CHAPTER 6

7.6K 95 3
                                    

Ilang Araw narin akong nagpapanggap na okay,kahit ang totoo eh hindi talaga... Hirap makasungkit ng best actress award, kailangan ngumiti ka kahit ayaw mo, Magprepretend kang okay kahit deep inside it kills you. Huhubelssss. Ginagawa na talaga kong tanga nitong clyde na to. Paghintayin ba naman akong magisa buong gabi sa hospital, yun pala ibang nurse at doctor yung nakasched magduty. Alam ko naman un eh, kaso kasi... Sya parin ung sinusunod ko... Oo na,Napakamartir ko! Mukha narin akong idiot board sa katangahan ko, pati chalk board kakulay narin ng namuti kong buhok kakahintay magdamag sakanya. Ohhh my geee... Give-up na ko!

Ayoko na. Magreresign na ko! Iniabot ko sakanya ang resignation letter ko. Gulat ang mga mata nitong nakatitig sakin.. Ow Shet, wag mo kong titigan ng ganyan, ayokong magsisi. Ayoko! Hello, sabi ko magreresign na po ako. Kumaway kaway pa ako bahagya rito. Why? Un lang ang nasabi nito na bahagya pang nag angat ng kilay. So,okay nagtatanong pa sya kung bakit raw ako magreresign.

Im planning to work abroad. Simpleng dahilan ko. Plano ko naman talaga yun, nagkakasakit narin kasi si mama. This past few weeks lagi na syang inaatake ng 'vertigo' kahit na hindi na sya nanonood ng mga Koreanovela. Huminto narin sya sa pagtitinda. bread winner mode na ko sa ngayon, Di narin talaga sasapat ung sweldo ko, kawawa naman si Prizel pag walang ulam kinakain nalang ung daliri nya, pag walang shampoo A-jaxxx nalang pinagtyayagaan nya, pag walang baon sa school namumulot nalang ng burger sa basura,pagwalang pang surf nakikifree data nalang sa mga kaklase nya... Pinatatawa ko lang kayo!! (Joke lang yun syempre.)

Abroad? Pakaiksi-iksing tanong ulit nito. Tumango na lang tuloy ako.
Is this because of what happened last night? Di narin ako tumugon pa rito. Aba naman! Magexplain sya kung gusto nya... Magpapabebe muna ko, minsan lang to.

Im sorry patriz. Ive got an urgent call from national heart center, im so sorry, i didnt mean to wait you for long..... Hey look at me, tumayo iyon at agad akong hinawakan sa pisngi...

Sinabi mo kasi yon, kaya naghintay ako... Besides, you never call or text me... Kahit sino naman sasama yung loob kapag ganun diba... Tumingin narin ako sa mga mata nito, he look sincere.

Walang nagsabi sayo?marahan parin ang boses nito...tumango ako, inutusan ko si ana, di nya ba nasabi sayo? I forgot my phone at the ward that's why nung nakita ko sya ipinagbilin ko nalang sakanya... Halatang badtrip na ang mukha nito. Naku naman kase, daming pagbibilinan bakit dun pa sa insekyorang haliparot na yun!
Di naman sa sinisiraan ko si ana, pero Wala eh, wala talaga syang sinabi sakin... Naalala ko bigla,tama nga bago sya umuwi nagsabi pa sya sakin ng 'Goodluck' grabe napakasama nya talaga... Imbes na sabihin saking umuwi na ko at wag maghintay sa wala e nagawa pang magpabonus ng Goodluck. Tssss! Ibang klase.

Ill talk to her, pagsasabihan ko sya... sorry sa nangyari, please stay... Okay? Ngumiti parin ito. Grabe! Isang salita lang nya hindi ko yata talaga kayang tumanggi.

*****

Date? Mangha ang mga matang tanong ko kay prizel.
Oo ate. Sabi pa ni doctor pogi,dapat daw magandang maganda ka aahhh. Ipapasundo ka daw nya mamaya. Kasalukuyan palang nagsisink-in lahat sa utak ko. Parang panaginip, akala ko talaga tuluyan na kaming mapapalayo sa isat isa. Mali pala ko, lalo pa kaming pinaglalapit ng tadhana ngayon. Ang swerte ko!!!!! Waaaah!!! Sabay takip ko sa bibig ko... Bakit ate nanalo ka ba sa lotto? Anung swerte pinagsasabi mo?? Tsss... Kainis uncontrolable nanaman ako. Eh kasi kasi kasi naman, iiiiihhhh..... Pinakikilig nanaman ako ng kaartehan ko. Relax patchreeeessse kalma lang.
Wala noh... Masaya lang ako kaya swerte, bat ba... Jan kana nga magaayus muna ko. Humagikhik pa iyon, uyyyyy si ate... Inlove kay doc pogi. Mga bata talaga, hindi na mapagtataguan ng sikreto ngayon, pati sila pumapag-ibig narin.

*****

Nagpaalam na ako kay mama at prizel, 7pm nang sunduin ako ng sasakyan. Di ko tuloy maiwasang kabahan. Bakit ba kasi hindi nalang nya personal na sinabi sakin na makikipagdate sya, ganun na ba talaga sya kaseryoso kaya kay mama at prizel pa talaga sya nagpaalam.

Saan po ba tayo pupunta manong? Tanong ko sa driver.

Sa Doctors Pacific Hotel & Resort po. Nagulat ako sa sinabi nito. Sa DPHR? Sa pagkakaalam ko mga matataas na tao lang ang nakakapunta dun. Di naman ako pandak kaya pwede rin ako dun.. Bwiset! Ang tanga ko, Literal na matataas na tao, i mean mayayaman... Mga rich,famous and powerful.

Ano bang iniisip ni Clyde. Nakakahiya tong ginagawa nya. Baka mapahiya lang ako dun. Di naman Presidente si mama, di naman senador si Prizel at Mas lalong hindi rin ako isang sikat na artista, mukha lang talagang artista pero hindi talaga. :)

Welcome to Doctors Pacific Maam, this way please... Sosyal, entrance palang may pasabog na. Sumunod naman ako doon sa magandang dilag na mukhang tour guide.

Pansin kong napakaraming tao. Sa Event Room ng hotel. Aahhh eehhh miss ano bang meron? Feeling ko kasi mao-out of place talaga ko rito kaya nagtanong na agad ako.
Welcome home party ng may ari ng hotel and resort maam. Ahhh nakahinga ako ng maluwag, akala ko talaga dito na yun eh! Buti nalang baka dun pa sa banda ron sa ibang room siguro kami magdedate... Ahy naku ano ba tong nasa isip ko...

Welcome home party ni Madam Gracia Moralez. Dugtong ng isa pang tour guide na nasa likod ko.

Whaaaaaaat??? Moralez po? Nakangiting tumango iyon. Goshhh. Nagputik bigla sa pawis ung heels ko grabe na to, di ko expect. Ahhhh. Uwi na ko, mali yata tong napuntahan ko. Aatras na sana ako ng biglaaang.......

Patriz! Boses yon ni Clyde. Tumatakbo pa iyong lumapit sa akin, Hi. Yun lang nasabi ko sakanya, speechless ako, napakagwapo nya! Hi, you look soo gorgeous tonight. Ngayon lang ba??? Araw araw akong gorgeous clyde. Ahmm Thankyou. Pasalamat ko rito, nagulat ako ng bigla akong niyakap nito. Napakabango, i feel so secured that moment, lahat ng kaba ko nawala nalang bigla.
Thankyou for coming Patriz. Napangiti ako at yumakap narin rito. Wala yun, lakas mo sakin na yan... Lalo nya pang hinigpitan ang yakap na 'yon.

***

Sya na mismo ang nag-assist sakin, dinala nya muna ako sa sariling condominium nya, maganda iyon at malaki, parang buong bahay na nga namin yong kwarto nya. Nakakamangha talaga.

Could you please stay here for awhile? Titingnan ko lang si mommy kung nandito na. Ngumiti na lamang ako, Be right back babe, nabigla ako ng maramdaman ang labi nito sa pisngi ko, mabilis iyong tumalikod palabas...Ang daya! Lagi nalang nya kong pinakikilig.

15 minutes narin akong naghihintay kay clyde, inikot ko muna yung buong kwarto nya. Iniisip ko lang, noong una akala ko talaga doctor lang sya, then the next thing na nalaman ko eh yung incorporated hospital na pinapagtrabahuhan ko eh sakanila pala... Tapos ngayon, pati itong hotel and resort sakanila rin pala. Natatawa nalang ako sa sarili ko, hindi ko naman kasi tinatanong sakanya yung personal life background nya...
Napahinto ako ng may makitang push button sa gilid ng kama nya. Ano to? Umupo ako sa kama, Bakit may ganito rin sya dito, sa pagkakaalala ko... Ganito rin yung nasa bahay nya pagpinipindut to iikot tapus may lalabas na kung ano. Tinry ko yong pindutin, walang nangyari. Muli ko yong pinindot wala parin, sa ikatlong push ko, namatay ang ilaw. At may lumabas na kahon, hindi iyon basta kahon, umiilaw yon at kumikinang. Unti unti ko iyong tiningnan. Mga photo album? Natawa ako dahil bakit kailangan pang ilagay sa secret passage ung mga photo album.

***********

Thanks for reading! Wait for the next chapter loves!

MY PLAYBOY DOCTORTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon