Chapter 11

116 2 0
                                    

"See you tomorrow guys" sabi ng GVT boys at ni Tris na sumakay sa kani kanilang kotse. Hindi sila ang ang nagdridrive nun, may sarili pa rin silang mga driver.

"Ang unfair, bakit kasi di na lang sila pumayag na mag half day lang tayo ee" reklamo ni Van. Friday na ngayon at papunta silang tagaytay para sa dinner ng Familia mamaya at birthday party ng dad ni Gab bukas.

Nauna na sa Tagaytay ang parents nila, habang sila ay pinatapos muna ang klase. Umuwi muna sila sa kani kanilang mga bahay para magpalit ng damit at napagkasunduan na sa bahay na lang ng mga Monteclaro magkitakita. Kasabay rin nila ang mga kapatid nila papunta sa Tagaytay.

"Kumpleto na ba tayo. Alis na tayo para maaga tayong makarating dun" sabi ni Gill. Sumagot naman ang lahat na ok na.

Nakasakay sila sa isang Hiace Super Grandia. Nasa passenger seat si Max, nasa likod naman nito ay sina Gill, Vaughn at Raymond, magkatabi naman sina May at Hayley sa likod nila Gill at Vaughn, sa likod naman ni Raymond ay si Hayden. Nasa pinakang dulo ng van nakaupo si Gab, Ashley, Rainne at Van. 

"Wow pag sa likod pala puro couples lang" asar ni Hayden natawa sila ng makitang nagblush si Ashley. "Kids behave lang kayo diyan ah" pahabol nito.

"Ahya naman ee" sabi ni Ash sa kapatid. 

Napuno ang byahe nila ng tawanan dahil sa pangungulit nila Hayden, Van at Gab. Sa sobrang haba ng traffic ay di maiwasang antukin ni Ash at Gab. Napansin nila Hayden na nanahimik si Gab at pag tingin nila dito ay tulog na ito. Naka yakap ang kanang kamay kay Ash habang nakayakap naman ang dalawang braso ni Ash sa bewang ni Gab at naka sandal ang ulo nito sa dibdib ni Gab. 

"Hindi ko lang talaga alam kung bakit ba di na lang maging sila" seryosong pagkakasabi ni Hayden. "Akala ni Ash hindi ko alam na di sila naguusap ni Gab in public. Clearly na mas itratrato siya ng maayos ni Gab, kesa kay Rai" 

"Wag ko lang makikitang umiiyak ang kapatid ko dahil sa Rai na yan, sisiguraduhin kong masisira ang buhay niya" minsan lang makitang mgseryoso si Hayden, pagdating lang ito sa mga kapatid niya. Ayaw na ayaw niyang nakikitang nalulungkot ang mga ito, at wag lang talagang magkakamali si Rai na saktan ang kapatid niya.

"Hayaan mo na wala naman makakapaghiwalay diyan sa dalawang yan. Bata pa naman sila, malay mo a year or two magising ang kapatid mo at maging sila na ng kapatid ko" sabi ni Gill. Tahimik lang si Hayden na tila ay may iniisip. Bigla itong nagpakawala ng isang ngiting nakakaloko na naghuhudyat na bumalik na ang totoong Hayden. Nilabas nito ang phone niya at pinicturan si Gab at Ash na natutulog, napailing ang iba sa ginawa nito si Hayley at Van naman ay ginaya si Hayden at pinicturan din ang dalawa.

"Ipopost ko to sa FB, aasarin ko si unggoy at the same time maraming kikiligin. Killing two birds in one stone" sabi nito na busy sa pagtytype sa phone niya. Di naman masyadong kita ang mukha ng kapatid niya at mukha lang ni Gab ang kita dahil nakasiksik sa dibdib ni Gab ang mukha ni Ash. 

FB Post

*inser pic* 

Ants ants everywhere *_* 

Nagtawanan sila sa caption. Wala pang 10 mins ay humakot na ng likes ang post ni Hayden at maraming nagtatanong sino ang babaeng kayakap ni Gab. May ilan na nagtatanong kung si Avery ba ito na hanggang ngayon balibalitang gf ni Gab. 

Nasa Silang Cavite na sila ng magising si Gab, pero tulog pa rin si Ash. Maski ang mga kasama niya ay nakatulog na rin. Di na siya makatulog ulit kaya naisipan na lang nitong buksan ang FB niya, maraming notifications ang bumungad sa kanya, tinag siya ni Hayden sa isang post at marami na rin ang naglilike dito.

Gab's POV

Pagkabukas ko ng picture na tinag ni ahya ay napailing na lang ako at di maiwasang mapangiti. Kahit ilang months na kong nandito sa Pilipinas ay di ko pa rin maiwasang kiligin everytime na inaasar nila kami ni Ash or ganto siya kaclingy sakin. Kahit pag kami kami lang siya ganto ay ok sakin, dahil mas nagdoble ang pagiging clingy niya. 

Life of the PartyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon