Epilogue

138K 3.1K 1.2K
                                    

Two hours. I've been waiting for two straight hours.

Kahit kailan ay hindi umalis ang mga mata ko sa pinto kung saan ko siya huling nakita. Hindi ako makahinga. Pakiramdam ko ay hindi ako makakahinga hanggat hindi ko pa siya nakikita.

Shit.

"Luke," narinig kong tawag ni Les sa akin pero hindi ko magawang alisin ang mga mata ko mula sa pinto. Naramdaman ko ang braso niya sa likuran ko. Hinimas niya iyon at nagbuntong hininga. "She will be okay, Luke. She will."

Nilingon ko siya. Nakakunot ang noo niya at nakakuyom ang panga. Her expression was guarded but I could see the worry in her eyes.

"I-I can't... I need to be alone."

Tumayo ako. Alam kong napatingin silang lahat sa akin. Napatingin ako kay Mama. Umangat ang mga mata niyang nag-aalala para sa akin. Balak sana nitong tumayo ngunit hinawakan ni Tita Ava ang kamay niya at umiling-iling.

Para akong sinusuntok sa dibdib. Fuck. I've never been this scared. I want to throw things. Break things. I want to punch the wall. I want to do something but all I can do is wait. Fuck. Shit.

Lumakad ako palayo doon dahil hindi ko na kayang maghintay lang doon. I needed to walk, to ease my nerves. Nakasalubong ko si Daddy at Tito Eros na magkasama. Dala-dala ni Daddy ang dalawang plastic na mukhang may mga pagkain sa loob habang si Tito Eros naman ay may bitbit na mga cups ng kape.

"Son, where are you going?" narinig kong tanong ni Daddy.

"Chapel, dad." sagot ko nang hindi humihinto. Narinig ko ang pagtawag nila sa pangalan ko pero dumiretso lang ako sa paglakad.

God, please let everything be okay.

I can clearly remember the day that I fell in love with Avis Magdalene Sebastian. My heart beat changed that moment and it has never been the same since then. I have never had the opportunity to love someone else. Couldn't. I've only loved her and even at the first day, I knew it will always be her.

Nasa tapat lang ako ng room namin. Mapagpanggap na nakasandal sa pader habang kunwaring nakikinig sa mga kaklase kong pinag-uusapan ang basketball game na naganap last week. I wasn't even interested at the very least. Ang mga mata ko dapat ay nasa kanila ay umaabot sa dulong bahagi ng corridor.

Kumunot ang noo ko nang makita si Logan na nasa tapat ng room na kilalang-kilala ko. May hawak itong box ng donuts. Napaayos ako ng tayo. Malayo pa lang ay alam ko na agad kung sino ang ipinunta niya doon. Shit.

Una kong nakita si Charlotte, ang kaibigan ni Avis na nakasama ko sa isang date dati. I can never forget how embarrassing that date was. Siya ang unang babae na naka-date ko kaya hindi ko alam kung ano ang tamang gawin. Les wasn't really a help with the do's and don'ts. Baguhan ako sa pagde-date pero alam ko na puro kalokohan lang ang itinuturo niya sa akin.

But what really made that date embarrassing was Charlotte's constant attempts of remaining physical contact with me. Nang nasa loob kami ng sinehan ay halos maestatwa ako sa pagkakaupo nang maramdaman ko ang kamay niya na humimas sa hita ako.

Napasinghap ako doon at tumingin sa kanya. Tumambad sa akin ang mukha ni Charlotte. Nang-aakit ang mga mata niya habang nakangisi sa akin. I sat still when she leaned forward, still frozen when her lips occupied mine.

A normal boy with teenage hormones would have liked it. A normal boy would have enjoyed that kiss... But fuck no, I couldn't bring myself to kiss her without thinking of Avis. Frustration lang ang naramdaman ko at kaba habang iniisip na baka ganito din ang ginagawa niya ngayon kasama si Logan.

Conceding Affinity (Affinity #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon