Louella is not the campus-crush type of girl. Hindi siya yung balingkinitang mestiza na laging kinukuhang muse ng basketball team. Hindi rin siya girly mag-ayos kaya nagkakasundo sila ni Panot.
She's one of the tallest among the girls. Mejo malaki ang built ng katawan at astigin gumalaw. She's a plain jane. Kung may positive na compliment man siyang laging naririnig, it's that most people find her beautiful when they get to stare at her for a long time. 'Maganda ka pala.' ang laging komento ng mga ito.
"that's the point, rez. Hndi pa kita nakikita, pero alam kong totoo ang nraramdaman ko sayo. kahit na ano pang itsura mo, wala akong pakealam, kasi nga personality mo ang minahal ko, hindi ang itsura mo."
Isa pa yon. Sabi din nila, she's easy to get along with. Lahat ng nakikilala niya, nagiging kaibigan niya. Madali siyang nakaka-adjust sa personality ng taong kaharap niya. She may not be friendly, but she's 'friendfull.'
Pero hindi lang kasi iyon ang problema sa pagitan nila ni Venger. Niloloko niya ito. Buti sana kung hindi talaga sila magkakilala. Malamang, hinayaan niya ang sariling mahalin ito, at mahalin din siya nito. Pero hinde.
Mali. Sa simula pa lang, maling-mali na. Kaya pinangako niya sa sariling, hanggang pagkakaibigan lang ang pagiging textmate nilang iyon. Nothing more, nothing less.
"Venger. Let's just stay this way. Okay naman tau diba? Wala naman tayong problema. Bakit kailangan pa nating baguhin?" pangungumbinsi niya dito.
"because being just your friend isn't enough for me, Rez. Nafu-frustrate na ako. Araw-araw, lagi ko nalang iniisip kung sino ang mga kasama mo, sinong lalake ang mga nanliligaw sayo."
"nagseselos ako kapag naiisip kong may kausap, katabi, o katawanan kang ibang lalake. Naiinis ako kasi pareho nga kaming kaibigan mo, pero lamang sila kasi nakikita ka nila."
"eh ako? Textmate mo lang ako. Yun lang ba talaga label ko para sayo?" sunod-sunod na text nito.
Ramdam ni Louella ang frustrations ni Venger.
Napapansin niya rin ang pagseselos nito. Kapag nagpapaalam siyang 'di makakatext dahil may group study sila at alam nitong may lalakeng kasama. Naiinis ito kapag sinasabi niyang may nanliligaw sa kanya. Nakakaramdam siya ng kilig, kaya kahit hindi naman totoo, sinasadya niya minsang magsinungaling dito.
Dakilang Manlilinlang ka talaga Louella!
"U still have the number one spot in my heart, Venge."
Nakakalungkot mang aminin, pero totoo yun, hindi bilang si Rezny, kundi bilang si Louella.
"Hindi mo ba ako mahal, Rez?"
"Venge... you know I do."
"Then why?"
"Because things are going to change. I don't like change. I want us to just stay this way. Kapag binago natin to hindi natin sigurado kung hanggang saan, hanggan kalian, o anong mangyayari. Please..."
"if the change is you, then I wouldn't mind dealing with it. Goodnight Rez. :("
> > > > >
"VENGER! Nandito siya kanina. Antagal mo?" habol na sabi nila Charrie sa lalake.
Uwian na noon, at kanina sa banyo ay kinausap siya ng mga ito tungkol sa kalokohang gagawin ng mga bruha. Sasabihin umano ng mga ito kay Venger na bumisita si Rezny. Paalam nila na wag daw muna niya itext para kunwari, surprise.
"Mga timang ba kayo?! Sinong ipapakilala niyo?!" nagpupuyos na sagot niya sa pinaplano ng mga ito.
"Wala nga! Sasabihin namin na nakauwi na, bago pa siya dumating." sabi ni Rizza.
"Oo, balita ko may practice sila ngayon. Kaya hindi iyon makakahabol." dagdag ni Lenny
"Bakit niyo pa kasi gagawin yan." reklamo niya. Nakakainis na kasi ang mga panloloko ng mga ito.
"Natural, para hindi masyadong maghinala'ng hindi ka totoo! Duh." Ani Charrie.
At wala na nga siyang nagawa. Naupo nalang siya sa bench at naghintay ng reaksyon mula kay Venger. Kahit papaano, curious din siya sa kung anong sasabihin o gagawin nito.
"Nasaan na siya?" hinihingal pa'ng tanong ng lalake.
"Nakaalis na, hindi pwedeng gabihin yun, eh. Baka mapagalitan." palusot ni Freyah.
Napaupo si Venger sa Bench. Malayu-layo din ang tinakbo nito. Nasa grounds kasi sila, habang ang court ay nasa kabilang dulo pa. Ramdam niya ang disappointment nito.
"Ba't 'di man lang siya nagtext?" malungkot na wika nito.
"Sabi niya, hindi ka na daw niya i-istorbuhin."
Naawa siya sa lalake. Sa totoo lang, kinakain siya ng guilt niya ngayon. Gusto niyang yakapin si Venger. Gusto niyang mag-sorry. Gusto na niyang sabihin ang totoo. Pero mas nangingibabaw ang takot niya.
Nasa katabing bench lang ito, kausap ang mga bruha. Kunwari kinu-console ng mga ito ang kawawang binata.
"Hayaan mo na Venger, may next time pa naman." sabi ni Rizza.
'Di na matiis ni Louella ang kaplastikan ng mga bruha kaya napatayo siyang bigla na ikinabigla naman ng mga ito.
"Ah, una na ako." walang kagatul-gatol na paalam niya.
Akmang papalayo na siya ng marinig niyang magsalita si Venger.
"Sandali."
Napasinghap siya sa gulat o kaba, hindi niya alam.
"Sabay na tayo." dagdag nito na ikinagulat nilang lahat.
Napalingon si Louella dito para kumpirmahin kung siya ba ang kinakausap nito. Tumayo si Venger bitbit ang bag, saka lumapit sa kanya.
Lumakas ang kabog ng dibdib niya. Napatingin siya sa mga bruha na laglag din ang mga panga. Pinandilatan niya ang mga ito, na parang nagtatanong kung 'anong nangyayari?'
Halata sa mga mukha nito na wala rin itong mga alam. Napaka-unusual kasing makisabay si Venger, at sa kanya pa! Hindi talaga normal. Walang konek.
"Tara." nagpatiuna na ito.
Nagulat pa siya sa muling tawag nito at agad ding sumunod pagkuway binantaan niya ang mga bruha sa pamamagitan ng facial expression.
'Kapag ito, may alam. Humanda kayo sakin.' angil niya sa mga ito.
> > > > > N E X T C H A P T E R C O M I N G U P < < < < <
YOU ARE READING
It Started With A Text
Romance"Kung ako sayo, habang maaga pa, itigil mo na yan." Seryosong suhestyon nito. "Paano kung hindi ka nga mabuking, pero na-in-love naman sayo yung tao. Gaya nga ng sabi mo, lately parang nagpapahiwatig na siya. Oh, anong gagawin mo?" "Hindi ko alam, '...
CHAPTER 2
Start from the beginning
