Chapter 3: Play Girl (SAMPLE CHAPTER)

5.5K 54 9
                                    

Written by: Cristina_deLeon
Chapter 3: Playgirl

LUMIPAS PA ang mga linggo na naging magkarelasyon sila ni Brent. Natuklasan niya na hindi naman pala gano'n kaboring si Brent katulad ng inaasahan niya. In fact, totoo pala lahat ng mga good sides nito na sinabi sa kanya ni June noon.
Si June naman ay hindi na siya pinansin ulit. Ang babaeng iyon ay talagang tinitiis siya. Sinubukan naman niyang i-approach ito pero hindi lang din naman siya nito pinansin at nilagpasan pa siya. Syempre pa, hindi siya maghahabol. Pinangako na niya sa sarili noon na she will never chase anyone. Kahit pa ang mga pinakamamahal niyang kaibigan. Ang mga tao ang dapat na dumadaan sa palad niya at hindi ang mga ito ang dapat na kumontrol sa kanya.
"Are you available tonight?" Nilapitan siya ng captain ng basketball team sa school nila.
"Of course, I will always have a time for you," malanding sabi niya saka siniil ng halik ang lalaki.
"I thought that you already have a boyfriend? His name is Brent, right? Iyong sikat na nerd dito," nakangising sabi ni Jay Ar.
"He's not my boyfriend. He's just a toy kaya kahit anong gawin ko ay hindi naman aangal iyon. I like you and you like me too so I don't see any reason why we can't be together," mapang-akit na sabi niya.
Ngumisi naman si Jhay Ar. "Dapat lang dahil nakipaghiwalay ako sa girlfriend ko ng sampung taon para lang sa 'yo, Amber. Matagal na kitang gusto pero hindi ko naisip na matitipuhan mo rin ako."
"Don't be silly, Jhay Ar. Hindi ako tanga para hindi malaman kung anong reputation mayroon ka. Alam ko na bukod sa girlfriend mo noon ay marami ka ring naging ka-fling habang may relasyon kayo. You're cheating on her, right? I heard nabuntis mo pa nga iyong iba, e," pambabara niya rito.
"You're just like me. We're both players. Kaya bagay tayo." Sa sinabi nitong iyon ay hinalikan siya ni Jhay Ar.
Tumugon naman siya sa halik nito dala na rin ng init ng katawan. She doesn't love this guy but she wants to make him suffer. Paiibigin din niya ito at pagkatapos ay iiwan niyang luhaan. Tingnan lang niya kung hindi nito maramdaman kung ano ang ginagawa rin nito sa mga babae. Dapat lang na magdusa ang lahat ng lalaki. Dahil lahat sila ay manloloko!
"Amber..." Bigla siyang napahinto sa pakikipaghalikan kay Jhay Ar nang bigla niyang narinig ang boses ni Brent.
Bigla niyang naitulak si Jhay Ar lalo na nang makita niya na lumuluha na si Brent. Lalo niyang nakita ang sakit sa mga mata nito nang ganap na itong makalapit sa kanila.
"They always say that you don't really love me, Amber. Sinasabi nila na pinaglalaruan mo lang ako pero hindi ako naniwala sa kanila. Inisip ko na may pag-asa pa na mapagbago kita pero mukhang totoo pala lahat ng sinasabi nila," sabi nito habang umiiyak.
Natahimik siya. Hindi niya alam kung ano ang gagawin niya. Ayaw niya ang nararamdaman niyang kunsensya sa ginawa niya. Matagal din niyang pinag-aralan kung paano ang maging bitch at itago ang nararamdaman niya sa ibang tao. Matagal na niyang tinanggal ang kunsensya niya para maging masamang babae pero heto siya ngayon at parang gustong aluin si Brent.
"Bibigyan kita ng pagkakataon na magpaliwanag, Amber. Gusto ko pa ring maniwala sa 'yo. Dahil alam ko na pinakikita mo lang sa ibang tao na masama ka but deep inside your heart ay mabuti kang tao. Sabihin mo sa akin na hindi totoo ang nakita ko. Na mahal mo talaga ako..." Nag-umpisa nang ipakita ni Brent ang pagiging desperado nito.
Pinatigas niyang muli ang expression ng mukha at nag-cross arms siya. "May picture tayong dalawa, hindi ba? Nasubukan mo na bang titigan ng maigi kung bagay ka ba sa akin?"
"Amber--"
"You're such a nerd, Brent! Do you really think that I will fall in love with a guy like you? You're just a toy to me and I will never see you as a man! Sa totoo lang, nakita ko lang naman na halos maglaway ka na sa akin kaya pinagbigyan kita pero sinayang mo lang ang oras ko. Dahil boring kang kasama. Ayoko sa 'yo kaya tinatapos ko na ang lahat sa atin! Ayoko nang makita pa ulit ang pagmumukha mo!" malamig na sabi niya sabay kapit sa braso ni Jhay Ar na nakangising niyayabangan din ang nakatulalang si Brent.
Akmang aalis na sila pero biglang nahila siya pabalik ni Brent. "Sabihin mong hindi totoo ang mga sinabi mo. Nakita ko sa mga mata mo noon na masaya ka rin kapag magkasama tayo. Naramdaman ko na minahal mo rin ako, Amber!" umiiyak na sabi niya.
"Pwede ba bitiwan mo ako? How many times do I have to tell you? I don't love you and I will never love you kaya huwag ka ngang mangarap na makakabingwit ka ng isang babaeng katulad ko. Isa ka lang hampaslupa, Brent. You know what? Tanggapin mo na lang na napaglaruan lang kita dahil uto-uto ka!" Dinuro pa niya ang dibdib nito.
Lalo lang tumulo ang luha sa mga mata ni Brent. Iniwas na niya ang tingin dito dahil ayaw niya na magsisi pa sa ginawa niya. Brent is too good for her and she doesn't deserve him. June is right, si Brent ang klase ng lalaki na sineseryoso. At pagkatapos ng heartbreak na pinagdaanan niya sa kamay ni Jared ay alam niyang hindi pa siya handa na magmahal ulit.
Kung mayroon mang bagay kay Brent ay si June iyon. Alam niya na gusto ng kaibigan niya si Brent at hindi ito mapapansin ng lalaki kung nasa kanya ang atensyon nito. Mabait na tao si June. Hindi katulad niya. Kaya ito ang nababagay kay Brent at hindi siya.
Sa ginagawa niya ay alam niya na siya ang mas nagmumukhang masama sa paningin nina June at Brent pero wala na siyang pakialam. Parehas niyang mahal ang dalawa at alam niya na ang dalawa ang nababagay. Dahil wala na siyang kakayahan pang magmahal ng totoo...

======
PAGKATAPOS ng araw na iyon ay hindi na nagpakita ulit sa kanya si Brent. Iniisip niya na parang katulad lang sa isang pelikula na kapag broken hearted ang lalaki ay mayroong babaeng nagmamahal talaga rito ang lalapit para magpagaan ng loob nito. Iniisip niya na sana ay si June na iyon. Gusto niyang maging opportunity ito para sa kaibigan niya na mapalapit kay Brent.
Pero sa totoo lang, hindi niya akalain na ma-mi-miss rin niya si Brent. Nasanay na siya na palagi siya nitong inaalala. Maasikaso kasi si Brent at daig pa nito ang isang babae kung alagaan siya. Pero dahil sa ginawa niya rito ay napalayo na rin ang loob sa kanya nina June, Gypsy at Reina. Pero kahit magkagayon pa man, alam niya na hindi rin siya matitiis ng tatlo. Darating ang panahon na lalapit ulit ang mga ito sa kanya dahil ang tatlo lang naman ang mga taong alam niyang totoo niyang kaibigan. Alam niya na darating din ang panahon na maiintindihan din siya ng mga ito kung bakit niya ginagawa iyon. At mangyayari lang iyon kapag naging magkasintahan na sina June at Brent.
Kaya ngayon, pansamantala ay palagi na siyang nag-iisa sa school dahil hindi na rin siya pinapansin ng tatlo. Maraming nag-isip na baka nabuwag na ang The 4 Foxy Girls pero hindi na lang siya nagbibigay ng komento tungkol doon. Kaya naman nakisama na lang muna siya sa mga kaklase niya na matagal na siyang gustong maging kaibigan. Pero ewan ba niya, iba pa rin ang The 4 Foxy Girls. Hindi kasi niya nararamdaman na ginagamit lang siya ng mga ito dahil pare-parehas naman silang mayayaman, magaganda at sikat. Hindi katulad ng mga nakakasama niya ngayon na halatang nilalapitan lang siya para maki-ride on sa popularity niya.
Pero sa paglipas ng mga araw ay unti-unti rin siyang nakaramdam ng lungkot. Hindi dumating ang inaasahan niya na ang The 4 Foxy Girls ang lalapit sa kanya at mag-a-adjust sa sitwasyon. Hindi rin naganap ang plano niya na maging magkasintahan sina Brent at June dahil halos hindi naman nag-uusap ang dalawa.
At higit sa lahat, may na-realize siya sa sarili. Dahil mahal pala niya si Brent at ang laking tanga niya dahil pinaglaruan lang niya ito.
Napaluha siya sa sobrang pagsisisi. Bigla, ay parang hindi na niya kilala ang sarili niya. Unti-unting nawawala ang mga taong totoong nagmamahal sa kanya at napapalitan na lang ng mga taong mapagkunwari at wala namang totoong malasakit sa kanya. Miss na miss na niya ang The 4 Foxy Girls at si Brent.
Kaya naman nakapagpasya na siya. Handa na siyang kumawala sa pride niya. Kailangan na niyang hingan ng kapatawaran ang mga kasalanan niya at magbago na. At si Brent ang nakikitaan niya na nagawan niya ng malaking kasalanan.
Kaya naman noong araw na iyon ay nagpunta siya sa bahay nina Brent. Para humingi na rin ng tawad dito. Pero huli na pala dahil kahit kailan ay hindi na niya maririnig pang muli ang boses nito. Hindi na niya ito mayayakap at mahahalikan. Dahil patay na si Brent...
At nagpakamatay ito nang dahil sa kanya!

- TO BE CONTINUED...

You may follow me at my social media accounts below:

http://www.wattpad.com/user/Cristina_deLeon
https://www.facebook.com/cristinadeleonwppage/
https://twitter.com/lady_phoenix16
IG - lady_phoenix16
ASK.FM - http://ask.fm/LadyphoenixWattpad

Hiram Na Pag-ibig (Published Under Dreame App)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon