Your Lie In Summer : Episode 4

302 15 0
                                    

RATED : SPG WARNING ..

R+18

+

" So dito kana lang sa kabilang kwarto .. yung kwarto ko naman andoon sa kabila kaya kapag may kailangan ka puntahan mo lang ako !! " sabi niya habang nakangiti, tumango nalang ako sa kanya kaya naman umalis na siya at sinara narin ang pinto ..

Nilibot ko muna ang paningin ko sa loob nang kwarto , medyo may pagkaluma siya pero malinis .. muka ngang pinaghandaan eh ..

Napahinga nalang ako nang malalim at nag hubad nang damit , nilapag ko naman ang bag ko sa kama at tumingin muli sa paligid para hanapin ang bathroom , may isang pinto lang naman dito maliban sa pinto palabas kaya naman kumuha na ko nang pampalit at dumiretso na sa bathroom. .

Malinis din ang bathroom at kumpleto sa gamit , binuksan ko ang shower at nag umpisa nang magbabad ..

Hindi ko ineexpect na mauuwi sa ganito ang summer class ko .

Pero kung sakali bang hindi ko tinulungan si Meiko noon ? Ano nalang kayang nangyari saakin kung ganito din nangyari ?

Baka siguro palaboy laboy na ko sa kalsada dahil wala akong matutuluyan. .

Nang matapos akong mag shower ay naisipan ko nang lumabas, pagbaba ko sa sala saktong nakita ko si Meiko na umiinom nang kape , agad siyang napalingon saakin at ngitian nanaman ako ..

Kaya naman nilapitan ko siya ..

" Oh .. may kailangan kapa ba ??" Agad na tanong niya at binaba ang kape na hawak niya ..

" Wala naman .. " maiksing sagot ko at tumabi sa kanya .. nakataas lang ang dalawa niyang paa at yakap yakap niya ito ..

" bakit nga pala hindi mo ko ginising kanina ??" Tanong ko nang maalala ko yung kanina sa bus .. iniwan niya nalang ako bigla ..

Hindi ako lumingon sa kanya at tinignan nalang ang chimney nila dito .. malamig kasi kaya naka off din ang A/C.

" ayoko lang istorbuhin ka .. kaya hindi na ko nagpaalam " sabi niya habang nakatingin din sa apoy .. hindi naman awkward tong feeling na to .. sa totoo lang nakaka relax nga eh ..

Hindi ko rin expected na may makakausap papala ako nang matagalan higit kela Hikaru at Rem ..

" bakit ka nga pala napunta dito ?" Tanong naman niya ..

" yung summer school na dapat papasukan ko .. denimolish na pala yun .. hindi ko alam kung bakit yun ang binigay nilang address saakin .. " agad na nagsalubong ang kilay ko nang maalala ko nanaman yung tungkol sa summer classes, nakaka inis lang talaga , gaano ba sila katanga at yun pa binigay nila saakin ?

" ganun ba, hayaan mo magiging masaya naman siguro ang summer mo dito .. kaso malayo ang bahay namin sa town.. you see nasa bandang gubat ito .. fresh at mapayapa dito " masayang sabi niya .. yun nga ang nagustuhan ko sa bahay nila eh .. malayo sa mga tao ..

Yun bang parang sariling mundo mo lang ..

" mag isa kana lang pala dito " Biglang tanong ko sa kanya ..

" yup .. namatay sila mommy at daddy sa car accident .. and luckily naiwan nila ako .. " malungkot na sabi niya .. parang nagsisi naman akong tinanong ko pa siya nun ..

" Meiko .. sabihin mo nga saakin .. bakit ka pumunta sa Gaima ??" Wala nanaman sa sariling tanong ko , hindi kasi ako na satisfied noon sa sagot niya .. hindi ko lang pinansin dahil wala naman akong pakialam sa kanya .. h-hindi ko din alam kung bakit tinatanong ko pa ulit .

" hehe .. sabi ko naman sayo hahanapin ko lang ang soulmate ko .. at the same time mag eenroll sana ako sa school niyo .. kaso medyo nagka problema eh " Napatingin nalang ako nang sabihin niya yun .. balak niya pala mag enroll sa school namin .. kung ganun , bakit hindi niya tinuloy ?

Your Lie In SummerWhere stories live. Discover now