Tulad ngayon, may bagong project na naman syang sisimulan bilang leading man.

Tinatago din nya sa publiko ang pagiging playboy nya kaya tanging kapwa artista, dancer at iba pang mga nagtatrabaho sa loob ng showbiz industry lang ang nakakaalam ng kanyang tunay na pagkatao. Kapag tuwing may reporter na nahuhuli syang kung sino sinong babae ang kasama ay binabayaran nya eto para manahimik.

Reporter 1: Sir. Sino yung kasama nyo? Bago na naman yan ano?

Dylan: Wag ka na lang maingay. (Sabay bigas ng cash)

Tinanggap naman ng reporter ang pera, sabay sabi na: Sige sir. Keep quiet na lang ako.

Kahit naman ang agency at manager nya na nag aalaga sa kanya ay gumagawa din ng paraan para maitago ang kanyang pagiging babaero dahil alam nila na nakakasira eto sa public image ng kanilang alaga. Hindi naman sila nagkukulang sa pagbibigay ng payo sa binata na tigilan na ang pagiging playboy ngunit sadyang matigas ang ulo ng binata. 

Si Faith naman ay katulad nya na may pagkachinita. Medium lang ang height nya, around 5'4". May hitsura at maganda ang katawan ng dalaga pero mas maputi si Dylan sa kanya. Kaso mas maraming magaganda at mas sexy na artista kumpara kay Faith. Pero ang kanyang professionalism at kabaitan nitong taglay ang dahilan kung bakit nagtatagal sya sa showbiz at minamahal ng marami nyang fans. Twenty two years old pa lang sya.  Nagwork sya as child star at hanggang ngayon ay nagwowork pa rin sya as an actress. Mas sikat nga lang si Dylan kumpara kay Faith. 

Sya ang napili bilang leading lady ni Dylan. Maraming natuwa dahil malaking break eto para kay Faith since laging supporting lang ang nagiging role ng dalaga sa mga nakaraan nyang projects. Nung bata pa sya ay laging "younger version" ng bida ang mga role na napupunta sa kanya or supporting character lamang samantalang magaling naman syang umarte. Pero marami rin ang kumontra lalong lalo na ang mga fans ni Dylan. Katwiran ng mga kumokontra ay mas marami naman daw mas magaganda at mas sexy kesa kay Faith.

Example ng mga kumokontra online:

Reena: Bakit sya pa? Hindi naman sya kagandahan. Pasalamat sya at si Dylan Lucero ang leading man mo, kung hindi, hindi ko yan papanoorin.

A Burning DesireWhere stories live. Discover now