Chapter 5 - Di. Mi.

61.6K 947 70
                                    

Sorry for delayed update. nagiging busy na ako sa school eh.

Dedic sa kanya! Thank you for reading :)

HAPPY 500K+ reads sa MNB and 10k+ reads here!!! :)

 Twitter: @ELLEmenowpi

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

Daniel's POV

2 months passed.

"Babe, pano ba yan? Kailangan ko na pumunta sa office para magwork na. Tapos na ang leave ko."  Kakagising lang namin. It's only 5:15 in the morning.

Andito kami sa Dinning room. Naghahanda na ako ng breakfast namin. Habang nagluluto ako, si Kath ang nagreready ng mga plates and glasses.

"Uy ano Babe? Ok lang ba muna sa 'yo kung iiwan muna kita dito sa bahay?" sabi ko habang nagpiprito ako ng bacon.

Hindi pa rin siya nagsasalita. 

Humarap ako. "Uy Kath" sabi ko.

"Huh?" sabi niya. Tapos tinanggal yung headset niya sa may tenga.

Tsk. Kaya pala hindi niya ako marinig.

"Pupunta na ako sa office ngayon. Ok lang ba sa 'yo na maiwan ka muna dito?" sabi ko.

"Hmmmmm. Eh wala naman akong magagawa. Kaya ok na lang sa akin" sabi niya pero poker face siya.

Pinatay ko na yung gas,  luto na rin naman kasi yung Bacon. Inalis ko na din yung apron ko at lumapit kay Kath. "Babe"

Humarap siya sa akin. Hinawakan ko siya sa likod at nilapit siya sa akin. "Bi, ano ba" sabi niya.

"Nagtatampo ka na naman ba? O sige kung ayaw mo, dito nalang ako sa bahay" sabi ko tapos tiningnan ko siya ng diretso sa mga mata niya.

Iniwas naman niya tingin niya. "Pumasok ka na, baka mapagalitan ka pa ng boss mo" sabi niya.

"Eh bakit parang ayaw mo akong paalisin ha?" malambing na pagsasalita ko tapos medyo tumawa ako.

'Wala lang" sabi niya tapos parang malungkot pa din.

"Tssss. Babalik naman ako siyempre. Hindi naman ako kakainin dun" sabi ko tapos tumawa ako.

Pinalo niya ako ng mahina sa braso ko. "Tse! Alam ko noh" sabi niya.

Hahaha! Ang cute niya. Niyakap ko na siya "Eh bakit ka ba kasi nagagalit?" tanong ko.

"Eh kasi parang hindi na ako sanay ng umaalis ka" sabi niya then she hug me back.

Natuwa naman ako sa sinabi niya. "Mamimiss mo ko kaagad?" biro ko.

"Oo na" sabi niya in low voice.

Ang sweet talaga ng asawa ko. Ang dali maka-miss. Para siyang college pa rin, hindi ko mafeel na mag-asawa na kami. Feeling ko, mag-gf/bf pa lang HAHA!

Medyo hinigpitan ko yakap ko at diniin ko ang ulo ko leeg niya. "Uy Daniel. Medyo nakikiliti ako" sabi niya kaya iniangat ko naman ulo ko.

"Don't worry babalik naman ako kaagad pagkatapos ko sa office eh" sabi ko.

Bumitiw na siya sa yakap. "Sige na, kumain na tayo at baka ma-late ka pa" sabi niya.

Bumitiw na rin ako sa yakap ko sa kanya at inalalayan ko siya sa pag-upo.

"Tadaaaa!" sabi ko habang nilalapag ko yung niluto kong Bacon.

My Nerdy Husband -KathNiel-Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon