So that il know when to fetch you.

Wow, ha. Consistent. 

Ah ok. Di pa kc ako sure. Baka gabihin kami. May gagawin kc kming group project later. Mgko-commute nlng cguro ako.

Alryt then. Be safe!

Ok. Ingat din, reply niya bago niya ibinalik ang cell phone sa bag. She couldn't help but feel happy. 

"Kung makangiti ka naman diyan, wagas," ani Chloe.

Noon lang din niya napansing nakangiti pala siya.

"Huhulaan ko kung sino ka-text mo," anito. "Si hubby, ano?"

Tumango siya. Hindi pa rin niya mabura-bura ang ngiti sa kanyang mga labi. Ewan ba niya pero tia ang saya-saya niya lately. Ipinagdadasal nga niyang sana'y wala nang katapusan ang sayang nararamdaman niya ngayon.

"Ano bang sabi?" ani Chloe.

"Ingat daw ako sa pag-uwi," aniya.

"At?"

"Yun lang."

"Walang 'I love you"? Walang mwah mwah tsup tsup?"

"Wala!" ang natatawa niyang wika.

"Ay, ano ba naman 'yan. Akala ko pa naman may sinabing sweet nothings. Abote tenga kasi ngiti mo. Di bale tutulungan ka nalang namin ni Gem na palaambutin 'yang puso ng asawa mo."

"Anong palambutin?"

"Ang tigas-tigas, eh. Palalambutin natin nang maging sweet naman 'sayo."

"Ha? Pwede ba 'yon?"

"Oo naman. Pakukuluan natin 'yan kung kinakailangan, lumambot lang."

Malakas siyang natawa. "Baliw ka talaga, Chloe."

Tawanan sila.

Halos alas dies na ng gabi noong dumating siya ng condo unit nila. Ang gugulo kasi ng mga group mates niya, palibhasa ay mga bata pa, ang tagal tuloy nilang natapos. Nagulat pa siya nang madatnan si Ram na natutulog na sa kwarto nila. Ang buong akala niya kasi'y umalis ito.

Dahan-dahan siyang pumasok sa loob ng kwarto upang makapagpalit ng pambahay. Ayaw niyang gumawa ng ingay kaya't 'di na siya naghalungkat pa sa closet para maghanap ng maisusuot. Baka maistorbo pa ang pagtulog nito. Nakita niya ang mga tinuping damit na nakapatong sa computer table ni Ram. Siya din mismo ang nagtupi ng mga iyon kaninang umaga, 'di lang niya nagawang i-arrange sa closet dahil nagmamadali siya. Dahan-dahan siyang naghanap ng maisusuot doon bago dali-daling lumabas ng kwarto. Sa banyo na siya magbibihis. Kahit na sabihin pang tulog si Ram, nahihiya pa din siyang maghubad sa loob ng kwarto.

Buying Love (Published Under UMPRINTABLES!) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon