Chapter 3: Long Lost Mom

138 5 3
                                    

Hindi masyadong nakatulog si Jess kung kaya naman ay maaga siyang nagising, nagdesisyon na lang siyang magluto ng breakfast. Naabutan naman siya ng katulong nilang si manang na nagluluto

"O Jess, ang aga mo naman nagising. Ako na diyan, maupo ka na lang at baka pagod ka pa sa byahe niyo kahapon."si Manang

"Nako manang hindi po, okay lang po ako. Maaga lang po talaga ako nagising dahil sa jet lag ko."si 

"Ganon ba? Teka mamayang hapon mo na pala makikilala ang tunay mong nanay, anong nararamdaman mo?"si Manang

"Syempre kinakabahan po, hindi rin naman po kasi biro 'yung nangyari sa'min noon e kaya eto kinakabahan at natatakot po ako."si Jess

"Normal lang na 'yan ang maramdaman mo, hayaan mo kapag nagkagaanan na kayo ng loob mawawala na rin 'yang kaba at takot na nararamdaman mo."si Manang

"Sana nga po. Sandali po, hindi naman po masama kung may sama ako ng loob na nararamdaman sa kanya diba?"si Jess

"Hindi ka inaalisan ng mundong 'to ng karapatan para magalit at magtanim ng sama ng loob, may karapatan ka dahil walang kapantay na sakit at hirap ang isang anak na iniwan ng magulang. Sana balang araw mahanap mo rin ang kapatawaran diyan sa puso mo, tandaan mo na kahit anong mangyari, kahit pagbali-baligtarin pa ang mundo  siya pa rin ang nanay mo."si Manang 

"Kayo po? May anak po ba kayo?"si Jess

"Meron isa, nagta-trabaho na siya ngayon sa probinsya namin. Sa totoo lang pinapatigil na niya na nga akong mamasukan dito pero sabi ko ayokong iwan kayo ng basta-basta. Bata palang ang tita Cecilia at tita Andrea mo e inaalagaan ko na sila."si Manng 

"Sinabi nga po sa'kin ni tita Cecilia na 'wag po kayong mag-alala dahil oras na makahanap po kami ng pwedeng pumalit sa inyo e makakauwi na din naman po kayo sa probinsya niyo."si Jess

"Ayoko rin naman na iwan muna kayo, ilang taon na rin naman akong nalayo sa tita Andrea mo kaya gusto ko na maalagaan kayong muli."si Manang

"Tama nga po si tita Cecilia, mabait nga po kayo at mapagsakripisyo. Nasaan na po pala ang asawa niyo?"si Jess

"Namatay na siya, pero matagal na 'yun. Alam mo Jess hanggang sa huling hininga niya hindi nawala sa tabi niya."si Manang

"E ganon naman po talaga kapag mahal mo ang isang tao e, hindi mo kakayanin o matitiis na mawalay o malayo sa kanya."si Jess

"Nagmahal ka na ba?"si Manang

"Manang pwedeng tulungan niyo po akong i-set up 'yung mesa. Luto na po kasi 'to e."si Jess 

"O sige."si Manang 

Habang kumakain si Andrea at Jess

"Jess magbehave ka mamaya sa dinner natin kasama ang mommy mo."si Andrea 

"Tita kung gusto mong makipagplastikan ako sa kanya, bakit hindi? Pero hindi ko maipapangako na kaya kong magtiis habang buhay. Ilang taon niya akong natiis na 'wag hanapin."si Jess

"Hindi ko alam kung paano ka pipigilan mamaya, pero sana pakinggan mo 'yung side ng mommy mo."si Andrea

"Ano bang plano niya?"si Jess

"She wants you to stay with her, together with your stepsister."si Andrea 

"Hindi ako aalis dito sa bahay na 'to, dito lang ako. Hindi ko kayo iiwan na mag-isa dito sa bahay."si Jess

"Jess I'll be okay. Ilang taon kang nawalay sa kanya kaya panahon na para isauli kita sa kanya at para makabawi din siya sa'yo."si Andrea

"Kung nawalay man ako sa tabi niya, kasalanan niya 'yun."si Jess

Born For YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon