Paano kung hindi siya kumilos nun? Nalaman ko kaya kung malambot nga?



Napailing iling ako. Get a grip man! Kahapon ko pa sinasabi sa'yo yan! Sermon ko sa sarili ko.



"Neo." biglang tawag sa akin at napatingin naman ako dito. "May kasama ka pala." isang lalaki na lumabas mula sa pinto na nasa may kabilang counter na gray ang mata at nakasuot ng patissier na uniform. 


Nagpunta naman agad sa likod ko si Dory. Mukhang hindi nga siya kompartable sa mga lalaki. Napansin ko na yun kanina nung nasa Tavern pa kami.


"Clark." tumango ako dito. "Yep. I have a friend here with me." tumingin naman ako kay Dory. Ngumiti ako dito. 


"Okay lang yan Dory. Baliw lang ang mga tao dito pero mababait naman sila."


"Wag mo akong isama sa bilang nina Eoin at Erskin." kunot noong sabi ni Clark. Sabagay. Hindi ko ito masisisi. Yung dalawa lang naman na yun ang talagang baliw eh. Basta pag tinanong mo kung sino ang baliw sa Il Paradiso, yung dalawa ang una mong masasabi.


"Okay. Fine." and I rolled my eyes. Bumaling ulit ako kay Dory. "Dory. Ipapakilala ko sa'yo. He is Clark Laszlo Rochechort. The owner of this pastry shop." tumingin naman ako kay Clark. "Clark, Pare, this is Dororthy Tiganan. My friend." with hidden desire. Pagpapakilala ko sa dalawa.


"Your friend? I thought you already got married and she's your wife and your expecting a baby." sabi nito. Namula naman ako at nakita ko na ganun din si Dory. Tumikhim naman ako. 


"F-friends lang kami. Pinasyal ko lang dito si Dory kasi maganda ang surroundings dito para sa kanila. Saka mamaya ang paparty ni JT." paliwanag ko. Tumango lang ito. Humarap kay Dory.


"Hello, Dorothy. I'm Clark. A member and patissier and the owner of this shop." at nilahad nito ang kamay kay Dory. Tinanggap naman ni Dory yun.


"Hi. I'm Dory. Yun na lang ang itawag mo sa akin." kiming ngiti ni Dory dito. Nagshake hands naman sila. Pero ang sama ng tingin ko dun sa kamay nila. Paano kanina pa nakikipagshake hands si Dory sa kanila.



 Maipababad nga sa alcohol mamaya. Baka may bakas pa nina Eoin  at Erskin.



"Gray ang mga mata mo. May lahi ka ba?" tanong ni Dory. Tumango naman si Clark at ngumiti.


"Yes. Half French ako." sagot ni Clark at nakita ko na ngumiti si Dory dito.


"Ang cute! Ngayon lang ako nakakita. Pwede makita sa malapitan?" 


"Sure." kibit balikat na sabi ni Clark at dumukwang palapit kay Dory. Medyo lumapit naman si Dory at talagang tinignan up close ang mga mata ni Clark. Nagulat naman ako. Ang lapit na ng mukha nila!

Finding: Nemo-'s Sperm (The search for the missing sperm.)Where stories live. Discover now