"Ano ka ba. Wala nga. May sasabihin ako sayo. Pero atin-atin lang to ha. May tiwala ako sayo, 'Not." pangongonsensya niya dito.
May tiwala naman siya sa kaibigan. Sa katunayan, si Panot ang pinaka-masasabi niyang best friend niya.
"So may boyfriend ka nga?" hula nito.
"Hindi nga. Ganito kasi yun..." at ikinunwento nga niya ang kinasusuungan niyang problema ngayon.
"Patay tayo jan, Lou. Bakit mo naman ginawa yun?"
"Eh, napasubo na eh. Hindi ko naman sana talaga gagawin. Kaso, heto nga. Nasimulan na."
"Problema yan, Lou. Paano na kung malaman niya yung totoo? Paano kung magalit siya sayo? Ma-eexplain mo ba sa kanya na inutusan ka lang ng mga bruha?"
"Oo naman, noh. Damay-damay na 'to. Kung ibubuking nila ako, eh, delikado rin naman sila."
"Kung ako sayo, habang maaga pa, itigil mo na yan." seryosong suhestyon nito. "Paano kung hindi ka nga mabuking, pero na-in-love naman sayo yung tao. Gaya nga ng sabi mo, lately parang nagpapahiwatig na siya. Oh, anong gagawin mo?"
Napaisip siya. "Hindi ko alam 'Not." Sa katunayan, matagal na siyang binabagabag ng konsensya niya. Pero lagi rin itong naisasantabi, dahil madalas nananaig ang saya na nararamdaman niya kapag ka-text si Venger.
"Pano naman kung ikaw na ang ma-in-love, anong gagawin mo?"
"Hindi naman mangyayari yun!" mariing tanggi niya. Hindi naman kasi niya crush si Venger, kaya malabong ma-inlove siya dito.
Napatanga narin siya. Paano kung gusto nang makipagkita ni Venger. Paano kung sabihin talaga nitong nai-inlove na ito kay Rezny. Mas malala yun kung dun pa siya nito mabubuking.
Ahg! Wala naman kasi akong ganitong problema noon!
> > > > >
SABADO.
Nakagawian na ni Venger at Rezny na magka-text buong araw.
"Gud morning! Wake up, sleepyhead!" bungad nito.
Napangiti si Louella. Araw-araw, ito ang gumigising sa kanya, at hindi niya alam kung bakit gumagaan ang pakiramdam niya.
Noon, kapagka ganitong walang klase, alas dyes na siya ng umaga gumigising. Pero simula noong naging magtextmate sila ni Venger, alas-singko pa lang, gising na siya.
Early riser kasi ang lalake, nagjo-jogging raw umano ito sa malapit na park sa bahay nito. Lagi pa siyang niyayaya nito. Sandamakmak na dahilan ang sinasabi niya dito na pinaniniwalaan naman nito.
"goodmorning! nka-ilang laps ka today?" tanong niya.
Lagi kasi nitong sinasabi sa kanya kung ilang laps ang tinakbo nito.
"hmm. 10 laps lang. kapagod. Kaw? Nakailang ikot ka sa kama mo today?" birong-ganti nito.
"haha. 'Got 20! Beat you to it! xD"
"hahaha! Pauwi na ko. Hintayin moko, sabay tayo breakfast."
"Haha, okay! Hurry up, gutom na me!"
"I will, I will, baby..."
Napatda siya sa nabasa. Baby? Not good.
"Lol, baby? Wrong send ka po." patay-malisya niya.
"wrong send? Haha, I don't think so. Been there, done that."
"My name's not Baby. Always check the number first, before sending. >_<"
YOU ARE READING
It Started With A Text
Romance"Kung ako sayo, habang maaga pa, itigil mo na yan." Seryosong suhestyon nito. "Paano kung hindi ka nga mabuking, pero na-in-love naman sayo yung tao. Gaya nga ng sabi mo, lately parang nagpapahiwatig na siya. Oh, anong gagawin mo?" "Hindi ko alam, '...
CHAPTER 2
Start from the beginning
