"Aayyy..." sabay-sabay na reklamo ng karamihan.

Nagkatinginan sina Panot, Mikel at Nessy. Sanay na kasi sila sa isa't isa. Tsaka may routine na sila. Kung ire-reshuffle na naman, baka mapunta sila sa mga kaklase nilang hindi maaasahan. Ramdam ni Louella na napabuntong-hininga silang apat.

"Okay, let's start from the top." Simula ng guro saka kinuha ang Class Record nito.

Inisa-isa nitong tinawag at pinatayo ang magkakagrupo. Binase nito iyon sa Alphabetical order ng apelyido. Tatlo'ng katao kada-grupo. Dahil doble ang dami ng babae sa lalake, ginawa nitong dalawang babae at isang lalake sa grupo.

"Castres, Elcantara..." nagliwanag ang mga mukha nila ni Panot. Ito kasi ang Castres, at siya naman ang Elcantara.

"Alright!" nag-high-five pa sila para lamang manigas nang tawagin ang idinagdag sa grupo nila.

"de Vera." May mga narinig yata siyang napasinghap.

Laglag ang panga niya at sumunod ang panlalaki ng dati ng malalaking mata ni Panot nang ma-realize nito ang komplikasyon. Kapwa silang di makapagsalita, marahil sa kawalan ng masabi at siguro ay nasa harap lang nila nakaupo si Venger. Wala man silang nakitang reaksyon mula dito, alam nilang hindi magiging madali ito. Nanahimik na lamang sila.

"and your topic is, Integrity." dagdag pa ng guro.

Napasapo sa ulo si Louella. Of all the topic! Grrrrh! Piping reklamo niya.

Napatingin sa kanya si Panot at tahimik na iminuwestra nitong, "We don't have a choice"

Gusto niyang maiyak. Hindi niya kasi alam kung anong dapat niyang maramdaman. Lately she's having this kind of dilemma. Para kasing hindi na niya kilala ang sarili niya. Parang hindi na siya ang dating si Louella.


> > > > >


"PAKISABI sa kanya, na siya na bahalang mag-summarize ng part-three at four." bilin niya kay Panot.

"Sige. Pero sigurado ka bang hindi mo na siya hihintayin?" Napatingin ito sa wrist watch nito. "Ten minutes nalang, matatapos na practice nila."

"Hindi na 'Not. May gagawin pa ako."

"Lou, alam ko yang ginagawa mo. Sa tingin mo ba may magagawa yang pag-iwas mo?"

Napabuntong-hininga siya. Tama kasi ito. Hindi naman sa habang panahon, maiiwasan niya si Venger.

Hindi naman kasi sana ganito. Pero lately kasi, parang ikinakanta na siya ng mga bruha. Pinapasaringan siya ng mga ito. Hindi naman direktang patama, at hindi rin naman halatang siya ang pinaparinggan ng mga ito, pero natatakot parin siya. Idagdag pang kinakain na siya ng konsensya niya.

"'Not, ayoko na. Gusto ko ng umamin, pero hindi ko alam kung paano. Natatakot ako."

"Ano ba'ng kinakatakot mo? Kahit naman magalit siya sayo, walang namang mawawala, hindi mo naman siya kaibigan, noon pa. Anong problema?" matalinghagang tanong nito.

"No, I am not falling for him." kontra niya dito. Alam niya kasing may laman ang tanong na iyon nito. May sagot na ito, at gusto lang nitong siya mismo ang magsabi.

"Then what is the problem?"

"I don't know! Maybe I'm just afraid of hurting him! He doesn't deserve this." malungkot na tugon niya.

"Since when did you have that kind of concern for him?"

"Ah, ewan. Alis na 'ko." Tumayo na siya at inilgpit ang gamit niya. Napailing na lamang si Panot.

It Started With A TextWhere stories live. Discover now