Page 2

932 29 1
                                    


Ilang saglit pa.. ay nakatanggap ako ng tawag galing sa receptionist na may babae daw dito na gustong makita si Ashton.

Pinuntahan ko siya para batiin sa reception at ginabayan papunta sa meeting room.

" If you'll excuse me, darating na maya-maya si Mr. Bach. "

Yumuko ako at sinarado ang pinto ng dumating si Ashton sa likuran ko.

" Uy, salamat sa pagsama sa kanya. "

" walang problema. Good luck sa lahat. "

" salamat. "

At ngumiti, kumatok ng mahina si Ashton sa pinto at pumasok sa meeting room.

(Hindi siya iyong babae noong isang gabi? )

kahit maganda din siya sa suot niyang cocktail dress at perpektong make up?.

" Nakita. Ko. Siya! "

" huh? "

Liningon ko ang direksyon ng umiiyak, kung saan nakatayo si Beverly. Magkasabay kaming pumasok sa kompanya at siya ang pinaka malapit na kaibigan ko sa trabaho.

Nagtatrabaho siya sa design department, ibang lokasyon kaysa sa secretarial department pero may oras, na maghihingian kami ng advice sa isa't isa sa trabaho hanggang sa pag-ibig..

" Hindi ko alam ang pangalan niya, pero ang babaeng iyon, iyong naka dress! Guest ba siya? " - beverly.

" Bakit mo naisip iyan? "

"Kasi, dinala mo siya sa meeting room, tama? At tsaka, ang babaeng kasing ganda niya, hindi malayong mangyari na hindi lang siya isang kaibigan ni Ashton. " -beverly.

" Girlfriend niya kaya iyon? " - ako.

" malay ko. Wala naman akong alam sa personal niyang buhay. " - beverly.

" talaga?. " - ako.

Nagkibig balikat lang si Beverly.

" Disappointed ka yata? " - ako.

" bakit hindi ba napukaw ang interes mo? Sa tingin ko hindi magandang mang chismis doon. hayaan na lang natin. " - beverly

Tumayo kami habang nag-uusap.

*eeeekk*

Bumukas ang pinto ..

" Ahh! .. huh?"

(Diba iyan yung babaeng umiiyak kanina lang?)

" kahit mahal kita.. Ang sama mo. "

Sigaw niya at dinidma na nakatayo kami roon.

" ayaw na kitang makita pa. "- babae.

The Suit Lover (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon