Fanboy Ako! Ft. Kathryn Bernardo (One Shot)

7.2K 299 107
                                    

------------

"Ahhhhhh!!!!! Ang gwapo nya talaga!" 

Hinatak ko tong pinsan ko papalayo sa poster ni Daniel Padilla.

"Tumahimik ka nga dyan. Hindi ka ba nahihiya?" 

Inirapan niya ako. "Anong kahiya hiya dun?"

"Poster lang yan oh! Poster lang yan! Tsaka ka na mag gaganyan kapag nakaharap mo na yang crush mo." 

Nakakahiya naman kasi talaga eh, nakita lang nya yung poster ni Daniel Padilla biglang gaganon. Hindi makalma, parang timang. 

"Eh baket ang init init ng ulo mo?"

Napasigh ako. "Kasi nakakahiya nga! Pinagtitinginan na nga tayo ng mga tao kanina dahil sayo."

Umakbay siya sakin. "Alam mo insan, yung ibang tumingin satin fangirls din yon."

"Paano mo nalaman?"

"Tignan mo yun."

Nilingon ko yung kinalalagyan ng poster ni Daniel Padilla. Yung mga babae kilig na kilig. Hindi ko sila magets. Oh well.

"Psssh." Yan nalang nasabi ko.

-----------

Nakauwi kami ng bahay na walang ibang bukang bibig tong pinsan kong si Karen kundi kung gaano kgwapo si Daniel Padilla.

"Tita! Patahimikin nyo nga po tong si Karen. Nakakarindi na kasi e." Sabi ko.

"Hay nako, Jacob iho. Hindi mo na mapapatahimik yan basta si Daniel Padilla ang usapan."

"Pansin ko nga."

Nakatutok nanaman tong si Karen sa TV habang inaantay yung prod ni Daniel sa ASAP.

Tinabihan ko siya sa kinauupuan niya.

"Peram nga ako ng remote."

Tinignan nya ako ng masama sabay layo sakin nung remote.

Natawa lang ako. "Ang damot mo."

Hindi niya ako pinansin.

"Libre kita. Labas tayo."

Fanboy Ako! Ft. Kathryn Bernardo Where stories live. Discover now