All I Need: Chapter 1

13.9K 164 17
                                    

*CLASSROOM

Shar’s POV: Hay na’ko… first day nanaman ng school. Syempre, uso nanaman ang introduce yourself at getting to know each other. Tsk tsk… teka nga muna, asan na ba si Brad? Mukhang late ahh…

Pumasok si Nash ng classroom at nakita si Shar.

Nash: Uy! Brad!! (Sabay akap kay Shar)

Shar: (Inalis hug ni Nash) Ano ka ba naman Brad… para namang di tayo mag-kapitbahay…

Nash: Bakit? Ayaw mo bang inaakap kita? Best friends naman tayo ahh… diba nung bata nga tayo inaakap kita kapag natatakot ka?

Shar: Bata pa tayo nun… tsaka nakalimutan mo na ba? Akala mo lalake ako nung unang pagkikita natin kaya inakap mo ko. Tsaka hello nasa school kaya tayo… baka mamaya kung anong isipin nila.

Nash: Hay… bahala ka nga diyan, Brad. (Umupo sa upuan na katabi ni Shar)

Shar: Oh… kamusta naman ang paghahanap mo diyan sa “True Love” mo na yan?

Nash: Wala eh… ayaw parin magpakita.

Shar’s POV: Ano ka ba! Nasa harap mo na nga eh! Tsk tsk!

Shar: Ahh… ganun ba? Ayos lang yan…

Tumango lang si Nash at napatingin sa pintuan at nakita niyang pumasok si Mika Dela Cruz at biglang nagbago ang mood ni Nash.

Shar: Oh… bakit biglang nag-iba ata mood mo?

Nash: (Tulala kay Mika) Brad… nakita ko na siya…

Shar: (Nanlaki ang mata) Ha?!

Shar’s POV: OH MY!! SA WAKAS! NAKITA RIN NIYA KO!!! YIIIIIEEE EMZO KILIIIG!!

Nash: (Sinundan ng tingin si Mika) Ayun siya… kakapasok lang ng pinto.

Tumingin naman si Shar sa tinititigan ni Nash

Shar’s POV: Ay, Sablay… ibang babae pala.

Shar: Siya?

Nash: (Tumingin kay Shar) Oo siya… siyang siya yun, Brad…

Shar: (Happy tone) Ah… congrats, Brad… buti nalang nakita mo na siya. (Tumalikod at naging malungkot)

Shar’s POV: Ayan! OLATS na… ang bagal bagal mo kasi Shar eh… (buntong hininga) pero, sino kaya ‘tong babaing toh? Ngayon ko lang siya nakita dito sa school eh.

Nash: Brad, ano sa tingin mo? Lapitan ko na ba?

Shar: Ah ehh… cool ka muna, Brad. Baka naman ma-wirdohan sa’yo yung girl… mukhang new student pa naman.

Nash: Oh di… hintayin ko nalang na magpakilala?

Shar: Oo, hintayin mo nalang… tutal classmate naman natin siya diba? Wag ka mag-alala… di naman yan aalis agad eh. Mamaya pa naman yung dismissal. Chill ka lang, Brad. (Tapik sa braso ni Nash)

Nash: Sige salamat, Brad. (Todo smile)

Shar: Sige lang… (Fake smile)

Pumasok na si Ms. Bea (Homeroom teacher)

Ms. Bea: Good morning, class…

All I Need [NASHLENE FANFIC] *COMPLETED*Where stories live. Discover now