Napadungaw siya sa ibaba. Nasa rooftop kasi sila, 'hideout' ng mga chismosa. Nagsa-sight-seeing ito ng mga biktima. And by 'biktima' iyon yung mga lalaitin, pupurihin, pagchichismisan, at kaiinggitan. Doon din sa rooftop na iyon aabangan ng mga ito ang mga crushes nila.

"Haay! Ang lalandi talaga!" she rolled her eyes.

"Alam ko na!" bulalas ni Lenny. "Lou! Sino na ang nakakalam ng number mo sa boys?"

Napaisip siya. "Hmm? Si Mikel pa lang naman, bakit?"

Nagtawanan ang mga ito. "Gaga, sabi ko, BOYS!" Naguluhan siya sa parteng iyon. "'Di bale na nga. Wag mo nang ipagkakalat ang number mo sa boys ha," anito.

"Bakit?" maang na tanong niya, kahit wala naman talaga siyang balak ipamigay ang number niya.

"Kasi, ite-textmate mo 'to." Iniharap ni Lenny sa kanya ang cellphone nito.

"Venger?" Basa niyang ikinagulat ng lahat. "Ha? Textmate?" maang niyang tanong.

"Oo, tama! Textmate." excited na sang-ayon ni Celyn. "Makipagkaibigan ka sa kanya sa text." dagdag pa nito.

"Magkakilala naman na kami sa personal, bakit pa ako makikipagkaibigan sa text?" kunot-noong tanong niya.

"Timang! Wag mong sabihin na ikaw. Kunwari, ibang tao ka. Hindi ka si Louella. Hmm..." sabat ni Charrie kapagkuway tila nag-isip.

"Teka, teka." Naguguluhan parin siya sa pinagsasabi ng mga ito. "Hindi ko gets, eh. Bakit ko gagawin yun?"

"Kita mo naman si Venger, diba. Misteryoso, hindi nakikipag-usap kahit na kanino, maliban sa mga kabaro niya." ani Freyah.

"Hindi ka ba nahihiwagaan sa kanya?" tanong ni Celyn.

Napaisip si Louella. Totoo ngang napakamisteryoso ni Venger. Totoo rin ang mga sinabi ng mga ito kanina na gwapo ang lalake. Perfect example ng Tall, Dark and Handsome ito. Maliban doon ay MVP rin ito. Sa lahat ng mga lalake, ito rin lang ang mukhang mabango kahit na kagagaling lang magbasketball.

Minsan lang niya itong nakikitang nagsasalita, miminsan lang din itong ngumingiti. Madalas nadadatnan niya itong malalim ang iniisip. Ano kaya ang nasa isip nito? Ano kaya ang mga tinatago nito? Sino kaya talaga si Venger de Vera?

"REZNY!" sigaw ni Freyah na nakapukaw sa kanyang naglalakbay na diwa. "Rezny ang sasabihin mong pangalan."

"Rezny? Bakit Rezny?" maang na tanong niya.

"Mga letters galing sa pangalan namin yun. R sa Charrie, E sa Lenny, Z sa Rizza, N sa Celyn, at Y sa sakin." Sagot nito.

"Teka, ba't di nalang kayo ang makipagtextmate sa kanya?"

"Ano ka ba, alam na ng marami ang numbers namin. Malamang may number narin si Venger samin kasi sinasama namin siya sa grouptext. Kaya wala nang ibang makakagawa non kundi ikaw." paliwanag ni Rizza.

Diskumpyado parin siya. Anong mangyayari pagkatapos? Anong sasabihin niya? Pano niya gagawin ang pakikipagtextmate dito?

"Ayoko. Ang sungit kaya non, pano pag nahuli ako?" pagdadahilan niya.

"Anu ka ba, hindi ka mahuhuli non. Galingan mo lang ang pag-arte. Mahilig ka dibang mag-basa ng mga pocketbook sa library? Gayahin mo lang yun." suhestyon ni Freyah.

"Eh..." wala na siyang maisip na idadahilan.

"Promise, pag ginawa mo 'to, hindi na namin ibu-bully si Nessy." pangungumbinsi ni Charrie.

Doon na siya napaisip. Naaawa narin siya sa kaibigan. Palagi nalang itong naiiyak, kasi tinutukso raw umano siyang unano ng mga kulutong na ito.

Ano bang mawawala kung pagbibigyan niya ang deal ng mga bruha? Maililigtas pa niya si Nessy sa mga makukulay na kuko ng mga bruhang ito.

It Started With A TextWhere stories live. Discover now