Chapter 16

85 2 1
                                    

KNOCK KNOCK

"Miss Gab?" sabi ng isang boses habang kumakatok sa kwarto ko.

"Come in" sagot ko, but still focused on my ps4.

"Miss Gab, tumawag po ang mommy niyo. Dadating daw po ng 5 o'clock ang stylist para ayusan kayo ni Miss Gill" sabi ng kasambahay namin.

"Ok. Can you tell ate to go first, just call me after siyang ayusan. Thank you" sagot ko.

It's the annual Christmas Ball that Familia hosted. And after 4 years ngayon lang ulit ako makakapunta. Ayaw ko talaga pumunta but mom asked me to, pumayag na ko since andun naman ang barkada at syempre di naman ako kilala ng mga tao dun.

It has been 4 weeks since makabalik kami ni Ash galing Batangas. We're always together, nabawasan na rin ang pag iyak niya, pero may times na magsspace out siya. At syempre sa tatlong linggo na lumipas ay puro asar ng barkada ang naririnig namin, halos hindi na daw kami mapaghiwalay dalawa. Katulad nung last week.

"Kayong dalawa na ba?" seryosong tanong ni Tris. Wow marunong pala siya magseryoso.

"Kakabreak pa lang namin ni Rai, kami agad ni Gab? Pwede sundin 3 months rule? Pagtapos na yun" sagot ni Ash.

"Uy wag kang ganyan baka umasa ako hahahaha" sabi ko. Bigla namang bumulong si May na katabi ko lang.

"Dinaan sa tawa, pero seryoso naman pala" bulong niya. Sasagutin ko sana siya ng biglang magsalita ulit si Ash.

"Bakit Gab nahuhulog ka na ba? Wag ka magalala sasaluhin kita" sabay kindat. Nakita ko naman ang mga ngiti ng barkada namin. At naramdaman ko ang bilis ng tibok ng puso ko sa dahil sa sinabi ni Ash.

"Hahahahaha wag na, ayaw ko maging rebound. Antayin ko na lang na ikaw mahulog sakin" sagot ko sa kanya. Yung pagiging clingy namin sa isa't isa made me fall harder than I already am, pero syempre dinadaan sa biro ang lahat.

"Ok enough sa paglalandian, baka kung san pa to mapuntang usapan na to" sabi ni Rainne. I shot her a thankful look, alam nilang totoo ang mga sinasabi ko. I know Ashley likes me, but I don't know if she loves me too, and I just don't want to be the rebound.

"Sa simbahan" sabi ni Hayley at naghi-five sila ni Ashley.

Alam ko na kung ano gagawin ko ngayon. I picked up my phone and dialed the first name on my contact. After 4 rings ay sumagot din si Ash.

Me: Hello?

Ash: Hey, bat ka tumawag?

Me: Where are right now?

A: My room, why?

M: Who's with you?

A: No one, I'm alone. Bakit ba kasi?

M: Ok wait for me. Bye

I ended the call and went out of my room.

"Kuya Jon, can you drive me to the Sy's mansion. Manang tell mom I'll just follow them to the party" sabi ko kay sa head ng mga maid namin. Pagdating ko sa mansion nila Ash ay pinapasok agad ako ng mga maids nila. At umakyat ako sa room ni Ash.

"Omyghad Gabrielle what are you planning?" bungad niya sakin pagbukas ko ng pinto ng kwarto niya.

Shit pano niya nalaman na I'm planning to do something with her, mukhang di pa matutuloy yung gusto kong gawin.

"Pano mo naman nasabi na may plano ako?" Tanong ko, keep your cool Gab wag mong ipakitang tama siya, para sa happiness mo.

"You asked me kung nasan ako, when I answered na i'm in my room, you asked naman if i'm with anyone then when I told you I'm alone, bigla kang pumunta."

Life of the PartyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon