Pinaupo silang mga reporters sa harap ng magkakatabi. At kung hindi ba naman siya talaga pinaglalaruan ng pagkakataon, si Venger pa ang nasa tabi niya.
Idagdag pa ang mga malisyosang tingin ng mga bruha ngayon sa kanya. Parang tinutukso siya ng mga ito sa pamamgitan ng lihim na tawanan at mga pasimpleng bulungan.
Kinalma niya ang sarili. Siya na ang susunod na magrereport. Sa kanya nakasalalay ang grades ng grupo niya. I'm going to ignore this bitches to death.
"That would be all, thank you."
Dinig niyang closing remarks ng kasalukuyang reporter.
Huminga siya ng malalim bago tumayo. Pero bago pa man siya makahakbang ay parang narinig niyang mahinang nagsalita si Venger.
"Good luck."
Anak ng Teteng ka naman Venger! Nananadya ba ito? She decided to pretend she didn't hear anything and proceeded.
Her report lasted for about 10 minutes. Good thing she did it fine without any distractions.
"Well, that's the end of our report. Thank you for listening."
She bowed her head slightly as everyone aplauded. Just when she's about to raise her head, she heard the scariest name she dreaded to hear inside that classroom.
"Go Rezny! Whoo!"
Nanlaki ang mata niya saka tinignan kung sino ang walang hiyang nagsabi ng pangalang iyon. She then saw Charrie cheering but not for her. Nilingon niya ang tinitignan nitong si Venger.
Nakatayo na ito, at tila lihim na napangiti sa kilig ng marinig ang pangalang REZNY. That's when Louella felt a deep sense of relief. Akala niya ipinagkanulo na siya ng mga bruha. Tinutukso lang pala ng mga ito si Venger.
And by the way, how did Venger learn that these bitches knew Rezny? Wala man lang nag-inform sa kanya na mutual friends pala nila ni Venger ang mga bruhang iyon.
Wala sa sariling bumalik siya sa upuan. Sinimulan na ni Venger ang report nito, nang sabay na maghiyawan ang mga kagrupo nitong kalalakihan. Napuno ng boses ng mga ito ang classroom, habang patuloy na nagiisip ng malalim si Louella.
Tinignan niyang muli ang mga bruha na ngayon ay lihim na nagtatawanan habang nakatingin sa kanya. So that was for me. She realized.
> > > > >
"HAPPY Monthsary!" bungad ng late night text session ni Venger at Rezny.
"monthsary?" kunot-noong reply niya.
"Yup! We've been textmates for five months now. Remember, coach? :D"
"wow, naalala mo pa yun?" mangha siya.
Nakalimutan na nga niya kung paano sila umabot sa ganito.
"oo naman. Kaw lang naman nakakalimot eh." Parang nagtatampong sagot nito.
"haha, ang tagal na pala noh?" na-amuse siya.
"oo nga. Magatal na. matagal na tayong textmates. Wala ka parin bang planong i-level up to? :D" humihirit na naman ang mokong.
"Venger... [-_-]" she sighed.
"hmm. [-_-]" She felt him sigh, too.
"it's never going to work, venge. You know that. Hindi mo pa ako nakikita. What makes u think na magwo-work tayo? Pano kung pangit pala ako? Ayaw mo pala sa mukha ko."
YOU ARE READING
It Started With A Text
Romance"Kung ako sayo, habang maaga pa, itigil mo na yan." Seryosong suhestyon nito. "Paano kung hindi ka nga mabuking, pero na-in-love naman sayo yung tao. Gaya nga ng sabi mo, lately parang nagpapahiwatig na siya. Oh, anong gagawin mo?" "Hindi ko alam, '...
CHAPTER 2
Start from the beginning
