Chapter 29: Road to Happy Ending

253 8 2
                                    

Matapos ang ilang buwan, nililigawan na ni Robin si Kara si Lauren naman patuloy na pinagbabayaran ang mga kasalanan niya. Si Jess naman kasama na ang kanyang anak na si Cleotilde. Si Yago naman at Lauren ay annulled na. Binisita ni Kara at Robin sila Jess at Cleotilde.

"Oh Cleo ha may pasalubong ka na naman galing samin ng tito Robin mo."si Kara

"Thank you po tita pretty, thank you po tito Robin."si Cleotilde

"Bakit naman kay Kara tita pretty ang tawag mo? Bakit sakin tito Robin lang?"si Robin

"Oh sige Cleo tawagin mo din na tito pretty si Robin bilis. Robin ano ka ba? Pati ba naman bata idadamay mo pa jan sa kalokohan mo."si Kara

"Sige na nga po tito gwapo. Thank you po tito gwapo."si Cleotilde

"You're welcome, oh sabi sayo gwapo ako eh."si Robin

"Heh! Ewan ko sayo, oh Jess nag-abala ka pa ng meryenda. Eh aalis din naman kami agad ni Robin dinaanan lang talaga namin kayo para ibigay 'tong mga pasalubong namin sa inyo."si Kara

"Eh namiss ko kaya kayong dalawa tsaka baka naman gusto niyong mag kwento tungkol sa Palawan tour niyong dalawa ha!"si Jess

"Wala naman dun lang naman kami nag date ni Kara hahaha! Kayo kamusta na kayo?"si Robin

"Eto okay naman, Cleo go to your room muna ha. Mag-uusap lang sila tito Robin, tita Kara at si Mommy ha."si Jess

"OKay po."si Cleotilde at pumanik na sa taas

"Nakakapag-adjust na si Cleo, nakalimutan niya na rin yung nangyari. Halos every weekend dinadalaw siya ni Yago."si Jess

"Eh bakit kasi hindi pa kayo magbalikang dalawa? Annulled na naman yung kasal ni Lauren at Yago."si Kara

"At isa pa mahal niyo pa rin naman ang isa't isa diba?"si Robin

"Oo pero syempre gusto muna naming dalawa na maayos yung lahat. Tsaka hindi pa naman nagtatapat sakin si Yago na mahal niya pa rin ako."si Jess 

"Ikaw lang naman ang hinihintay niya eh."si Robin

"Oh bakit ako? Di ba dapat siya ang gumawa ng move dahil siya lalaki."si Jess 

"Hay nako oh sa Saturday na pala birthday ni Cleo may celebration ba?"si Kara

"Oo meron, tsaka first celebration na rin na kasama niya ako. Punta kayo ah sila Mama pupunta eh kaya dapat nandun din kayo."si Jess

"Syempre naman pwede ba naman kaming mawala."si Robin 

"Asahan mo nandun kami!"si Kara 

Sa office ni Yago dinalaw siya ng daddy niya..

"Oh Dad, why are you here? Wala ba kayong lakad ni Mommy?"si Yago 

"Meron actually dadaanan ko ang mommy mo at si Jillian sa mall dederetso kami sa Tagaytay para mag unwind for one night."si Zoren

"Wow naman eh di sana iniwan niyo na lang si Jillian para magkaroon pa ko ng bunsong kapatid."si Yago

"Alam mo pilyo ka talagang bata ka, eh gusto mo bang sumama?"si Zoren

"Hindi na dad eh actually half day lang ako today kasi may aasikasuhin pa ko para sa birthday ni Cleo sa Sabado wag kayong mawawala nila Mommy dun ah."si Yago

"Pwede ba naman kaming mawala? Syempre hindi! Eh teka nakausap ko na si Jess wala na ddaw problema at ayos na lahat ng gagawin sa birthday ni Cleo, ano pang aasikasuhin mo?"si Zoren

"Malalaman mo rin sa Saturday kung ano yun, Dad. Tsaka walang nakakaalam neto kundi ako lang kaya surprise."si Yago

"Kung ano man yan good luck!"si Zoren

Born For YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon