Chapter 2

5.5K 127 4
                                    


Beatrice POV

Nadito ako ngayon sa labas ng office ni Boss Andrei, kausap nya si Sir James kaya hindi pa ko pakapasok sa loob. Itatanong ko sana kung may bakante pang trabaho dito sa  restaurant. At dahil dakilang chismosa ako nakikinig ako sa pinag-uusapan nila.

"What kailangan ng Babysitter ni Sir James?" Ako na lang kaya ang mag-apply? Sigurado malaki ang sweldo ko pagnagkataon. Kaya lang masungit nga pala ang isang yun, kaya wag na nga lang."

Si Nadya... Oo tama si Nadine my friend sakto kailangan niya ng trabaho.

Biglang lumabas sa office si Sir James kasunod niya si Sir Andrei.

"Good morning Sir." Masayang bati ko sa kanila. 

"Good morning." Nakangiting bati rin ni Sir Andrei.

Nilampasan lang ako ni sir James grabe ang suplado talaga ng isang yun kung di lang siya gwapo.. Naku!

"WAIT SIR ANDREI!"

"Oh bakit Beatrice?"

"Sir anu kasi... Hindi ko naman po sinasadyang makinig sa pinag-uusapan niyo ni Sir James kailangan nya daw po ng babysitter?"

"Wag mong sabihing gusto mong mag-apply kay James at hindi kita papayagan alam mo naman na may trabaho ka sakin. Alam mo naman na isa ka sa pinagkakatiwalaan ko dito sa restaurant ko."

"Talaga Sir naku i'm flattered. Eh... Sir sino bang may sabi na ako ang mag-apply."

"Akala ko gusto mo eh!"

"Kung ako ang tatanungin gusto ko po talaga kasi alam ko na malaki ang sasahudin ko kay sir James."

"Parang sinasabi mo na maliit akong magpasahod ah."

"Naku wala po akong sinabing ganyan ha."

"Bakit ba kasi nagtatanong ka tungkol dun?"

"Kasi po Sir yung friend ko kailangan po ng trabaho kaya naisip ko na baka kung pwede sya na lang."

"Baka naman mapahiya ako dyan. Naku malalagot ka talaga sakin."

My Boss got Me Pregnant (JaDine)Where stories live. Discover now