Naguguluhan narin siya. Hindi na niya alam ang mga sagot sa tanong nito. Naiinis na siya, hindi kay Panot kundi sa sarili niya. Bakit nga ba?
Akmang lalabas na siya sa library nang may makabangga siya.
"Ouch!" reklamo niya. Nahulog kasi sa paa niya ang bitbit niyang libro.
"S-sorry... wait, are you leaving?"
Nanlaki ang mata niya habang pinupulot ang librong nahulog. Napatingin siya sa nagsalita, para kumpirmahin ang hinala niya.
"A-ahm... Y-yeah." Ah! Bakit ba siya pinaparusahan ng pagkakataon.
"How about our report?" tanong ni Venger.
"S-si Steff nalang kausapin mo. S-sige." Tatalikod na sana siya pero pinigilan siya nito.
"Wait. Tinapos ko ng maaga practice ko, for this." salubong ang kilay nito.
"K-kailangan ko nang umuwi. Late na." she tried getting his hands off her.
"Okay." Sa wakas ay binitiwan na nito ang kamay niya. Nakahinga naman siya ng maluwag. "Then I guess, I'm going with you."
"What?!" Anong problema nitong lalakeng 'to?
"Steff! 'You coming?" tanong nito sa tomboy.
"No. May pupuntahan pa ako. Kayo nalang." dahilan ng tomboy.
Pinandilatan niya ito. And in response, the tomboy gave her a teasing smile. Tinignan niya ito nang may ekspresyong "Akala ko ba kaibigan kita?" Sinagot naman siya nito sa pamamagitan ng pagmuwestra ng "I don't have a choice."
"Come on." yaya ni Venger.
"T-teka nga." awat niya dito. "Saan ka pupunta?"
"Uuwi ka na diba? Uuwi na rin ako. Sa bus mo nalang sabihin sakin ang gagawin ko sa report."
"H-hindi ka magre-research dito sa library?"
"Look, I'm tired. Sa bahay ko na gagawin 'to."
Napabuntong-hininga siya. Akala pa naman niya maiiwasan niya ito.
Laking tuwa ni Louella nang makita niyang bakante pa ang upuan sa likod. Dali-dali niyang tinungo iyon. Kukunin na sana niya ang earphones sa bag niya ng makita niya si Venger na umupo sa tabi niya.
"Hey! This is not your proper seat!" reklamo niya.
"Kailan pa nagkaroon ng seating arrangements sa bus?" natatawang tanong nito.
"P-pero..." napatingin siya sa 'proper seat' nito. Agad siyang nanlumo. May nakaupo na doon at wala na ring masyadong bakanteng upuan sa unahan.
Napabuntong-hininga siya. Wala na talaga siyang escape sa lalakeng 'to. Isinara nalang ulit niya ang zipper ng bulsa ng bag niya kung saan niya sana kukunin ang earphones niya kanina.
Napasandal na lamang siya saka tumitig sa bintana. Why do I have to endure this? Ah! Kasalanan ko rin naman 'to. I hate to face the consequences, but I guess, I don't have a choice.
"S-she's not texting me," maya-maya ay sabi ni Venger.
Hindi niya sana papansinin ito. Kunwaring hindi niya narinig. Pero hindi niya ito matiis.
"B-bakit daw?" curious siya sa kung anong iniisip nito.
Simula kasi noong gabing sabay silang umuwi, napagdesisyunan na niyang itigil na ang pakikipag-text dito. Yun bang parang nawala nalang si Rezny bigla. Nakatulong ang hindi niya pag gamit ng cellphone niya. In-off niya ito at itinago sa drawer. Matagal-tagal na rin niyang hindi nabubuksan iyon.
"I might have said something to her." sagot nito na parang naguguluhan din.
Napakunot-noo naman siya. Wala naman siyang natatandaang sinabi nito na naging dahilan ng pagtigil niya.
"Ano yun?"
"I told her, I love her. And I will not give up on her. I want to see her, I want to know her more..." bumuntong-hininga ito. "Even if she pushes me away. Even if I'm going to wait till forever, I won't lose hope. I'm falling... no, I already fell for her, and there's no way I can pull myself back." dagdag nito na nakapagpalaglag ng panga kasama ang puso niya.
"W-why..." she's lost for words. Hindi na niya alam kung ano pang sasabihin dito. What Venger said is a confession. Hindi man iyon para sa kanya, but still... It felt like those words are for her. Napansin niyang may dumausdos na luha sa kaliwang pisngi niya. Agad siyang nag-iwas ng tingin at pasimpleng pinahid ang pesteng luha na iyon.
"I don't know why, or what, or how it all happened. Ganoon naman siguro talaga, diba? Hindi naman natin mapipigilan ang puso nating magmahal." napakamot ito sa batok. "Ang senti ko na ba? Pasensya ka na. Wala lang kasi akong masabihan." sumandal ito sa backrest saka tumitig sa kisame ng bus.
Ang bigat ng pakiramdam ni Louella. If only she could turn back time. What she did was very wrong. Pakiramdam niya ay maging siya, ay hindi niya mapapatawad ang sarili niya kung masasaktan niya si Venger.
Ang nakakatakot pa, parang doon talaga papunta ang feelings ni Venger. Sa kahit anong paraan pa man niya malusutan ang gusot na ito, ang lalake parin ang masasaktan sa huli.
Gusto niyang magwala. Nafu-frustrate na siya sa kawalan ng solusyon sa problema niya. She doesn't have the right to hurt Venger. What can she do?!
"Forget her." she blurted out.
Nagpakawala ng pekeng tawa si Venger. "As if, ganoon kadali yun."
"Venger. It's not worth it. She's not worth it."
"To me, she is. She turned my life around. Dahil sa kanya, nagbago ang pananaw ko sa buhay. I suddenly felt alive. Kahit sa simpleng mga texts niya, naramdaman ko ang pagpapahalaga niya sakin, bagay na hindi ko naramdaman kahit kanino... kahit sa sariling pamilya ko."
"Venger. Stop. Kung mahalaga ka talaga sa kanya, magpapakita siya sayo. She wouldn't hide behind reasons, doubts and fears. What if, she's not real?!" napapasigaw na siya. Paano niya ba makukumbinsi itong kalimutan na ang nararamdaman kay Rezny?
"Not real?" maang na tanong nito.
She was taken aback. She got carried away.
"I mean, ahm... hindi naman talaga siya ganoon sa totoong buhay. Hindi naman siya ang babaeng nasa isip mo. Hindi naman pala talaga siya gaya ng pinaniniwalaan mo. After all, hindi mo pa siya talagang kilala." mahabang depensa niya. "So stop that. Stop yourself from falling for her. You are being selfish."
Mahabang sandali itong natahimik. Hindi narin umimik si Louella. Kapwa silang nahulog sa malalim na pag-iisip. Maya-maya ay nagsalita ito.
"Just one text." wala sa sariling wika nito.
"Huh?" napalingon siya dito.
"Isang text lang. Sabihin niya lang na tumigil ako. Sabihin niya lang na hindi niya talaga ako magawang mahalin. Titigilan ko na 'to."
Napaisip si Louella. "But... that would hurt you." mahinang usal niya.
"Yes, of course. But what can I do? I can't force her to love me the way I wanted her to."
"I see." tanging tugon na lamang niya.
Ito na siguro ang hinihintay niya. Kailangan niya lang sabihin ang mga salitang iyon kay Venger, at poof! Parang walang nangyari. Babalik sa normal ang mga buhay nila nang wala masyadong damage sa lalaki.
'Can't wait to get home!
> > > > > N E X T C H A P T E R C O M I N G U P < < < < <
ŞİMDİ OKUDUĞUN
It Started With A Text
Romantizm"Kung ako sayo, habang maaga pa, itigil mo na yan." Seryosong suhestyon nito. "Paano kung hindi ka nga mabuking, pero na-in-love naman sayo yung tao. Gaya nga ng sabi mo, lately parang nagpapahiwatig na siya. Oh, anong gagawin mo?" "Hindi ko alam, '...
CHAPTER 3
En başından başla
