Chapter 35 and Chapter 36 :)

Start from the beginning
                                    

"Grabe sila!"

"Paano nila nagawa yun?"

Wow, ang galing ko palang kumuha ng picture. Ang linaw at napakaganda ng kuha.

Sina Monique at Abby naman lalong namutla at nanigas sa upuan nila.

"Ngayon sabihin mo Monique, hindi pa ba sapat na ebidensya ng ginawa niyo ang mga ito?!" galit na tanong ni Mrs. Santos.

Napayuko nalang sina Monique.

"Buti nalang at nakuhanan ito ni Samantha at agad na ibinigay saakin. Kung hindi siguradong mapagbibintangan ang mga inosenteng tao sa ginawa niyo." pahabol pa ni Mrs. Santos.

Everyone was shocked by the revelation especially Monique and Abby.



¤ Chapter 36 ¤ Hurt

Napangiti lang ako, mukhang umaayon sa mga plano ko ang mga pangyayari.

Itinaas ni Monique ang tingin niya at kaagad na dumapo sa hindi makapaniwalang mukha ni Samantha.

"Paano mo nagawa saamin 'to" naibulong ni Monique. "Traydor ka." sabi pa niya na ikinagulat ni Samantha.

"Paano niyo nagawa ito, Monique at Abby?"

"Ang sama niyo!"

Sabi naman ng mga classmates namin.

I know they feel betrayed right now.

Mabuti 'yan sa inyong lahat. Alam niyo na ngayon ang pakiramdam ng traydorin at talikuran.

"Monique, kailangan namin makausap ang mga magulang mo!" galit na sabi ni principal.

Ito na siguro ang tamang oras para i-showcase ko ang talent ko.

Hindi lang naman kasi si Monique ang magaling umarte 'no.

Tumayo ako at nagtungo sa pinto.

Nabuksan ko na ang pinto at akmang lalabas na nang tawagin ako ng principal.

"Ms. Sophie, where are you going?"

"Home." matipid kong sagot.

"Bakit umuuwi ka na?" tanong naman ng mga classmates ko.

Hinarapan ko sila at binigyan ng cold look.

"Bakit may gagawin pa ba ako dito? Hindi pa ba sapat na pagbintangan niyo ako? Bakit natatakot kayo na mawalan ng pagbibitangan?" sabi ko at sila napayuko naman sa hiya.

Dapat lang talaga kayong mahiya sa sarili niyo.

Paano niyo nagagawang magbintang ng walang patunay?

Oo, tama naman sila na ako ang may kagagawan pero paano pala kung hindi?

Bakit ba kasi bawat sabihin ni Monique kaya nilang paniwalaan? Hindi ko sila maintindihan.

"Mrs. Principal ihahatid ko nalang po ang transferee paper ko sainyo bukas, para makalipat na ulit ako." baling ko naman sa principal.

"Bakit ka lilipat, hija?"

"Bakit ano pa bang gagawin ko dito principal? Sawa na akong isiksik dito ang sarili ko sa mga taong ayaw naman ako. Baka may mangyari na naman dito tapos ako ulit ang mapagbintangan." I paused para tingnan sa mata ang mga classmates ko.

"Wala parin naman kasing nagbago simula ng umalis ako dito, eh. Binago ko ang sarili ko para lang matanggap nila ako pero... wala parin pala. Kumpara kay Monique isa lang akong langaw. Lahat ng sabihin niya tama, ako kasinungalingan." tuglong ko pa and they all flinched because of my tone.

Its dripping with sarcasm yet full of hurt. I can't help it.

Ayaw ko man aminin pero...masakit.

"Sabagay, sino ba naman kasi ako para paniwalaan nila diba? Ako lang naman yung Sophie na inaapak-apakan at pinagtatawanan nila noon. Akala ko dahil binago ko na ang sarili ko magugustuhan at makikita na nila ako gaya ng pagtingin nila kay Monique. Isang sobrang bait at mala-anghel na tao, hindi pala. Kulang parin pala ang effort ko." sabi ko pa at napailing.

Binaling ko ang tingin ko kay principal.

"Kaya sabihin mo nga principal? Bakit ko ipagpipilitan ang sarili ko dito kung alam kong meron namang lugar kung saan tanggap ako at hindi binabalewala ang halaga ko? Tao lang din naman kasi ako na nagsasawang masaktan at sawa ng umasa. Alam ko ito ang hinihintay niyong sabihin ko pero... suko na ako. Hindi niyo na nga siguro ako makikita kung sino talaga ako."

Hindi ko namalayan na lumuluha na pala ako. Bakit ganon? Ang sakit parin pala aminin at sabihin ang totoo kahit na alam mo na iyon noon pa man 'no? Ang sakit-sakit.

Napayuko silang lahat at gaya ko lumuluha rin sila habang bumubulong ng 'sorry'.

"Sorry? Alam niyo bang sinira niyo ang buhay ko noon?! Sobrang durug na durug na ang puso ko dahil sainyo.., kaya siguro mabuti kung umalis nalang ako."

Pinunasan ko yung luha sa mata ko.

"Babalik po ako dito bukas ng umaga." paalam ko.

Tapos tuluy-tuloy na ako palabas ng school.

Stop crying Sophie.., it should be all an act. Go get a grip.., ang hina hina mo talaga.

Hindi mo na dapat sayangin ang luha mo para sa kanilang lahat. They're not worth your tears.

Sila dapat ang umiyak at hindi ikaw. 

The Mafia Prince is my Stalker? anong gagawin ko?!Where stories live. Discover now