Chapter 3

5.4K 123 6
                                    

A/N: Sorry guys kung ngayon lang nakapag-update masyado kasing busy this past few days. Sa mga nag-aantay ng update ko. Salamat :)

-----

Anung ginagawa ng lalaking ito dito? Wag mong sabihing siya ang magiging boss ko?

"Pare I would like you to meet Nadine Alexis Olivar." Pagpapakilala sa akin ni sir Andrei.

So siya nga ang boss ko? Kung ito din naman okay lang ke gwapo ee.

"Ahh.. Hello po. Ako nga po pala si Nadine, Nadya na lang po yun po kasi ang tawag sa akin ng karamihan."

Intense naman ng mga titig si Sir. Kanina si Sir Andrei ngayon naman itong magiging boss ko anu bang problema sa akin? Baka naman may dumi ako sa mukha.. Naku nakakahiya pag-ganun.

Pasimple kong pinunasan ang mukha ko. Habang nakatingin din sa magiging boss ko.

"Hmm Nadine ito nga pala si James sa kanya ka magtatrabaho bilang isang babysitter."

"Po?" Wala sa sariling sagot ko.

"Sabi ko siya ang magiging Boss mo."

----

James's POV

Papasok na ako ngayon ng restaurant ni Andrei dahil ipapakilala daw biya sakin yung magiging yaya ng baby ko.

Yeah! Yaya ng baby ko. Hindi talaga ako nagkamali na sya ang nilapitan ko. Ang bilis talagang kumilos ng isang yun. Sabagay sinabi ko naman na bilisan niya dahil kailangan na kailangan ko talaga ng mag-aalaga sa anak ko.

"Pare I would like you to meet Nadine Alexis Olivar."

Hindi ko pa nakikita yung babae dahil nakatalikod pa ito sa akin. Pero nung humarap ito sa akin laking gulat ko dahil kamukha niya si Noreen ang mommy ng anak ko. Kamukhang-kamukha niya talaga si Noreen ang pinagka-iba lang nila ay ang kulay ng mata dahil ang kulay ng mata nitong babaeng kaharap ko ay itim at si Noreen naman ay kulay brown. Pati mataas ng kaunti sa kanya si Noreen.

"Ahh.. Hello po. Ako nga po pala si Nadine, Nadya na lang po yun po kasi ang tawag sa akin ng karamihan."

Di ko namalayan na nakatitig na pala ako sa kanya ng matagal.

"Hm Andrei can i talk to you first?"

Nadito kami ngayon sa loob ng office ni Andrei.

"Saan mo naman napulot ang babaeng yon?"

"Dude kaibigan kasi yun ni Beatrice yung isa sa nagtatrabaho dito mabait naman daw un bakit ayaw mo ba? Oh sige sasabihin ko na lang na hindi mo na kailangan at may nakuha kana."

Lalabas na sana si Andrei ng office nya ng pigilan ko siya.

"Hey no need.. nandyan na yan ee. Pati aalis na ako bukas saan naman ako makakakuha ng yaya na mabilisan."

"Para kasing aayaw ka pa. Alam ko na nabigla ka dahil kamukha sya ng nanay ng anak mo?" Hindi na lang ako sumagot.

Nandito na ko ngayon sa harap ng yaya ng anak ko gusto kong pag usapan namin ang dapat nyang gawin para maalagaan nya ang anak ko ng maayos.

"Wala naman akong rules sa pag-aalaga ng anak ko. Ang gusto ko lang maging hands on ka sa pag-aalaga sa kanya dahil kapag may nangyaring di maganda di mo magugustuhan ang gagawin ko. Maliwanag?"

"Hm Yes.... Si.. Sir."

"Nga pala gusto ko na stay in ka. Dahil mapapadalas ang pag-alis ko. Yung sweldo mo naman 50,000 a month."

"50,000??" Mukang nagulat naman sya sa sinabi ko.

"Bakit naliliitan ka ba? Sige dadag... "

"No no.. Sir malaki na nga po yan. Ayos na po yan."

"Ok.. Now let's go."

"Po?" Nakakainis naman tong babaeng to. Wala na ba tong ibang alam na sabihin kundi po.

"Ang sabi ko let's go pupunta tayo sa bahay mo para kunin yung mga gamit mo dahil magsisimula kaa ngayon."

"Ngayon po? Agad-agad sir?" Sinamaan ko lang siya ng tingin. Muka namang natakot siya.

"Sabi ko nga ngayon na. Ah Sir pwede po bang wait lang ng konti? Kakausapin ko lang po yung kaibigan ko."

"Okay bilisan mo don't make me wait."

----

Nadine's POV

Gwapo na nga sana ang sungit naman kakayanin ko kayang magtrabaho sa kanya? Tatagal kaya ako? Hayy naku siguro naman kaya ko dahil malaki naman ang suweldo pati di naman siguro ako magtatagal sa kanya dahil pag nakaipon na ako ng pera ay titigil na ko balak ko kasing mag business habang na-aaral ako.

"Friend anu ayos ba?" Masayang salubong sa akin Bea.

"Hoy bruha." Sabay batok sa kanya.

"Aray maka-batok ka naman friend."

"Ikaw kasi bakit di mo sinabing babysitter pala ang trabaho ko? Pati ang magiging boss ko pa ay isa sa pinaka mayaman sa pilipinas and take note pati na sa Asia. Anu'to paki- Explain?"

"Kasi di na yun surprise pag-sinabi ko sayo. Teka paano mo naman nalaman na sobrang yaman nun ni Sir James?"

"Syempre nabasa ko sa magazine na binili ko kanina bago ako pumunta dito."

"Wait magazine? Bakit ka bumili nun di ka naman mahilig magbasa ng mga ganun ah. Wag mung sabihing may crush ka kay sir James?"

"Yang isip mo talaga di ba pwedeng curious lang ako kaya nakabili ng ganun magazine? Dyan ka na nga baka umusok na ang ilong ng boss ko sa kakainatay sa akin nakakatakot pa naman din yun."

"Ok sige uuwi kana ba muna sa bahay.?"

"Yes. Kukunin ko lang ung mga gamit ko at dun daw ako titira sa pamamahay ni Boss ngayon na din kasi ako magsisimulang magtrahaho."

"Sige ingat ka palagi. Text text na lang tayo."

Niyakap ko sya at nagpasalamat sa kabutihan nya. Sinabi ko din na uuwi ako sa kanila sa tuwing day off ko.

----

Wow Bahay ba'to o palasyo nakakalula sa laki ee. Nadito na kami sa labas ng bahay ni Sir. Ngayon lang ata ako nakakita ng ganito kalaking bahay. Sinusundan ko lang siya hanggang sa makarating na kami sa salas ata basta yun na yun ang hirap mag describe. Halos katulad ng bahay ni Dou Ming so ung leader ng F4 sa meteor garden tong bahay ni Sir James.

"Maupo ka muna ay kakausapin lang ako sa labas."

Ang tagal naman ni sir nakakainip na kaya dito.

"MOMMY?"Sabi ng isang bata sa tingin ko 3-4years old na. Nabigla ako ng bigla syang tumakbo papunta sa akin at niyakap ako.

"MOMMY your here!!" Masayang sabi sa akin ng batang nasa harap.

"Naku baby di ako ang mommy mo. Yaya ako dito hindi mommy." Nakangiti ko ring sabi sa kanya.

"No i know your my mom."

"Hindi nga ako ang mom...... "

Bigla na lang syang umiyak. Hindi ko alam kung anung gagawin ko. Naku lagot ako kay sir. Alam kong anak ito ni sir dahil kamukhang-kamukha niya ang bata. Gwapo din mana sa daddy.

"Naku baby tahan na. Don't cry na mapapagalitan ako ng daddy mo ee."

"No i know your my mom.. Your mommy. Mommy ko... Mommy ko ikaw." Patuloy pa rin ang pag iyak nya. Kinakabahan na ko dahil hindi ko sya mapatahan.

"WHAT'S GOING ON HERE?!!"

Hala !! Lagot ...

---
©iLoveJadine13
A/N: May nag-aantay pa ba ng update ng story na'to? Comment kayo guys para alam ko. HAHAHAHA

My Boss got Me Pregnant (JaDine)Where stories live. Discover now