Kumbaga, kaibigan niya lahat ng kakaiba sa klase nila. Ganoon siya kabait. Hindi siya mahilig makihalubilo sa mga babae dahil puro chismisan at kaartehan ang inaatupag ng mga ito. Hindi rin siya masyadong lumalapit sa mga lalake dahil puro naman basketball at babae ang topic ng mga ito.
Noong elementary siya, mas malapit siya sa mga lalake dahil mejo tomboyin din siyang gumalaw noon. Pero nagbago iyon noong nag-highschool siya. Habang nagdadalaga kasi siya, mas lalo nang napapansin ang mga senyales ng pagiging babae niya.
Malaki na ang hinaharap niya, at hindi rin niya namamalayang nawawala na ang pagiging tomboyin niya. Na-tsismis din siyang malandi kaya dumistansya na siya. Ayaw niya ng bad image.
Hindi man sinasadya, pero nang mag-second year siya, napansin niyang kakaiba ang mga nagiging kaibigan niya. Hinayaan na lamang niya iyon, dahil mas tahimik na ngayon ang buhay niya.
Pero nang lunch break na iyon, nagulat silang magkakaibigan nang biglang nakisabay sa table nila ang mga kaklase nilang chismosa -ay este, babae pala. Nagkatinginan na lamang sila at nagkibit balikat.
"Lou! Magkano ba yang cellphone mo?"
"Saan mo nabili?"
"Anong number mo, text-text tayo."
"May mga naka-phonebook ka na ba? Kunin mo number ko."
"Globe ka ba, or Smart?"
Ah. Kaya naman pala. Iniusyoso ng mga ito ang cellphone niya. Isa-isa niyang sinagot ang mga ito, out of courtesy. Hanggang sa natapos silang kumain, hindi parin siya tinantanan ng mga ito. Kinukuyog pa siya ng mga itong sumama sa tambayan ng mga ito tuwing lunch break.
"Lou, dito nalang kami sa library, ha," paalam ni Mikel. "Pag-aaralan muna naming yung report natin."
Nag-alangan siya, pero hindi niya matanggihan ang mga kaklaseng babae. Ayaw niya rin kasing maka-offend. Tsaka kung hindi niya ilalayo ang mga ito, hindi matatapos ang report nila. Binubully na naman kasi ng mga ito si Ness.
"Ah, sige. Text nalang kayo kung kailangan niyo ako, ha." paalam niya bago tuluyang nahila palayo ng mga bruha.
Maiintindihan naman siguro siya ng mga ito. Hindi naman kasi talaga siya tumutulong sa pagreresearch ng report. Kadalasan kasi, pagnaaatasan silang magreport ng isang topic, ang mga ito ang lang ang nagreresearch sa library, siya ay nagbabasa ng mga pocketbooks. Bumabawi naman siya, dahil siya naman ang humaharap sa klase para i-report ang ni-research ng mga ito.
> > > > >
"OH my gosh, ang gwapo niya talaga!" sigaw ni Celyn habang nakadungaw sa basketball court.
"Yuck, saan ang gwapo jan?" tanong ni Charrie na wala yatang ibang nakikita kundi mga pawisang players.
"Si Venger. Tignan niyo nga oh." sagot ni Celyn.
Nakidungaw na rin ang iba.
"Oo nga noh, sa lahat ng lalake sa klase natin, siya lang yung mukhang mabango." singit ni Rizza ang pinakamadaldal sa kanila.
"Hahaha, sinabi mo pa! Ang kaso napaka-mysterious niya. Ni-ayaw makipagusap sa mga babae." komento naman ni Freyah, ang pinaka-cool na babae sa klase nila.
"Oo, suplado. Pero ang nakakainis, yun yung nagpapadagdag ng kagwapuhan niya, eh." sagot uli ni Rizza.
Napailing na lamang si Louella. Ito talaga ang ayaw na ayaw niya sa mga babae. Puro kalandian ang pinag-uusapan.
YOU ARE READING
It Started With A Text
Romance"Kung ako sayo, habang maaga pa, itigil mo na yan." Seryosong suhestyon nito. "Paano kung hindi ka nga mabuking, pero na-in-love naman sayo yung tao. Gaya nga ng sabi mo, lately parang nagpapahiwatig na siya. Oh, anong gagawin mo?" "Hindi ko alam, '...
CHAPTER 1
Start from the beginning
