Chapter 1: The 4 Foxy Girls (SAMPLE CHAPTER)

12.2K 107 28
                                    

Hiram Na Pag-Ibig
Written by: Cristina_de Leon
GENRE: Drama, Romance, Musical
THEME: Amnesia, Playgirl

Chapter 1: The 4 Foxy Girls

Pinagtitinginan ng halos lahat ng mga tao roon ang grupo ng The 4 Foxy Girls pangkaraniwan na ang mga kalalakihan na namumula pa at napapalingon kahit na may kasama nang mga girlfriends ang mga ito. Bakit nga namang hindi?  Ang grupo ng The 4 Foxy Girls ay very irresistable. Lahat sila ay galing  sa mayayamang angkan. Wala sa grupo nila ang maaaring itapon man lang dahil sila ay magaganda, sopistakada at mayayaman. Sikat na sikat sila sa circle ng alta-sosyedad na ginagalawan nila. Marami ang humahanga at naiinggit sa grupo nila.
Taas-noo tuloy si Amber at pakiramdam niya ay mas mataas siya sa kahit na sinong babae roon. Pinagnanasaan siya ng mga lalaki at gusto siyang maging kaibigan ng mga babae pero sorry na lang sila dahil masyado siyang mapili pagdating sa mga kaibigan at hindi basta-bastang mga tao ang pumapayag siyang makapasok sa buhay niya.
Nang gabing iyon ay pumunta sila sa isang sikat at respetadong disco bar  sa Manila. Nanalo kasi siya sa isang beauty pageant na sinalihan niya sa America kaya naman naroon sila ngayon ng mga kaibigan niya para mag-celebrate.
Siya si Ms. Amber Lorigan. Ang sinasabing pinakamaganda at pinuno ng grupo na The 4 Foxy Girls. Nag-iisang anak na babae ng isang napaka-successful na business tycoon sa buong Pilipinas. Mayroon silang wine business na nangunguna na ngayon sa Market. Kaya naman anumang naisin niya ay nakukuha niya nang walang hirap. Kaya siguro naging spoiled na rin siya.
Marami ring nagsasabi na siya ang may pinakamasamang ugali sa grupo. Marahil kung hindi niya nakilala sina Reina, June at Gypsy noong bata pa lang sila ay wala siyang magiging kaibigan. Paano ba naman kasi, masungit siya sa kahit na sino at halos lahat ng tao ay hindi niya kinakausap unless na lang na siya ang kausapin. Simula pa lang noong mga bata sila ay magkababata na silang apat dahil magkakaibigan din ang mga magulang nila. Sila ang produkto ng apat na malalaking kumpanya na may isang business din na magkasosyo. Palagi silang magkasama simula pa noong mga bata pa sila. Magkakaklase sila sa bawat taon at ginagawan ng paraan ng mga magulang nila kung hindi man sila nagiging magkaklase. Wala namang problema roon dahil isa ang mga magulang nilang apat sa mga stock holder ng Sacred Heart Academy.
Tinanggap niya bilang kaibigan ang The 4 Foxy Girls dahil katulad niya ay pinanganak ding may ginintuang kutsara sa bibig ang mga ito. Para sa kanya ay tama lamang na ang mga kauri lang niya ang mga itinuturing niyang kaibigan. Pero sa paglipas ng panahon ay natuklasan na rin niya na totoong kaibigan ang mga ito. Sa sama ng ugali niyang iyon ay hindi siya iniwan kahit na sino man sa mga ito. Ang tatlo lang ang naging kaibigan niya sa buong buhay niya.
            " Hey, Amber! Bakit parang hindi ka naman yata masaya? Remember, nandito tayo para mag-celebrate? Hello, nanalo ka lang naman bilang isang beauty queen sa ibang bansa. Ikaw ang pambato ng bansa natin. You should be proud!" pagpuna sa kanya ni Reina. Ang kaibigan niyang ubod ng talino at galing sa angkan ng mga doctor. May-ari ng malalaking ospital sa Pilipinas ang mga magulang nito.
            " Reina is right, Amber. You really make it big. Biruin mo? Mas lalo ka pang sumikat ngayon. Dinaig mo pa nga ang  mga celebrities dahil sa sobrang dami na ng tagahanga mo. Dapat lang na i-ni-enjoy mo ang gabi mo. Hindi iyong nakasimangot ka na naman diyan," sabi naman ni June. Ang kaibigan naman niya na magaling sa sports at sa martial arts. Nasa underground business naman ang mga magulang nito. Sa madaling salita, ito ang klase ng tao na mangingimi kang kantiin dahil malakas ang impluwensya ng mga magulang nito.
            Si Gypsy lang ang hindi nagkomento sa pananahimik niya. Patuloy lang ito sa pag-inom ng alak. Kilala ito sa pagiging alchololic nito. At kung tahimik siya ngayon ay mas tahimik ito. Katulad niya ay mapili rin ito sa mga kinakaibigan nito. Halos wala rin itong kinakausap na iba bukod sa kanila at para bang may sarili itong mundo na palaging inilalayo ang sarili nito sa crowd. May-ari naman ng mga iba't-ibang klase ng resorts and hotels sa buong Pilipinas ang pamilya nito.
            "Well, maybe I''m just not in the mood. Just let me be, okay?" sabi niya sabay inom sa kopita ng alak.
"Really? Maybe you're just thinking about Jared? You're lonely because your lover boy is not here. Sa panahon kung kailan dapat ay nandito siya para samahan ka sa tagumpay mo." Sa wakas ay nagsalita rin si Gypsy. Minsan lang ito magsalita pero matalas din ang dila nito at hindi pa niya nagustuhan ang lumabas doon.
"Wala na para sa akin si Jared, Gypsy. Naka-get over na ako sa kanya kaya pwede ba na itikom mo na lang iyang bibig mo?" pambabara niya rito.
"Hey, chill. Huwag kayong magtalo, okay? Vinoice out lang naman ni Gypsy kung ano ang nasa isip niya," pag-awat ni Reina.
"She's right. Besides, we also think na si Jared din nga ang dahilan kung bakit ka nagkakaganyan. Hindi lang si Gypsy ang nakakaisip no'n. We know you, Amber. Minsan ka lang magmahal pero kapag nagmahal ka na, sagad hanggang buto," nakangisi namang pag-sang-ayon ni June.
She just rolled her eyes. Pinagtulungan na naman siya ng tatlong ito. "Fine. I'm still thinking of him. But I'll get over him, soon. Pabayaan n'yo na lang muna ako, okay? I'll just go to the comfort room," walang ganang sagot niya sabay tayo. Pero nanlaki ang mga mata niya nang maramdaman sa damit niya ang pagkatapon ng isang kopita ng alak doon.
Agad na umakyat ang pagkairita sa ulo niya. "Damn! Look what you have done! Hindi mo ba alam na galing pa sa New York ang damit na ito? Kaya mo ba itong bayaran, ha? Hindi! Baka kahit isang taon ka pang mag-trabaho rito ay hindi mo ito mababayaran dahil hampaslupa ka lang!" galit na sigaw niya saka akmang sasampalin ang pisngi ng gwapong waiter pero nasalo ng kamay nito ang kamay niya.
"Yes, isa lang akong waiter, miss pero hindi ako hampaslupa. Alam ko na nabasa ka pero hindi ko sinasadya ang nangyari. Aksidente iyon. Kasalanan mo rin dahil hindi ka tumitingin sa dinaraanan mo. Besides, kahit pa kasalanan ko, I don't think that you have a right para pagsabihan ako na hampaslupa ako," pagsagot nito sa kanya na nakipaglabanan pa ng titigan sa kanya.
Nang mangalay siya dahil wala silang kakurap-kurap sa isa't-isa ay siya na lang din ang umiwas. Wala siyang oras para sa mahirap na katulad nito.
"Hey, Amber! Where are you going? Akala namin ay pupunta ka lang sa comfort room? Palabas na 'yang pupuntahan mo!" Narinig niya na tawag sa kanya ni Reina bago siya makaalis.
"I'm going to hell! Mas okay doon kaysa rito na may mga empleyado na naglilinis-linisan at hindi man lang marunong mag-sorry! Good bye, girls!" Iyon lang at nagmartsa na siya paalis ng restaurant.
Sumakay siya sa kotse niya at pinatakbo iyon na parang wala nang bukas. She's so irritated and mad at everything and she exactly know the reason why. And she hates it because she can still feel the pain.
Hanggang sa makarating na siya sa mansion ay dala niya ang inis. Lalo pa iyong nadagdagan nang makita niya ang kanyang daddy ksama ang kumpare ng mga ito. As usual, busy na naman sa paglalaro ng baraha. Humalik siya sa pisngi ng ama bilang pagpapakita ng respeto.
"Congratulations, hija. Napanood namin sa TV na ikaw ang nanalo sa world beauty pageant na sinalihan mo. Your Father must be really proud of you. Right, kumpare?" komento ng isang kumpare nito rito.
Napangiti siya. Excited siya na batiin siya ng daddy niya. She really works hard para manalo siya sa beauty pageant. Para sa daddy niya iyon. "That's ridiculous, kumpare! Ano bang magandang naidudulot ng pagsali sa mga beauty pageant na 'yan? I already know that my daughter is the most beautiful girl in the world. She don't need to prove it by joining that stupid contest! Mas magiging proud pa ako sa anak ko kung magkakaroon siya ng interest sa business namin just like her brothers. But since she's a girl, mukhang wala nga akong dapat na asahan na kahit ano sa kanya," nakasimangot na sabi ng ama.
Agad na kumawala ang ngiti sa labi niya. Ano pa nga bang aasahan niya sa ama? Kahit na kailan naman ay wala itong tiwala sa kakayahan niya. She loves to sing, dance and act and she dreams to be a star but her father is not allowing her to audition. Maybe because her mother is a also a famous actress before but she died because of her avid fan that eventually  became her stalker. She understands that her father is just afraid of losing her that's why he doesn't want her to follow her mother's footsteps but she can't still help but to get hurt because he is too cold to her. He can't just take away her dream. Iyon talaga ang gusto niyang gawin sa buhay niya at hindi ang mag-asawa na lang at tumulong sa magiging asawa niya sa pag-aasikaso ng business. Iyon naman talaga ang plano para sa kanya ng ama. Ang i-arrange marriage siya sa kung sinong lalaki and live a very boring life.
Nakasimangot na umakyat na lang siya sa kwarto niya at hindi na sinagot ang ama. Kahit maldita siya ay wala pa rin siyang binatbat sa ama. Malaki ang takot niya rito.
Inihiga niya ang pagod na katawan sa kama at naipikit niya ang mga mata niya. Parang nanunukso namang lumitaw sa balintanaw niya ang mukha ni Jared. Impokrita siya kung hindi niya aaminin na hanggang ngayon ay mahal pa rin niya ito.  Dahil uhaw siya sa pagmamahal at gusto niya ng exciting na buhay ay na-in love siya sa isang badboy at cassanova na katulad nito. Kaso niloko lang siya nito but she still love him. Ang totoo ay miss na miss na niya ito. 
Napaluha na naman siya nang maalala ito. She badly wants to see him. Alam niya na malaki ang kasalanan nito sa kanya but she's willing to forgive and forget just to have him back.
Hindi na siya nakatiis at tinawagan niya ito.
"Hello?" Rinig niya ang magandang boses nito na matagal na niyang gustong  marinig bagama't maingay sa kinaroroonan nito. Marahil ay nasa disco bar na naman ito at may nilalanding kung sino-sinong babae. But she don't care about that. She loves him so much.
            "This is me, Jared. Ano pa ba ang kulang sa akin? Handa akong magbago bumalik ka lang sa akin. Handa rin akong tanggapin kahit na gaano ka pa kababaero, ang importante lang sa akin ay kasama kita. I can't live without you.. I still love you, please come back to me, " madamdaming sabi niya kahit alam niya na nagmumukha na siyang masyadong nagmamakaawa rito. But she doesn't care. Mahal niya ito at kailangan  niya ito sa buhay niya.
Pero sa halip na maawa ito ay humalakhak pa ito na para bang hindi makapaniwala sa sinabi niya. "Are you drunk, Amber? How many times do I have to tell you that I'm no longer in love with you? We're through, okay? Tanggapin mo na lang ang katotohanan na ayoko na sa 'yo kaya kung pwede lang, tigilan mo na ako," sarcastic na sabi nito. Alam niyang nakangisi ito habang sinasabi iyon. Kilala niya si Jared.
Pero desperado na siya na pabalikin ito sa buhay niya. Kahit maglumuhod pa siya sa harapan nito. "Ano pa ba ang kulang sa akin ha, Jared? Ano bang ngawa kong masama sa'yo, bakit mo ako pinahihirapan ng ganito?" umiiyak na sabi niya.
            " Hindi ka rin makulit, ano? Sinabi ko na sa 'yo na ayoko na sa 'yo, walang dahilan, wala kang ginawa. Basta ayaw ko lang, mahirap ba namang intindihin iyon? Kung marami ka pang sasabihin, sorry but I'm busy here and I don't have a time for you. So, good bye, Amber. Sana lang ay hindi mo patayin ang sarili mo sa pag-be-break natin." Iyon lang at humalakhak na naman ito sa kabilang linya.
            "Wait, Jared----'' Marami pa sana siyang sasabihin nang putulin na nito ang pag-uusap nila.
Sa sobrang inis niya ay naibato niya ang iPhone niya saka napahagulgol na naman ng iyak.
She really feel hopeless. Iniwan siya ng lalaking pinakamamahal niya na wala man lang konkretong dahilan. Pakiramdam niya ay wala nang nagmamahal sa kanya...

- TO BE CONTINUED...

You may follow me at my social media accounts below:

http://www.wattpad.com/user/Cristina_deLeon
https://www.facebook.com/cristinadeleonwppage/
https://twitter.com/lady_phoenix16
IG - lady_phoenix16
ASK.FM - http://ask.fm/LadyphoenixWattpad

Hiram Na Pag-ibig (Published Under Dreame App)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon