CHAPTER 3

11 2 0
                                    

Hi readers!! I'M BACK!! This was my way of bringing myself to life...haha chos! Eto na talaga am...ano nga ba sasabihin ko ah... Ah haha

ENJOY READING!!!

Chapter 3

ANA'S POV

Matapos naming kumain sa isang restaurant, dumiretso kami sa boarding house nila Ate mae at Ate rica.

"Hoy! Sayo na tumapat yung bote! Tulala ka pa dyan!" Rinig kong untag sa akin ni Ate Rica.

"Ay! KALABAW NA PINATUBO" Kaya natauhan ako at bumalik sa wisyo, Haist!! Naiisip ko na naman siya. Ay! nasa kalagitnaan pala ako ng laro ng Spin the bottle na pasimuno lang naman ay Ako kahit tatlo lang kami...Hindi parin ako mapakali sa nakita ko kanina. Unbelievable and Impossible na mapapadpad siya dito at makikita ko pa talaga siya, unless baka kahawig niya lang un...Nasa bulacan siya, wala siya sa maynila.Okay! Pambalubag-loob ko sa sarili alangan namang sayo! Deh joke hahaha.

"Sayo naman na tumapat ung bote eh hindi nakita tatanungin ng truth or dare!! Kasi napapansin ko kanina ka pa tulala!? Ano bang problema?" Panimulang tanong sa akin ni ate rica. Nakatingin sa akin silang dalawa sa akin na animo'y may hinihintay na sagot. Nakapalibot lang kasi kami sa isang maliit na lamesa at nasa gitna noon ay ang bote na ginagamit namin panturo. Na kasalukuyang sa akin nakatapat.

"No comment!" Saad ko na lamang ayokong pati sila ay madamay pa sa kadramahan ng buhay ko. Tanong meron nga ba?? Haha gulo ko ba ako din eh gulong gulo na rin...

"Ano ka artista ang peg?!" Sabi ni Ate Mae sa akin.

"Kwento mona dali?! Baka makatulong kami kahit papaano?" Sabi ni Ate rica.Bumuntong hininga na muna ako bago ako nagsimula sa pagkukuwento. Sa totoo talaga kilala nila si John Andrei bilang kaibigan ko lang, hindi bilang ka-ibigan.

"Yung childood friend ko na ikinekwento ko sa inyo nung 8 yrs old pa lang ako..." Tumango lang sila kaya ipinagpatuloy ko. "Nung mga araw na yun may gusto na ako sa kanya at hanggang ngayon meron parin..." yumuko ako para hindi nila makita reaksyon ng mukha ko habang kinekwento ko sa kanila.

"So ano nangyari?!" Ate rica.

"Nagtapat ako sa kanya nung birthday niya, akala ko yun yung tamang panahon para malaman niya na hindi lang kaibigan ang turing ko sa kanya na-na mas higit pa doon sa inaakala niya at syempre umaasa ako na may gusto din siya sa akin...pero" Hindi ko na talaga mapigil at may lumabas na luha mula sa mata ko pero pinunasan ko kaagad.

"Pero nagkamali pala ako, sa tingin ko hanggang kaibigan na lang talaga ako para sa kanya...Ate alam kong ramdam niyo 'to *sob* hanggang ngayon parin nandito parin siya*sob*" sabay turo sa aking kaliwang dibdib.Hinagod naman ni ate mae ang likod ko para ma-ease kahit papaano yung pag-iyak ko. Nahihiya na tuloy ako kasi sa kanila ko pa talaga na-ilabas itong nararamdaman ko para sa kanya.

"Let-let, alam kong mahirap Para sayo 'to na kimkimin...kaya nandito kami para sayo na damayan ka.Okay! Alam mong masungit ako pero di sintigas ng bato ang puso ko!" Sabi sa akin ni Ate mae. Napangiti na lang ako dahil sa mga pinsan ko na nandiyan para damayan ako lalo nasa mga sitwasyong ito.

"Alam ko po yun ate, salamat nahihiya na tuloy ako.!" Nakayukong litanya ko, kaya pinagtawanan na lang ako nila ate.

*****

Matapos ang dramahan portion namin eh nag-aya naman si Ate rica na magmovie marathon kami. Kay ngayon naghahanda kami ng snacks para doon. Tinext ko narin si mama na dito ako makikitulog at sabay sabay na pala kami mag-eenroll bukas. Yup! At napagpasyahan na sa Belmond University na ako mag ha-hayskul.

Pahard To Get pa si Let-letTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon