Page 11

1.2K 30 1
                                    


" may problema ba miss? "
Nag alalang tanong sakin ng driver.

" Ano.. wala ho. "

Sa puntong iyon, ay umikot ang taxi, at nawala na ito sa view ko.

Nagtataka ako sa babae yun, iyon rin kaya ang kausap niya kanina. Sabi niya wala siyang kahit sinong seryoso sa buhay niya, pero mag nobyo at nobya lang ang naghahalikan ng ganoon.

Maganda talaga siya. At parang mature na ito. Bagay rin ito sa bar.
Nasulyapan ko lang siya ng ilang segundo.

Pero alam ko ibang tipo siya ng babae kaysa sa akin. At dahil sa rasong yun ay bumaba ang confidence ko sa sarili.

Bakit nararamdaman ko ito? Boss ko lang si ashton at wala ng iba..

Hindi magandang ideya ang mag isip ng mas malalim, piniki ko ang mga mata at sinubukang kalimutan ang nakita kanina.

Monday..

Ang opisina ng manager ay maliit na silid sa likod ng finance department.

Ang tanging tao na naka assign sa silid na yun ay kami ni Ashton. Tiwagan ulit si Ashton pabalikin sa pilipinas ngayon, para maka focus sa energy & resources ng philippine branch into a new branch.

Nagkaroon kami ng reputasyon dahil sa pagtapos sa trabaho, kaya natawagan siya mula sa france.

( panibagong araw.. ay magsisimula bilang sekretarya ni Ashton. Gagawin ko lahat ng makakaya ko! )

" Magandang umaga, Amber. "

" Magandang umaga. "

Dumating si Ashton makalipas ng Sampong minuto bago magsimula ang araw ng trabaho.

" hmm. Anong problema? "

" ano? "

" Sa paraan ng pagtitig mo kasi parang nakaka conscious. "

( hindi ko naman siya tinitignan ah.. pero nagawa ko ito kagabi ng hindi alam ni Ashton.. )

At hindi ko sasabihin sa kanya na nakita ko siya ng nobya niya naghahalikan.

" u- um. "

" ano? "

" kumusta ang gabi mo? "

" kagabi? "

nagbigay ng blankong titig sakin si ashton.

" Ano, naisip ko lang napakaabala kahapon, siguro pagod ka. Kaya naisip ko kung nakatulog ka ba ng maayos. "

" ah. Yan pala tinutukoy mo. Oo, nakapagpahinga naman ako ng mabuti. "

" Mabuti naman. "
Hindi ko alam kong hindi ng tunog sarcastic yun.

" Nawili lang ako dahil matagal na rin mula ng mmanatili ako ng pinas. "

" Tama ka. "

( pero alam kong may ibang dahilan kaya mukha itong pagod.. at hindi mawala sa isipan ko mula ng magising ako. )

The Suit Lover (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon