The End Part 2 (Chapter 45) Mission versus Mission

Start from the beginning
                                    

Naiintindihan ko 'yung punto ni Ten but that is already a major risk. Most likely e mag-fail kami sa misyong ito specially hindi sapat yung nagawa na namin para maitaboy sila palayo. Mas angat ang determinasyon ng mga pesteng Aunties namin, isama na ang demonyo kong kapatid, kesa sa takot nila.

"Wala na tayong magagawa," sabi ko. "Hindi na ito 'yung oras para kwestyonin natin kung ano nang ginawa natin. Ito yung oras para magkaisa tayo at magtulungan. Kailangan nating maitaboy ang mga walang kwentang taong yun. Hindi ako susuko hangga't hindi natin sila maitataboy dito."

Ang misyong ito'y IMPOSIBLE pero ang imposible'y nagiging posible kapag may tulungan. Ang galit na nararamdaman ko ngayon ay nakabuo ng matinding determinasyon para magpunyagi. Sa isip-isip ko'y para akong si Lapu-Lapu. Laban kung laban! Kung kailangan ng dahas, gagamit ako para lang maitaboy ang mga pinakawalang kwentang taong nakilala sa tanang buhay ko.

**

Isa-isa kaming inabutan ni Ten ng (.45 pistol) in case na kailanganin namin. Nung una'y may takot akong naramdaman nang makita ang baril, pero ngayon, wala akong pakialam kung kanino sa kanilang mga hudas ang matatamaan ng bala ng baril na 'to.

Parang wala akong naging pakialam sa paligid ko sa mga nagdaang oras. 'Yung mga kasama ko'y labis na nag-aalala na kahit hindi ko tanungin e bakas na bakas sa mukha nila ang emosyong iyon. Si Joaquin at Franz, na napasubo sa misyong ito nang dahil sa pabuya pero ramdam ko na 'yung takot. Si Joaquin ver. 2, na parang napipilitan na lang kahit marami pang katanungan sa isip niya na hindi kayang ilabas. Si Alex, na akala mo'y laru-laro lang ang lahat pero ngayo'y natatakot na sa posibleng mangyari. Si Ten, kahit isa siyang matapang na babae, ay labis na rin ang pangamba na baka pumalpak ang misyong ipinaubaya sa kanya ni Mama. Si Mick, na hindi ko alam kung napipilitan lang din, o ginagawa niya lang ang lahat ng 'to para sa 'kin. AKO??? Galit ang nararamdaman ko at gusto kong magtagumpay kaya hindi ko muna iisipin ang nararamdaman ng mga kasama ko.

Alas kwatro na ng hapon. Hindi na talaga kinaya ng ulap ang namumuong tubig dito kaya nagbagsakan ang dala-dala nito para itaboy kami papasok sa lungga kung saan naroroon ang kayamanan.

"Hindi ka ba papasok Jace?" sigaw ni Ten nang mapansin niyang hindi ako gumagalaw na nakaupo lang habang dinadamdam ang ulang bumabagsak sa aking mukha.

"Hindi!!!" sagot ko habang isa-isa silang nagpapasukan sa loob.

Tumayo ako at lumakad papalayo papunta kung saan. Basta kung saan ako dalhin ng mga paa ko. My thoughts are RANDOM again, na tipong hindi ko nanaman kilala ang sarili ko. Naiisip ko kase si Kuya Renzo at kung paano ako makakaganti sa kahayupan niya. Naawa lang ako kay Ten dahil pinaghirapan niyang protektahan ang kayamanan pero umabot pa rin sa puntong kailangang malaman ng kaaway ang mga impormasyon tungkol dito.

Napadpad ako sa lokasyon kung saan namin ginawa ang patibong kasama sina Franz at Joaquin. Tinitigan ko ang mga ginawa namin habang dinarama ko ang napakalakas na ulan na halos sumira sa mga patibong. Nawala na 'yung takip na nagtatago sa mga ito dahil sa agos ng tubig. Kung patuloy pa rin ang malakas na ulan, magiging walang saysay ang pinaghirapan namin mula pa kahapon.

Ininspect ko ang NET TRAP. Napapansin kong wala na itong silbi dahil halata na ito. Ang ginawa ko'y tinapak-tapakan ko ito para subukan kung epektibo pa , sa unang pagtapak ko'y hindi man lang ito gumagalaw dahil may mga lupa nang nagpapabigat sa mismong NET. Sa ikalawang pagtapak, sumentro na ako sa gitna para sipain yung mga putik na nakapalibot dito..... at nang dahil du'y bigla na lang humagupit ang mismong NET na naging dahilan ng kawalan ko ng balanse. Ang bilis ng pangyayari, halos lumabas ang puso ko sa pwersang hindi ko maipaliwanag hanggang sa naramdaman ko na lang na nasa taas na ako ng puno habang nakapaloob sa NET.

How to Seduce a Hunk Again [Book 2] COMPLETEDOn viuen les histories. Descobreix ara