Chapter 18: Past

8.6K 247 4
                                    

Third Person's POV

Let me tell you a story about the past.

20 years ago, may palaboy na batang babaeng bampira na kinupkop ng O'Brien clan. Pinalaki siya na puno ng pag-mamahal. Itinuring siyang tunay na kapatid Nina Sam at Jonathan ngunit iba ang pagturing ni farrah kay Jonathan. Kahit kailan, hindi niya ito itinuring na kapatid. When she confessed her feelings for him, he just rejected her that broke her heart.

Hanggang isang araw nalaman ng clan na nanggaling si Farrah sa clan of darkness na siyang kinamumuhian ng clan of light.

"Napagdesisyunan nang five thrones na simula sa gabing Ito. Ikaw, Farrah ay itinuturing na isang outcast at kahit kailan hindi na maaaring magbalik."- Lord O'Brien.

"Pero papa! Please wag po. Hindi ko po ginusto ang maging kabilang sa kanila... itinakwil ko ang maging isa sa kanila! Papa!"-pagmamakaawa ni Farrah subalit hindi siya pinakinggan ng kanyang Itinuring na ama.

Biglang bumukas ang pinto ng hall at iniluwa ang nag-aalalang si Jonathan at Sam.

"Dad! Maawa po kayo sa kapatid namin!"-sigaw ni Sam at hinila palapit sa kanya si Farrah

"She's not your sister. Ilabas niyo ang babaeng 'yan!"-utos ni Lord O'Brien.

Habang kinaladkad palayo si Farrah, tanging galit at pagkamuhi ang nararamdaman niya. Anger because of being rejected at pagkamuhi dahil sa pagtakwil sa kanya ng kanyang kinalakihang pamilya at ng buong clan na binigyan niya ng respeto.

The atmosphere suddenly changed. The hall is starting to break.

"APOCALYPSE! "-the crowd gasped and the council started to feel fear.

Apocalypse is the clan of darkness' so called spirit of vengeance. It was said that the spirit of apocalypse can only be summoned at sumasanib ang kapangyarihan nito sa nilalang na galit at  pagkamuhi  lang ang nararamdaman at wala nang iba.

Biglang nagbago ang anyo ni farrah at hindi ito kanais-nais tingnan. Lumutang siya sa ere at nagsalita ito dahilan ng pagtaas ng mga balahibo nila.

"Ako! Si Farrah! Farrah Apocalypse! Isinusumpa kong babalikan ko kayong lahat!! Maghihiganti ako sa mga katulad niyo na sinaktan ako! Lalong-lalo na sa iyo Jonathan..  babalik ako.... sa pagkatao ng mahal mo. Sa paglipas ng dalawampung taon.. mararamdaman mo ang galit at sakit na nararamdaman ko ngayon.. ha! Ha! Ha! Ha!"-at naglaho ang presensya ni apocalypse habang dala-dala ang katawan ni Farrah sa palasyo ng clan of darkness kung saan haharapin ni Farrah ang pagdurusa, pasakit at sa bandang huli ay ikahahantong sa isang di kanais-nais na hatol ng kamatayan dahil sa paglabag at pagtakwil sa pagiging dark heiress.

Pagkatapos sa pangyayaring iyon, parating nagbibigay ng babala at propesiya ang white guardian spirit kay Sam dahil si Sam lamang ang may taglay na makipag-usap sa mga guardian spirit.


My Naughty Vampire Lover (completed)Where stories live. Discover now