Intro

148 0 0
                                        


FRAGILE HEARTS
By: Rhyukichan07

A/N: Hmmm well I kinda based some parts of it from my dream last night .. Weird O_O

So sit back, relax and enjoy the story I made.. My apology if I might have some typographical errors that I didn't mean to .. Mejo sabog din kasi ako at may writer's block minsan >_<

Sana po magustuhan nyo.. I'm still doing my best to be a good writer..

PS: THE NAMES OF THE CHARACTERS, PLACES AND EVENTS ARE DEFINITELY FICTITOUS AND FROM THE AUTHOR'S IMAGINATION.. ANY OF THEM RESEMBLES WAS COMPLETELY COINCIDENTAL

BESTFRIEND...

Ano nga ba sya sa buhay ko?

Taga-cheer up pag nalulungkot ka..

Taga-punas ng iyong luha...

Malalapitan pag need ng advice...

Tagapagtanggol kapag may umaaway sayo..

Parang kapatid na ang turingan nyo..

O sya na talaga yung taong matagal mo nang hinahanap para sayo...

Oo nga.. Mapaglaro ang pag-ibig.. Minsan palpak.. Minsan maganda ang takbo ng buhay..

Akala mo sayo na siya pero hindi pala.. Lalo na pag yung taong hinihintay mo ng matagal ay yung BESTFRIEND mo..

Masaya din ang love pero may part na masakit din.. Parang isang sugal ito.. Itataya mo na ang lahat makuha mo lang yung isang malaking kapalit pero kapag natalo ka, wala na.. Kung papasok ka sa mundo ng pag-ibig, parag ayaw mo nang magising.. Oo masarap ito pero handa ka bang masaktan?

Para sa akin, ang puso ay parang babasagin.. Bakit?? Kasi dapat itong ingatan para hindi mabasag.. Pag dumating na yung oras na ito ay nawasak, masakit!

Sobrang sakit! Mahirap ibalik parang sa pagmomove on.. It will took so long time before you recover.. Parang sa piraso yan ng isang babasagin kung pagdidikit-dikitin mo ito ulit..

Ako si Kira... Kira Minami Cortez..

Oo tama.. May lahi akong Japanese.. Actually 1/4's na yata kasi half Pinay at Japanese ang mommy ko.. Pure Pinoy naman ang dad ko.. Pinanganak sa Japan pero lumaki sa Pinas.. Sarap kaya maging Pinoy!

Makulit.. Cheerful.. Matalino.. Mapag-alaga... Talented... Certified Otaku.. Yan ako

Meron akong bestfriend... Si Kyle.. Kyle Tolentino Gomez.. Dito rin lumaki sa Pinas pero sa Italy naman pinanganak.. Half din sya.. Half American..

Gwapo... Talented rin... Sweet... Magaling mag-advice.. Medyo bad boy nga lang minsan..

Mag bestfriend na kami since grade one... Simula nung naging magkaibigan ang mga mommy namin dahil sabay kami inihatid sa school hangga't sa magkaklase kami.. bagong lipat palang din kasi sila Kyle sa village namin noon..

Ngayong nasa senior highschool na kami... Magkaklase na ulit kami ni Kyle.. Medyo matagal na din kaming hindi magkaklase noong nalipat sya sa ibang section...

Sobrang excited na tuloy ako pumasok nang malaman ko na nasa iisang section na kami ni Kyle.. As usual, lagi kaming sabay pumasok at umuwi dahil nasa iisang subdivision din ang mga bahay namin..

Fragile Heart [On-going]Onde histórias criam vida. Descubra agora