"hindi nga ako wrong send. Is it wrong to call you baby?"
"Of course. That's not my name."
"Okay, babe."
"Venger! >_<"
"I know, I'm sorry. gusto ko lang sanayin sarili ko na tinatawag kang ganun."
"Eto na naman po taU. Stop texting na." putol niya dito. Naalala niya rin kasing papauwi pa pala ito.
"R u mad? Sorry." nag-alala yata ito.
"Nope. I mean it isn't safe to text while walking the streets. Get home first. Text me later. K?"
"Hah... I'm relieved! Thanks. Okay, I'll text you later."
Napaupo sa kama si Louella. Pinakiramdaman niya ang sarili. Hindi na kasi siya sigurado sa feelings niya. Tinatraydor yata siya ng puso niya. Posible kaya talagang ma-inlove ka sa taong di mo naman crush? Hindi niya kasi alam kung ano ba dapat ang maramdaman niya ngayon.
Guilt? Inis? Saya? Or na-i-inlove na rin ba siya?
No. No. No!
Hindi pwede. Si Rezny ang textmate ni Venger. Kung in-love man talaga ito, kay Rezny iyon at hindi kay Louella. Gising Louella!
> > > > >
"LOU!" tawag ni Rizza habang nakadungaw ang mga ito sa bintana ng classroom nila. Nasa-second floor iyon at natatanaw niyon ang quadrangle.
"Bakit?"
"Itext mo si Venger, dali! Tanungin mo kung anong ginagawa."
"Bakit?"
"Basta, ano kaba. Bilis!"
Sinunod niya ang mga ito. "Hey, 'sup?"
"P.E. namin. Walang teacher. Nasa bench, nakaupo with friends."
Ni-relay niya sa mga bruha ang reply ni Venger. Buti nalang walang lalake sa classroom.
"Oh my gosh, ang honest niya!"
"Kayo lang naman ang hindi, eh." bulong niya.
Nag-vibrate ang cellphone niya. "kaw? Wala ka rin class?"
Nataranta siya. Oo nga pala! "library works. Bored." palusot niya.
"Lou!" tawag ni Nessy. "ito na yung report natin mamaya. Ikaw na bahala, ha. Natapos na namin pati yung second part. Tsaka na-summarize narin namin yan, para matapos na natin lahat ngayon."
"Oh, okay, Ness! Thanks."
May report pala siya mamaya, muntik na niyang makalimutan. Bago niya binasa ang report, tumipa muna siya ng reply kay Venger.
"text u later. Got something to do." pagkasend niya nito, ay tiyempong nakareceive din siya ng reply dito.
"I miss you."
Nataranta lahat ng nerve cells niya. Peste! Paano pa siya makakapag-concentrate nito!
Kainis ka Venger!
> > > > >
KANINA pa kinakabahan si Louella. Hindi dahil sa reporting nila, sisiw lang sa kanya iyon. Ang dahilan ng kaba niya ay ang katabi niya ngayon.
YOU ARE READING
It Started With A Text
Romance"Kung ako sayo, habang maaga pa, itigil mo na yan." Seryosong suhestyon nito. "Paano kung hindi ka nga mabuking, pero na-in-love naman sayo yung tao. Gaya nga ng sabi mo, lately parang nagpapahiwatig na siya. Oh, anong gagawin mo?" "Hindi ko alam, '...
CHAPTER 2
Start from the beginning
