----------

"Maam Kiera may naghahanap po sa inyo!" tugon sa akin ng isang barista habang nakatayo sa may pintoan ng office ko

"Sino?!"

"Si Maam Lucia po!" bigla akong kinabahan, anong ginagawa ng babae yan dito

"Sige sunod ako!"

Tumayo ako sa table ko at lumabas ng office .. Agad kong nakita si Lucia na nakaupo sa loob ng coffeeshop..

Nilapitan ko ito ....

"Lucia? What can i do for you?!" sabay upo sa harapan niya

"Stay away from my girlfriend Kiera! alam ko nilalandi mo siya ... alam ko ang past nyo.. kung ayaw mo na magkagulo tayo.. stay away from my girlfriend!" nanigas ako sa sinabi ni Lucia

"Really? Nilalandi? .....siya ang tanungin mo kaya baka siya ang lumalandi sa akin... so makakaalis kana, wala akong time sayo!" sabay tayo at talikod sa kanya

Tumayo siya at hinabol niya ako sabay hawak ng mahigpit sa braso ko..

"Layuan mo si Julian Kiera ,hindi mo pa ako lubusang kilala ..!"

"Kilala kita Lucia.. isa kang playgirl at malandi ....hindi ako makakapayag na isa si Julian na mabiktima mo, pwede ba ?!" at hinawi ko ang kamay nya sa braso ko "Hindi ako takot sayo! ...Guard palabasin nyo to at wag na wag nyo na tong papasukin!" agad akong pumasok sa office at sinira ang pinto

Napasandal ako sa upoan ... Tama ba ang ginawa ko ...

tok!tok!tok!

"Sino yan!?!"

"Ghurl?!"

Binuksan ko ang pinto.... Agad nag usisa si Eula sa nagyari kanina sa amin ni Eula...

------------

Nakauwi na ako ng bahay ..

"Dinner muna tayo bago ka pumasok sa room mo Kiera baka matulog ka naman at hindi makakain!" tugon sa akin ni mama

"Okay ma!" at pumasok na kami sa dining area .. Nakita ko si daddy.. Hindi siya tumingin sa akin.. Hindi ko rin siya pinansin ...

Pagkatapos ng dinner namin.. Pumasok na ako sa kwarto ko ...

Pagkatapos kung makapagshower at bihis ... Lumabas ulit ako ng kwarto at nagpuntang pool para makapag lakad lakad...

"Lalim ng iniisip natin ah!" si ate karla

"Ate?!" sabay abot nya sa isang glass ng wine

"U nu wat, gf pala ni Lucia ang bagong presidente ng Monteverde! Hindi ko talaga siya gusto para kay Julian.. Kawawang president.. isa siya sa mabibiktima ng playgirl na yun!"

Hindi ako umimik sa sinabi ni Ate Karla ..

"Gusto ko pa naman si Julian!" bigla akong napatingin kay Ate karla .

"Oh why? anong tingin yan Kiera?!"

"Gusto? Gusto mo si Julian?!" tanong ko sa kanya

"Yes! bakit di ba pwedeng magkagusto sa babae!"

"Pwede naman pero bakit si Julian pa!?" usisa ko kay ate

"Bakit nga hindi, kaya kung paghiwalayin sila ni Lucia !"

"Ate , wag na wag mong gawin yan.. ako nga hindi ko balak yan sa kanila!" tugon ko kay Ate

"What?!!"

"Wala! dyan ka na nga !!" at iniwan ko si ate ..

--------

Humiga na ako ..Napaisip ako sa sinabi ni Ate ... Dumagdag pa siya .. Kakainis !!

Nagvibrate ang phone ko ...

"Nasa labas ako ng bahay nyo!" -Julian

Ano na naman ang ginawa nya sa labas .. Gabi Gabi nalang ba akong pupuntahan ng babaeng ito ... pero gusto ko naman ..

Tumayo ako at lumabas ng kwarto ... Dumeretso akong lumabas ng gate .. Nakita ko agad sasakyan nya na nakaparada.. Nasa loob siya ..

Agad kong binuksan ang sasakyan at umupo sa frontseat habang siya nakasandal sa upoan ng drivers seat..

"Sinugod ako ng gf mo sa coffeeshop!" agad kong sambit sa kanya

Napalingon siya sa akin... at tiningnan ko din siya .

"Nagdududa na siya sa atin! sorry sa ginawa niya !" kalmado lang ang boses niya

"Siguro itigil na natin to Julian... Nasasaktan ako at nasasaktan ko si Lucia, kaya tama na to... tanggapin nalng cguro natin na walang magiging tayo!" pero sa puso ko hindi, hindi pwedeng itigil namin ,gusto ko siyang makuha kay Lucia

Hindi nagsalita si Julian..

Lumabas ako bigla ng sasakyan .... papasok na sana ng gate ng habulin nya ako ..

"Kiera ,wait! Kiera!" hinawakan nya ang braso ko .. "Hindi ko siya mahal! ikaw ang mahal ko..!"

"Kung mahal mo ako, hihiwalayan mo siya!"

"Pero hindi ganun kadali yun!" sagot niya sa akin

"Hindi ganun kadali?! eh di hindi!" hinawi ko ang hawak nya at agad pumasok na ng bahay...

"Kiera!!" hindi ko na siya pinakinggan ..

Umakyat na ako sa itaas at pumasok na sa kwarto ko ...

Hindi na ako makikipagkita o makikipag usap sa kanya hangga't sila pa ni Lucia

"Expect the Unexpected" Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon