"Po?" naguluhan siya sa sinabi ng matanda. Magtatanong pa sana siya, ng biglang tumayo ang matanda at nagpara.
"Upo kana, hijo." Dinig niyang sabi nito kay Venger na pansin niyang may kasamang tudyo.
Hala, ang malisyosa ni lola.
Umurong siya sa tabi ng bintana saka umupo si Venger. Lumakas na naman ang kabog ng dibdib niya. Malakas naman ang hangin, pero pinagpapawisan na naman ang leeg at kilikili niya.
Nakatingin lang siya sa labas ng bintana. Hindi niya ito papansinin. Kakalimutan niyang katabi niya ito, kahit imposible iyon. Bababa na ito sa susunod na kanto. Naghintay siya.
Laking dismaya niya ng dinaanan lang ng bus ang babaan ni Venger. Hindi pumara ang lalake! Saan ba papunta ito?
Nilingon niya ito ng nagtatanong na mata. Nakayuko lang ito.
Ah! Hopeless. Nagdesisyon na siyang kausapin ito.
"'Problema mo?"
Sa halip na sagutin siya, kinuha nito ang cellphone sa bulsa at tinignan iyon. Maya-maya ay napabuntong-hininga ito.
"Hindi man lang siya nagtext." malungkot na saad nito.
Paano'ng magtitext, eh, kasama mo. Piping naisaloob niya.
"Bakit parang ayaw niya akong makita?" wala sa sariling dagdag nito.
Hindi niya alam kung sasagutin ba ito o hinde. Pero hanggang kaya niyang magpanggap, hanggang kaya niyang sikmurain ang guilt, kokonsolahin niya ito.
"B-baka... hindi pa siya ready... o kaya nababahala siyang baka 'di mo pala siya type."
"Alam niyang hindi ako ganon kababaw. Alam niya rin kung gaano ko siya ka-gustong makita." Napabuntong-hininga na naman ito.
"B-baka natatakot siya... S-sayo."
Laking gulat niya ng ilapit nito ang mukha nito sa kanya. "Mukha ba akong nakakatakot?" seryosong tanong nito.
Napasinghap siya. Ilang sandali pa bago siya nakahuma.
"O-oo." Amin niya sabay marahan itinulak ito palayo. "Tigilan mo na nga yan. 'Di mo pa nga nakikita, ganyan ka na maka-react dyan."
He sighed for the nth time. Nakonsensya naman siya.
"Magpapakita yun, kung gusto niya. Kung hindi naman, siguradong may dahilan siya. Wag laging sarili ang iniisip, Venger." Now she was speaking for herself. "Sige, bababa na ako sa susunod na kanto. Umuwi ka na nga."
Tumayo siya at pumara. Bago pa man siya tuluyan makadaan sa harap nito, hinawakan nito ang kamay niya na nagpatindig ng lahat ng balahibo sa katawan niya. Nilingon niya ito.
"Thank you." he said and smiled.
Alanganin siyang tumango, saka hinila ang kamay. "S-sige. Uwi ka na."
Pagkababa, ay pinahupa muna ni Louella ang bagyong dumaan sa sistema niya bago tuluyang naglakad pauwi.
Hindi na normal 'to. I'd better stop this before it gets worse.
> > > > >
"SO tomorrow, new topic na tayo." ani ng Values teacher nila. "Since I will not be here for three days, may substitute teacher na pupunta dito. He will not be lecturing, instead, you will be the one to discuss the topic. Parang reporting 'baga." mahabang litanya nito.
"Same group, ma'am?" tanong ng isang kaklase nilang si Klarenz.
"Hmm, re-shuffle na tayo. Para maiba naman." sabi nito.
YOU ARE READING
It Started With A Text
Romance"Kung ako sayo, habang maaga pa, itigil mo na yan." Seryosong suhestyon nito. "Paano kung hindi ka nga mabuking, pero na-in-love naman sayo yung tao. Gaya nga ng sabi mo, lately parang nagpapahiwatig na siya. Oh, anong gagawin mo?" "Hindi ko alam, '...
CHAPTER 3
Start from the beginning
