Chapter 2: Amber's New Toy (SAMPLE CHAPTER)

6.2K 68 1
                                    

Chapter 2: Amber's New Toy
written by: Cristina_de Leon

NGAYON ang unang araw ng second sem kaya medyo tinatamad pang pumasok si Amber. Medyo namumungay pa nga ang mga mata niya habang naglalakad papasok sa Sacred Heart Academy. Hanggang sa mamataan niya ang The 4 Foxy Girls.
Papunta na sana siya sa mga ito nang bigla na lamang may lalaking lumapit sa kanya.
Napakunot-noo siya nang mapagmasdan ang porma ng lalaki. Unang tingin pa lang ay ang nerd-nerd na. Napaka-kapal ng salamin nito, maluwag ang suot na damit at ang dami-daming dalang libro. Bukod doon ang medyo magulo pa ang buhok. Palaging nakayuko at mukhang lampa tingnan. Nakakadiri.
"Anong kailangan mo sa akin? Magpapa-autograph ka ba? Sorry, pero wala akong panahon sa mga kagaya mo," mataray na sabi niya.
"Hindi mo na siguro ako natatandaan pero ako iyong waiter na nakatapon ng alak sa 'yo kagabi."
Nanlaki ang mga mata ni Amber nang mamukhaan nga niya ang lalaki. Ito nga iyong antipatikong lalaki na hindi man lang nag-sorry sa kanya!
Pero anong nangyari sa ayos nito? Sa pagkakaalala niya ay maayos ang porma ng lalaki kagabi at malinis pang tingnan.
"A-ah, ganito lang ang ayos ko ngayon dahil mas kumportable ako sa ganitong suot. Malabo ang mga mata ko pero kailangan kong magsuot ng contact lens sa gabi dahil ayaw ng boss ko na nakasalamin ako kasi nakaka-distract daw sa mga customer. May uniform din kaming suot doon kaya medyo maporma ako kapag nagtatrabaho ako. At ang buhok ko naman, kailangan kong lagyan ng gel para maaliwalas daw akong tingnan sabi ni boss."
Ngumisi siya ng sarcastic dito. "Hinihingi ko ba ang paliwanag mo? At ano ba ang ginagawa ng hampaslupang katulad mo sa exclusive school na ito? Waiter ka lang pero nagawa mong mag-enroll dito?" Sarkastikong tanong niya.
"Iyon kasi ang nakikita ko sa mga mata mo kaya nagkusa akong magpaliwanag. Scholar ako rito kaya wala akong binabayaran pero kailangan ko pa ring mag-trabaho sa gabi para makatulong sa pamilya ko. By the way, hindi naman ako nagpunta rito sa harapan mo para makipag-away, e. Ang totoo kasi niyan, napag-isipan ko iyong mga nangyari kagabi. Naisip ko na kasalanan ko talaga na natapunan kita ng alak at hindi man lang ako nag-sorry. Lumapit ako para humingi sana ng tawad sa 'yo." Iyon lang at bigla na lang itong may inilabas sa likuran nito at iniabot iyon sa kanya. Isang red rose.
"Sana mapatawad mo ako sa naging asal ko kagabi. At sana matanggap mo rin ang bulaklak na ito and if it's not too much to ask, sana ay maging magkaibigan din tayo..." sabi nito nang titigan lang niya ang bulaklak.
Tinginan niya sa mga mata ang lalaki. Parang napapaso na nagbaba ito ng tingin.
Napangisi siya. Mukhang naglakas-loob lang ito kaya nakalapit ito sa kanya ngayon. Ngayon pa lang ay nakikinita na niya na may gusto ito sa kanya. Kunwari lang na humihingi ng sorry para makalapit sa kanya. Who knows? Baka nga sinadya pa nito na basain siya kagabi para magkaroon ito ng pagkakataon na makalapit sa kanya. Sorry na lang ito dahil siya si Amber Lorigan ay hindi basta-bastang nagpapatawad. Kung nakikipaglaro ito ay makikipaglaro naman siya rito.
Ngumiti siya ng ubod ng tamis dito. Mukhang trip niyang isali ito sa listahan ng mga lalaking gusto niyang paiyakin. " Huwag mo nang isipin iyon. Ang totoo, ako nga ang dapat mag-sorry sa 'yo dahil sa mga nasabi ko sa 'yo. Oo naman. We can be friends, pero parang gusto ko yatang mas higit pa roon ang maging relasyon natin sa isa't-isa," malanding sabi niya saka hinaplos ang pisngi nito sabay tanggal sa salamin nito sa mga mata.
Napalunok ito sa ginawa niya. Mukhang may tumaas yata sa ibaba. Hi-hi-hi...
"See? You look much better without this stupid glasses. Mas gusto ko iyong ayos mo kagabi. Kung ibabalik mo lang iyon, baka magkaroon ka ng pag-asa sa akin."
"Pero Miss Amber--"
"Mukhang hindi na pala dapat patagalin. Mukhang kahit ano pa man ang ayos mo ay attractive ka na para sa akin. Wala ka pa namang girlfriend hindi ba?"
"A-ah, w-wala naman pero--"
"Good. Then you're mine."
"What--" Hindi na naituloy ng lalaki ang sinasabi nito dahil walang pakundanggang hinalikan na niya ito sa labi na ikinagulat naman ng The 4 Foxy Girls na kasalukuyang nakatingin sa kanila. Nanlalaki ang mga mata ng mga ito dahil sa ginagawa niya.
Nagulat man ay parang nadala na rin ang lalaki kaya lumaban ito ng halikan sa kanya at ninamnam ang sarap ng labi niya. Nasasarapan din naman siya sa halik nito. Mabango ang hininga nito pero alam niyang hanggang doon na lang iyon. She will never fall in love with him.
"Masarap ba?" mapaglarong tanong niya nang halos mapugto na ang hininga nila sa lalim ng halikan nila kanina.
Hindi makasagot ang lalaki at halos hindi makapaniwala na nakatingin lang sa kanya na pulang-pula ang mukha.
"You didn't answer my question. Maybe you don't like it?" nakangising tanong niya.
"No! I actually love it! Ang totoo niyan, matagal na kitang crush pero nahihiya lang akong lumapit sa 'yo dahil alam ko na kahit kailan ay hindi mo ako mapapansin." Mukhang sinamantala na ng lalaki ang pagkakataon at nagtapat na sa kanya. Mukha lang itong mahiyain pero mabilis din naman palang dumiga. Mga lalaki nga naman.
"Then you're wrong because I'm attracted to you as well. Since we both like each other, obvious naman siguro ngayon sa 'yo na tayo na."
"Ha?!"
"Bakit parang ayaw mo pa? Don't tell me, lugi ka pa?" natatawang sabi niya.
"Hindi, I'm sorry, nagulat lang ako. Parang ang bilis lang ng pangyayari. Of course, I want to be your boyfriend," nate-tense na sagot nito.
"Ang dami mo pang arte e, gusto mo rin naman pala. What's your name again?"
"A-ah, B-Brent. My name is Brent."
"Nice meeting you, Brent. My name is Amber--
"I already know you," pagputol nito sa sasabihin niya.
Mas tumaas ang self confidence niya. Of course, everyone should know who she is. "Sino nga ba naman ang hindi makakakilala sa akin hindi ba? I'm famous and my family is one of the stockholders in this school. Parang kasalanan naman yata kung hindi mo pa ako kilala," mayabang na sabi niya.
Tumango na lang ito.
Lumapit siya rito. "Give me your phone," utos niya.
"Bakit?"
"Just give me your damn phone!"
Natataranta na sumunod na lang ito. Nagulat yata na pabago-bago ang mood niya.
Nilagay niya ang number niya roon. "Call me later, okay? You can go ahead at male-late na ako," pagtataboy na niya rito.
"Ah, okay." Iyon lang at naglaho na ang lalaki sa harapan niya.
"What the hell did you do?" Hindi makapaniwalang tanong ni Reina nang lumapit ang mga ito sa kanya.
"Isn't it obvious? I found a new boyfriend!" Walang anumang sabi niya na para lang siyang nagpalit ng damit.
"You know what we mean, Amber. Kagabi lang kayo nagkakilala pagkatapos kayo na kaagad?" sabi naman ni Gypsy.
"Aren't you being so paranoid? He likes me and I gave him a chance to be with me. What's wrong with that? So what kung kagabi lang kami nagkakilala? Reina, don't forget that Sean courted you for almost 3 years and yet, nagawa ka pa rin niyang ipagpalit sa ibang babae," pambabara niya sa babae.
"Pero iba naman iyon, Amber! She fell out of love at hindi ko naman pwedeng ipilit ang sarili ko sa kanya," pangangatwiran nito.
"That's exaclty the point! Hindi sa tagal ng panahon nasusukat ang pagmamahal ng tao kaya pwede ba, huwag na lang kayong mangialam? This is my life and I will do whatever I want with it!"
"Pero huwag mong isali sa listahan ng pinaglalaruan mo si Brent, Amber. I know him very well. He is naive at naloko na siya ng naging girlfriend niya noon. Takot nang magmahal iyon at baka kapag pinaglaruan mo pa siya ay hindi niya na kayanin. He may be poor but he doesn't deserve to be your toy!" Ang tahimik na si June ay nagsalita na rin sa wakas. At hindi niya akalain na dedepensahan nito ang lalaking nerd na iyon of all people!
"Abogada ka ba niya, ha, June? Ako ang kaibigan mo pero bakit siya ang pinagtatanggol mo? Saka bakit mo kilala ang lalaking iyon?"
"He is my brother's classmate kaya alam ko kung paano siyang makitungo sa loob ng klase dahil na rin sa kwento ng kapatid ko. Hindi ko lang nasabi sa 'yo kagabi dahil umalis ka nang bigla sa bar pero kung minsan ay nagpupunta rin si Brent sa bahay namin dahil tinuturuan niya ang kuya ko sa pag-aaral nito. Mabait siya, matalino at maasahan. Mahirap lang siya pero nirerespeto siya ng mga kaklase ng kuya ko. Even my brother really looks up to him. Hindi siya ang tipo ng lalaki na sanay makipaglokohan sa isang mapaglarong babaeng katulad mo. Sa nakikita ko ay mukhang seryoso siya sa 'yo. Kaya sana ay huwag mo naman siyang paglaruan."
"At sino ka para sabihin sa akin kung ano ang dapat kong gawin? Si Brent ang bago kong laruan kaya wala kang karapatang mangialam! Gagawin ko kahit ano ang gusto ko!"
"Hindi lahat ng lalaki ay katulad ni Jared, Amber. Kaya wala ka rin sa lugar para paglaruan ang kahit na sino para lang gumaan 'yang nararamdaman mo sa dibdib mo! Bakit hindi ang Jared na iyon ang gantihan mo? Tutal siya naman ang nanakit sa 'yo hindi ba? Hindi ka dapat nandadamay ng ibang tao!" pagsigaw na ni June.
Tumaas ang kilay niya nang marinig na binanggit nito ang pangalan ni Jared. Nag-init ang ulo niya sa sinabi nito pero at the same time ay nakikita niya ang concern sa mga mata ni June. Ngayon lang nangyari iyon. Ngayon lang niya nakita na nagpakita ito ng malasakit para sa ibang tao.
"Baka naman kaya ka ganyan kung mag-react ay dahil may gusto ka kay Brent? Well, ngayon pa lang sinasabi ko na sa iyo na wala ka nang pag-asa dahil sa akin siya may gusto at hindi sa 'yo! At bakit nga namang hindi? Mas mayaman ako kaysa sa 'yo at mas maganda. Look at yourself, June. Mukha kang lalaki kung kumilos. Mas matapang ka pa nga yata kaysa sa kanila kaya marami ang na-i-intimidate sa 'yo. No wonder, until now, you still don't have a boyfriend!" sarcastic na sabi niya at halata namang nasaktan ito sa sinabi niya. Pero wala siyang pakialam. Nag-iiba ang ugali niya kapag si Jared ang pinag-uusapan.
" Hindi ko akalain na ganyan pala kababa ang tingin mo sa akin, Amber. Tama ka. Mas mayaman ka nga kaysa sa aming lahat at mas maganda. Sikat pa. Kaya sa tingin ko ay hanggang dito na lang nga ang pagiging magkakaibigan natin. At kung masaya ka na pahirapan at paasahin ang lahat ng tao sa paligid mo ay wala na akong magagawa. Huwag kang mag-alala dahil simula ngayon ay wala ka ng kaibigan na makikialam sa mga gagawin mo." Naging malamig na ang boses ni June. At pagkatapos ng mga sinabi nito ay umalis na ito sa harapan niya.
Bigla ay parang gusto niya itong habulin at humingi ng tawad sa lahat ng mga sinabi niya pero dinaig pa rin siya ng pride niya.
Napatingin siya kina Reina at Gypsy. "O, ano? Gusto ninyo siyang sundan? Go ahead, hindi ko kayo pipigilan," wala sa loob na sabi niya.
Pero hindi umimik ang mga ito at hindi rin sinundan ng mga ito si June. Alam niya na takot ang mga ito sa kanya kaya ang loyalty ng mga ito ay nasa kanya pa rin. Subukan lang ng mga ito na iwanan siya and she will never talk to them again.
Mabigat sa loob niya na mawawala sa grupo nila si June pero hindi niya mapapatawad ang sinabi nito. Siguro dahil totoo rin naman. Dahil si Jared ang puno't-dulo kung bakit siya nagkakaganito...

- TO BE CONTINUED...

Hiram Na Pag-ibig (Published Under Dreame App)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon