Remember You - 1

726 19 1
                                    

Cathy's POV:

Hi. Ako si Cathy. Catherine "Cathy" Bernardo. 29 years old. Sabi nila noon sa akin mataray at suplada daw ako at wala daw akong masyadong kinakausap sa school. Pero ang totoo, hindi talaga ako mataray at suplada at palakaibigan talaga ako. Ang sabi ng iba, kaya daw nagkaganun ang ugali ko ay dahil mas malapit ang bago kong school na pinapasukan sa nilipatan naming bahay kaysa sa school ko dati. Hindi talaga school ang dahilan kung bakit nagkaganun ang ugali ko. Kundi dahil may iniwan akong mahalagang tao sa school ko dati, at yun ay ang boy friend ko na si Francis.

*FLASHBACK*

Boy friend ko si Francis. Mark Francis Magundayao ang buong pangalan niya. Pero ang tawag ko sa kanya ay France. Actually, this time we're in a SR ( Secret Relationship ) kasi ayaw ni Papa. Noong naging boy friend ko si France sabi ko sa kanya sasabihin ko na kay Papa. Nung una ayaw niya kasi baka paghiwalayin daw kami. Pero sabi ko sa kanya hindi ko kayang magsinungaling kay Papa. Naintindihan naman niya. That night, pumunta siya sa house namin para kasama ko siya pag sinabi ko kay Papa ang totoo. Dumating na siya and then nakita namin si Papa, nasa sala siya. Nilapitan na namin si Papa. Huminga muna ako ng malalim bago nagsalita. 

"Pa-Pa-Papa, I-I-I need to tell you something." sabi ko ng nauutal kasi kinakabahan talaga ako kasi ayaw pa talaga ako magka-boy friend ni Papa.

"What is it baby? Bakit nauutal ka? Is it something that can make me angry?" tanong sa akin ni Papa ng seryoso.

Napaiyak na ako habang inaamin kay Papa ang totoo.

"Pa, I'm sorry. I'm really sorry. Sinuway ko po kayo. Hindi po ba ni magpaligaw nga ayaw niyong gawin ko? Pero ngayon po, I have a boy friend. I'm really sorry Pa, for disobeying your condition to me. I'm really sorry." sabi ko habang tuluy-tuloy ang pagpatak ng luha ko.

"Who is he?" pilit niyang sabi habang pinipigilan niya ang galit niya.

"What?!" gulat kong tanong. 

Dahil hindi ko ine-expect na gugustuhin niya pa makilala ang boy friend ko. Hindi ko alam kung sasabihin ko pa kasi baka pag nalaman niya na si Francis yun at kasama ko pa siya baka mabugbog pa siya ni Papa.

"Ang sabi ko sino ang lalaking 'yon?" pasigaw niyang sinabi kaya kinabahan na kami ni Francis. Napatingin sa amin si Papa.

"Ito ba? Ito bang lalaking 'to?" tinuturo ni Papa si Francis habang sinasabi yun.

"Yes Dad. He is my boy friend. He is Francis. Mark Fran---" hindi ko na natuloy ang sinasabi ko dahil biglang nagsalita si Papa.

"Shut up! I don't like to know his name. I don't want to know who is he. You boy, if you still want to live in this world, go now and never meet my daughter again. In short, mag break na kayo. Huwag mo na siyang kakausapin sa school niyo. Ni lalapitan wag mong gagawin dahil pag nalaman kong nilapitan mo pa ulit siya, be afraid because it may be the last day of your life." after sabihin lahat yun ni Papa kay France, sinenyasan ko siya na umalis na siya. 

Back to present, SR kami dahil dun. But this day, malas kami. Because my dad caught us together and being sweet with each other. Biglang hinila ni Papa yung kamay ko pero hinawakan rin naman ako ni Francis.

"What are you doing? Let go of my daughter's hands!" pasigaw na sabi ni Papa kay France.

Sinabi ko sa kanya na bitawan na niya ako ng walang boses, pero ayaw niya pa rin bitawan ang kamay ko.

"Alam niyo Sir, kung ganun lang kadali yun matagal na akong bumitiw eh. Pero masakit po eh. Napakasakit. Napakasakit isipin na hindi mo pwedeng makasama ang taong mahal na mahal mo. Sir, please give me a chance. Pinapangako ko po na hindi ko po sasaktan ang anak niyo." umiiyak na sabi ni Francis kay Papa.

I Do Remember Youजहाँ कहानियाँ रहती हैं। अभी खोजें